"What was that?" Pagkapasok pa lamang ni Athena sa kaniyang silid ay padabog na ibinalibag niya sarili sa higaan. Inis na sinabunutan niya ang sarili bago nagpakawala ng malalim na buntunghininga! "That jerk... He's playing with us! Arrrghhh!" Maktol niya."Kanina tatahi-tahimik ka sa harapan niya tapos ngayon nagmamaktol ka diyan!" Wala sa mood na bungad ni Leve. "Ang daming nangyari! I want to rest for the whole week!"
"Really?" Sarkastikong sagot ng dalaga na ikinatawa bahagya ng binata. "Ano bang ginagawa mo dito sa silid ko?" Pagtataray niya sa binata na animoy ayaw niya itong makasama.
"Nang-aangkin kana ng kwarto dito sa palasyo ngayon ah!" Dumungaw si Leve sa bintana mula sa silid. "Tingnan mo, Casia!" Aya niya sa dalaga na nakasimangot parin sa kaniya.
"Ano ba yun?" Tanong nito ngunit hindi siya sinagot ng binata na nakangiting nakatanaw sa mga batang naglalaro sa 'di kalayuan. Sinundan ito ng dalaga ng tingin at kahit siya napangiti sa nasisilayan. "Ang saya nila. Naalala ko noong mga bata pa tayo binibigyan tayo ng isang araw na pahinga sa pag-eensayo at pag-aaral upang makapaglaro tayo kasama ang isa't-isa!" Masayang kwento ng dalaga habang binabalikan ang nakaraan.
"Tapos bigla kayong nawawala ni Second at hindi namin kayo mahanap!" Nang-aasar na lumingon ang binata sa dalaga.
Umiwas naman ang dalaga ng tingin bago sumagot. "Nagtatago lamang kami sa inyo kasi ang haharot niyo!" Paliwanag ng dalaga.
"Weee? Kapag bumabalik na kayo ih may dala kang bagong pitas na bulaklak at abot tenga ang ngiti mo!" Pang-aasar pa nito.
Namula ang pisngi ng dalaga ng maalala ang mga nakalipas. Kung saan sila ni Second ang laging magkasannga. "Nakaraan na yun, Six! Saka mga bata pa kami noon!" Pagtanggi niya.
"Batid namin noon pa na may pagtingin kayo sa isa't-isa kaya nabigla kami ng biglang lumayo sayo si Second. Bakit nga ba?" Curios na tanong ng binata.
Napairap ang dalaga sa sunod na tanong nito. Kaunti nalang ay baka magtago na siya sa kumot at magpanggap na natutulog para manahimik na ito.
"Fifth! Bakit nga ba lumayo sayo si Second?" Paguulit nito sa tanong kaya hinarap niya na ito at binusalan ang bibig.
"Hindi ko alam! Wala akong ideya, kung alam ko lang edi sana kanina pa kita sinagot!" Nanlalambot na sagot niya sa binata. "I really don't know what really happened, Six!" Malumanay na sagot niya bago naupo sa tabi nito.
"Gago talaga yun si Second!" Mahinang bulong ng binata. "Are you okay now? I mean I'm sorry I asked! Kaya bahagya ka ding lumayo sa amin nung nilayuan ka niya?" Tanong pa nito.
Napabuga nalang ng hangin ang dalaga at inirapan ang binata. Kilalaking tao napakachismosa
"Becuase you all are busy! Si Diego busy sa pagsasanay niya. Si Fiona, ikaw at si Athena madalas magkakasama. Si Abel laging abala sa pagpuslit sa bahay inuman. Si Lincoln naman iniiwasan na ako! Sino lalapitan ko sa inyo? I was all alone at that time and I don't know how to approach." Nakasimangot na saad ni Athena.
"But Abel is always hunting you. Sinusundan ka niya palagi para tingnan kong maayos ka! Hindi siya madalas sa bahay inuman. He's always been behind you. Sa liit ng Myrinth hindi mo man lang siya napansin?" Kwento ni Leve na agad kinagulat bahagya ni Casia.
"No! Hindi ko alam! I thought..." Napaisip siya kaya bahagya siyang natigilan. Hindi ba lagi siyang napapagalitan noon dahil nahuhuli itong patungo sa bahay inuman?
"We know that Abel has feelings for Fiona but you know what, he cares more about you... Sinundan ko siya isang bisis dahil may sasabihin ako sa kaniya pero napansin ko siyang nakamasid sayo. Nakatingin ka sa malayo habang hawak yung huling bulaklak na dala mo bago ka iwasan ni Lincoln. Tapos may ahas sa may likuran mo at malapit ka na tuklawin tapos si Abel kumuha siya ng bato. Binato niya yung ahas kaya namatay, sa lakas ba ba naman ng tama ng bato iwan ko lang mabuhay pa iyon!" Mahabang kwento ng binata kaya napakunot noo siya.