Kabanata 16

0 0 0
                                    

~~~~

"Look! Her hair is beautiful... Is she an angel?"

"Baliw may angel bang nasa lupa?"

"Yeah I think so..."

"Alis na ako nakakita sa kaniya!"

"No! It's me!"

"Ako nga sabi eh! Isusumbong kita sa Papa Mike ko."

"I don't care! Daddy......"

Ngumawa ng ngumawa ang batang babae. Nagdadabog na tumakbo papunta sa tatay niyang may tinuturo sa mga taong nagtatrabaho sa di naman kalayuang tinatayo bahay.

"Iyakin!" Tumawa naman ang batang naiwan at nilaro-laro ang buhok ni Athena na natutulog parin. Wala na si Azeron sa katabi niya pero nakaparada parin ang motor. "Ganito rin kahaba ang buhok ni Ate--- Gising ka na?"

Gulat itong lumayo sa kaniya dahil sa gulat ng bigla siyang naupo. Naalimpungatan siya sa haplos nito sa buhok niya.

"Hi! Sino ka?" tanong niya sa bata. Natuwa siya ng ngumiti rin ito sa kaniya. "Anong pangalan mo?"

"Yanyan po!" sagot nito sa kaniya.

Napakagandang pangalan. Nilibot niya ang paningin niya sa buong paligid para hanapin si Azeron pero bigo siyang makita ito kaya nilingon niya nalang ulit ang bata.

"Sino ang kasama mo?" tanong niya.

"Mga kapatid ko po saka si Papa Mike!"

"Ganun ba? Nasaan naman sila?"

"May inaasikaso po ang Papa ko kaya hindi ko siya kalaro ngayon tapos po yung ate at kuya ko po nasa bahay nagliligpit ng gamit kaya ako lang po nandito."

"Sabi mo kasama mo sila! Ikaw lang naman pala mag-isa eh. Hindi dapat nag-iisa ang bata kasi baka mapahamak ka." Tumayo siya at naglinis ng sarili.  "Gusto mo bang ihatid kita sa Papa mo? "

"Wag na po nandun lang naman po si Papa!" Tinuro nito ang malaking bahay na ginagawa. Nanduon ang lalaking nakita niya ng dumating sila mi Azeron. "Kayo yung naglalaro noong madaling araw hindi ba?"

"Opo! Kayo rin po yung dumating sakay ng motorsiklo."

"Kami nga! Teka napansin mo ba yung kasama ko?"

Tumawa ito sa tanong niya kaya napatawa na rin siya. Nakakadala talaga ang tawa ng isang bata. Ang kyut ng kausap niyang chikiting ngayon.

"Bibili daw po siya ng almusal niyong dalawa..." umikot ito sa likuran niya na agad niya namang sinunod ng tingin. Hinaplos ulit ni Yanyan ang buhok niya kagaya kanina. "Ang ganda talaga ng buhok mo Ate! Alam mo bang ganito din kaganda ang buhok ng Ate ko?"

Nagkibit-balikat na lamang siya sa sinabi ng bata. "Sino ba ang ate mo? Yung nasa bahay niyo?"

Hinayaan niya lang na hawakan nito ang buhok niya. Ayaw niya namang sawayin ito dahil hindi naman siya naiilang at nakakagaan nga ng pakiramdam.

"Hindi po! Wala po siya dito, umalis na!" malungkot itong bumalik sa harapan niya. "Iniwan niya na po kami!"

"Patay na siya?"

Gulat itong tumitig sa kaniya. "Hindi po siya patay. Umalis lang po!"

"Sorry!" paghingi niya ng tawad dahil mukha yatang mali ang nasabi niya. "Bakit niya naman kayo iniwan?"

"Sabi po ni Papa kailangan niya na daw pong bumalik sa pinanggalingan niya kaya umalis siya." Ngumiti ulit ito sa kaniya. "Pero okay lang atlest nakauwi na siya."

Heirs of MiticaWhere stories live. Discover now