KABANATA 25

1 0 0
                                        

LEVE'S POV

"Pwedi ba dahan-dahan kayo sa paghila!" Sigaw ko sa isang kawal ng mapansing napapangiwi si Casia habang hinihila.

"Kapag nakatakas ako rito, susunggaban ko kayo hangang sa magkalasog-lasog ang mga katawan niyo!" Narinig kong sigaw ni Rhino.

Hinanap ko ng tingin si Dona Flora pero wala siya sa paligid. Saan kaya siya dinala ng ibang mga kawal! Ayos lang ba siya?

"Nasaan si Lola?" Tanong ni Casia na nanlilisik ang mga mata.

Humalakhak ang kawal na may hawak sa kaniya kaya dinurahan siya sa mukha ng kapatid ko. Napangisi ako sa ginawa niya! Akmang hahampasin siya ng latigo ng sawayin ito ng kasama niya.

"Patay na ang matandang kasama niyo! Itinapon na namin sa bangin kanina." Nagtatawanan sila habang nang-aasar. "Pabigat lamang ang matandang iyon kung bibitbitin pa namin!"

"Malakas pa ang tuhod ko totoy!" Bungad ni Dona Flora.

Napangiti ako ng makitang maayos ang kalagayan niya! May tali siya sa likod na hila ng kawal na may hawak sa kaniya.

"Bwesit!" Mura ng kawal kanina. "Bakit ba kasi dinala mo pa yan!"

"Nagpapakilala siyang si Prinsesa Flora ang kapatid ng Ikalawang Hari!" Nagkatinginan ang mga kawal bago sabay-sabay na nagsitawanan.

"Hoy tanda, mukha yatang malawak ang imahinasyon mo hahahah!"

"May tililing yata ang isang to! Kay tanda na ay nangarap pang maging prinsesa!"

"Ih Daig mo pa nanay ng hari ihh hahaha!"

"Ih kung ibusal ko sa inyo ito!" Sa isang iglap lang ay nakabusal na sa kanila ang kanilang sariling mga sapatos.

Nakapameywang na kinumpas ni Dona Flora ang kaniyang kamay at nagkandabuhol-buhol silamg lahat. Ngumisi si Dona Flora saka kami pinakawalan.

"Ang galing!" Namamanghang saad ni Rhino.

"Ayos ba? Ito tingnan niyo!" Pumikit siya at unti-unting nagbago ang kaniyang itsura. Mula sa kulubot at maputing buhok naging kulay berdi ito na may kunting asul. Naging bata rin ang kaniyang itsura. "Ayos ba?"

"Galing!" Pumapalakpak pa si Rhino habang patalon-talon.

Isip-bata ba siya?

"Paano mo yun nagawa, Dona Flora?" Gulat na tanong ni Casia habang nagpapagpag ng damit. Nakakunot ang noo niyang lumapit sa akin. "Are you fine?" Agad na tanong niya ng mapansin ang galos sa kaliwa kong binti.

Hindi ko ito napansin ah!

"Ito naman talaga ang totoo kong anyo dito sa mundo natin! Hindi naman tayo tumatandang mga Mago hanggang sa ganitong imahe lamang tayo! Hindi na tayo tatanda pa ng mas matanda dito." Kumindat pa siya sa amin.

"Pero ang ganda mo pa rin Dona Flora! Ang ganda ng hugis ng iyong katawan at mukha. Para kayong nasa 35 palang kung susumahin sa mundo ng mga tao!" Kunwaring asar ko.

Well! She is really beautiful sa itsura niya ngayon. No doubt about it!

Napapa-english pa ako lintik!

"Naku naman Abel baka ma-inlove ka sa akin!" Tawa niya sabay tulak. "Biro lang! Oh siya tara na at harapin natin ang suwail kong kapatid."

Tumango kami at sumunod sa dereksiyong tinatahak niya. May mga nakapansin saming kawal! Agad kaming nilapitan at pipigilan sanang pumasok sa loob ng palasyo ngunit agad na kinukumpas ni Dona Flora ang kaniyang kamay na siyang nagpapatigil sa mga ito. Nakikita ko pang inaasar pa sila ni Rhino habang nilalagpasan namin.

Heirs of MiticaWhere stories live. Discover now