Kabanata 8

1 0 0
                                        

Tahimik lang sila Diego, Fiona at Abel habang nakaupo sa sala at hinihintay ang pagbabalik ni Doña Flora... Nakahalukipkip na bumuntong-hininga si Fiona bago bumaling sa dalawang kapatid na tahimik lang at malalim ang iniisip.

Kanina habang nagbibiruan sila Diego at Abel at siya naman ay nanunuod lang biglang tumayo si Doña Flora at seryusong sinuway ang dalawa. Biglang naging seryuso ang mukha nito bago umalis. Kaya naman hindi nila nagawang umalis at hinintay na lamang ang matanda sa pagbablik. Mukhang walang naman silang galang kapag umalis sila ng walang paalam.

Nagtataka man naghintay parin sila ng halos mahigit dalawang oras sa pagbalik nito. Inaasikaso naman sila ng mga naiwang katulong at sinabi ng mga ito na umalis daw muna saglit si Doña Flora. Ipinasabi pa daw nito hintayin siya bago sila umalis.

"What's happening? Ayaw ka atang paalisin ng matandang iyon Abel!" Nakakunot noong wika ni Deigo kaya siniko naman siya ni Abel.

"Shut up! Prince Third..." padabog na wika ni Abel.

"Ano ba kasing nangyayari? May photoshoot pa ako mamaya at may pupuntahan pa kami ni Astron pagkatapos!" Diego said na para bang napaka-importante talaga ng gagawin niya.

Napatawa nalang siya sa inasal ni Diego. Narinig niya kasi kanina ang usapan niya at Astron. Pupunta sila sa Bar. Minsan na siyang nakapasok sa ganoong lugar noong hinahalughog nila bawat lugar para hanapin ang mga kapatid. Noong sila palang ni Seven ang magkasama.

"I miss Athena so much!" Sabi niya ng hindi gumagalaw sa pwesto niya. Nakahalukipkip pa rin siya at nilalaro ang hawak niyang bulaklak na galing sa vase malapit sa kanya.

"Who's that?" Abel asked her but she didn't tried to speak. Nakalimutan ata ni Abel kung kaninong pangalan ibinigay yun ni Dalia.

"It was Seven!" Diego answered him.

"Nakita niyo na siya? How is she? Is she okay?" -Abel

"I don't know! Maybe not, Maybe Yes!" Tumayo siya at naglakad papunta sa may bintana. Kumakagat na ang dilim sa kalangitan.

Malungkot niyang pinagmasdan ang mga puno sa labas ng bahay na tila ba sumasayaw. Minsan niyang nakita si Athena na umiiyak noon sa loob ng banyo ng tinutuluyan nila ng dumating sila sa mundo ng mga tao. Sinisisi nito ang sarili niya kung bakit sila napunta sa mundong ito at kung bakit sila nagkahiwahiwalay.

"Athena blame herself why we are here!" binalingan niya ng tingin ang dalawa na nakatingin sa kaniya. "We all both know why we are here! Nandito tayo dahil sinubukan din nating alamin kung sino ang tunay nating ama! But why we need to lie Athena? Why we need to let her blame herself? Alam natin pareho na bago tayo ipadala rito eh nagkasundo-sundo tayong pasukin ang tanggapan nila ama dahil baka sakaling malaman natin ang totoo!" aniya pa bago tuluyang lumuha ang mata niya. Noong una nainis siya kay Athena dahil bakit hinayaan nitong hindi makapasa gayong mahusay ito sa kahit anong aspeto. Naiinis siya dahil kailangan nilang sundan si Athena dahil nangako silang hindi maghihiwalay-hiwalay! Pero nalaman ni Second na hindi dahil sa pagkabagsak ni Athena kaya siya ipapadala sa mundo ng mga tao! Dahil ito sa kagustuhan niyang malaman ang totoo nilang pagkatao na matagal na nilang isinuko pero si Athena patuloy parin pala sa pag-alam nito.

It's not Athena's fault! It's their own decision to be with her dahil nagi-guilty silang hindi nasamahan si Athena sa kagustuhan niyang malaman ang totoo, gayong lahat sila yun din naman ang nais.

"Eight! I mean Fiona ayaw din naman naming maramdaman niya yun..." Abel hugged her kaya mas lalo siyang naiyak!

"Kung ganun samahan natin siyang burahin lahat nag sakit ng nararamdaman niya!"

Heirs of MiticaWhere stories live. Discover now