Kabanata 7

1 0 0
                                    

[Fourth (Cassia Clemente)]

Malakas na hampas ng alon ng dagat at malamig na simoy ng hangin ang nangingibaw sa madilim na gabi. Wala ng ingay sa paligid dahil kalagitnaan na ng gabi.

Naupo sa buhanginan si Cassia habang pinapanood ang mga hampas ng alon. Dati gustong-gusto niyang maranasan ang maglakad sa gilid ng dagat at kumuha ng mga buhangin para ilagay sa bote. Nasa loob kasi ng kagubatan ang kaharian ng Myrinth at malayo sa mga dagat. Hindi naman sila pinapayagan ng kanilang mga ama na lumabas ng kaharian kaya wala silang gumawa kung hindi ang maging abala sa mga gawain sa palasyo at tumulong sa mga manggagawa. Hindi naman sila   pinagbabawalan na makisalamuha sa mga normal na mamayan sa kanilang kaharian kaya malaya silang makipagkaibigan kahit kanino.

Gamit ang maliit na putol ng sanga ng kahoy na napulot niya kanina habang naglalakad ay iginuhit niya ang pigura ng isang taong gustong-gusto niya na ulit makita. Mahaba ang buhok nito na at mapungay ang mga mata.

Napapangiti siya habang inaalala ang kahapon noong mga bata pa lamang sila.

FLASHBACK

"Pangako?" Masiglang tanong niya sa isang batang lalaki.

"Pangako! Dadalhin kita sa dagat kapag maaari na tayong umalis at maglibot sa labas ng kaharian." sagot din nito na nakangiti sa kanya at hawak ang iginuhit niyang larawan ng dagat at may mga batang naglalaro doon.

"Kailan naman iyon?" Nakasimangot niyang inagaw ang iginuhit niya saka itinago.

"Hindi ko rin alam pero maghihintay ka naman 'di ba? Ipangako mo!"

Wala man kasigarudahan ay tumango nalang siya bago ngumiti.

"Pangako hihintayin ko na dalhin mo ako doon! Ipangako mo rin na ah?" pangako niya.

"Pangako! Dadalhin kita doon at isasama natin ang iba para masaya."

Sa subrang tuwa niya ay niyakap niya ito. Pagkatapos ng sandaling iyon sabay silang nagpinta ng mga larawan....

END OF FLASHBACK

Malawak ang ngiti niya ng mapagtantong natupad na pala ang isa sa mga pangarap niya. Ngunit napalitan na lungkot ang kaniyang mga ngiti.

Natupad na ang pangarap niya! Ngunit hindi siya masaya!

Maraming taon siyang naghintay na tuparin ng batang lalaki ang pangako nito sa kaniya pero matutupad pala ito ng hindi ito kasama.

Ang pangako nitong dadalhin siya sa dagat ay hindi pala matutupad dahil siya mismo ang makakarating sa dagat ng mag-isa.  

"Ate Cassia! Hindi ako makatulog kaya hinanap kita. Bakit andito ka pa sa labas?" kinukusot pa ng batang babae ang kaniyang mata bago naupo sa tabi niya.

"Gusto ko lang magpahangin!" Niyakap niya ito dahil manipis lamang ang suot nitong damit. "Malamig dito sa labas bakit sumunod kapa?"

Umismid ito ng bahagya na ikinatuwa niya.

"Mahangin din naman sa bahay dahil pumapasok sa mga butas ang hangin mula sa labas bakit magpapahangin ka pa?" nakabusangot na tanong nito sa kaniya.

Oo nga naman! Hindi na kailangang lumabas para magpahangi dahil pumapasok din naman ang hangin sa loob ng bahay. Napangiti siyang tumayo at binuhat ito.

Apat na taon pa lamang ang bata. Isa iyon sa mga batang ibinilin sa kanya nung lalaking magnanakaw na tinawag siyang darling. Nakasulat kasi ang adress doon sa itinapon nito sa kaniyang papel. Hindi sana siya pupunta kaso nakunsensya naman siya! Paano kong totoo sinasabi ni kuyang magnanakaw na hindi pa talaga kumakain ang mga bata.

Heirs of MiticaWhere stories live. Discover now