Athena Point of View
...
"Paano mo nalaman ang tungkol dito?" Nanginginig ang buo kong katawan habang nagpupumiglas ako sa hawak ni Mr. Cruiez sa braso ko.
He was Azeron's Father.
Maayos naman ang pakikitungo niya sa akin pagkatapos ng gabing nakituloy ako sa kanila. Sa katunayan nga, nang sinabi ko sa kanilang hindi ko matandaan ang bahay ko nag-offer pa siyang dito muna ako sa kanila makituloy.
Nagtataka ako kung bakit alam niya kung saang mundo ako nanggaling at ang katotohanang hindi ako tao. Yes! I'm not a human. Pero ganun ba yun ka obvious para malaman niya kahit wala akong sinasabi?
Naramdaman kong may kakaiba sa kaniya noong una ko siyang makita. Tila may kung anong meron sa kaniya na bigla na lang nagpakaba sa akin ng gabing iyon.
His eyes glared at me and he held me tighter and tighter. So I can do nothing but let him do what he does.
"Who are you?" sigaw niya sa akin na mas nagpalakas ng kaba sa dibdib ko.
Alam kong may kakaiba sa kaniya pero hindi ko akalaing malalaman niya ang tungkol sa sekreto ko!
"Who are you, too?" I asked him back.
Nakangisi niya akong binitawan. Ramdam ko pa rin ang sakit ng mahigpit niyang pagkakahawak pero hindi ko iyon ininda. Ang kailangan ko ngayon ay kasagutan! Bakit niya alam ang pinagmulan ko? Bakit alam niya ang Mitica?
"Athena! Sino ka ba talaga? Anong kailangan mo sa akin at sa pamilya ko?" Naguguluhan ko siyang tiningnan. Wala akong kailangan sa kanila. Ang kailangan ko ay hanapin ang isang tao dito sa mundo nila.
"Wala akong kailangan sa inyo! Ang tanong bakit alam mo kung saang mundo ako nanggaling?" Marahan kong tanong sa kaniya.
Kung nandito lang si Azeron ngayon! Magugulat siya sa galit ng kaniyang ama. Hindi ko rin alam kung bakit ginawa niya sakin ito! Hindi ko siya kilala at wala akong paki-alam sa kaniya.
Pero kung may alam siya tungkol sa akin! Mapagkakakatiwalaan ko kaya siya? Matutulungan niya kaya ako?
Hindi ko akaling alam ng ibang tao ang existence namin. ANG MUNDO NAMIN!
"Sino ang kailangan mo? Bakit mo hinahanap ang asawa ko?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakita kong kinuha niya ang dala kong bag at kinuha ang iginuhit na larawan roon. Larawan iyon ng babaing kailangan kong hanapin. Larawan iyon ng taong kailangan kong hanapin para makabalik sa Mitica. Paanong napunta sa kaniya ang bag ko?
"Ibalik mo sa akin yan, Senior!"
"Anong kailangan mo sa asawa ko? SAGUTIN MO AKO..." sigaw niya ulit sa akin na ikina-atras ko. Kung ganun mukhang mahahanap ko na ang kailangan kong hanapin. Ikinalma ko ang sarili ko bago ko kinuha ang larawan sa kaniya at inayos ang bag ko na ikinalat niya. Kung gaano kasungit si Azeron mas masungit pa itong tatay niya.
BWISIT!
Pero kung totoong asawa niya ang hinahanap ko nasaan na ito? Bakit hindi ko nakikita?
"Kailangan ko siyang hanapin para ibalik sa Mitica!" Pagpapaliwanag ko sa kaniya kaya nakita kong medyo kumalma siya. "Pinarusahan ako ng aking mga ama dahil hindi ko naipasa ang huli kong pagsasanay!" Alam kong hindi iyon ang totoong dahilan kung bakit ako nandito! Pero ayukong sabihin sa kaniya na parusa ito dahil sinubukan kong alamin ang totoo kong pagkatao. Baka mas lalo niya pa akong pag-initan.
Mainitin ang ulo ng taong ito.
"At ang pumunta sa mundong ito at hanapin ang asawa ko ang naging parusa mo?" Ngumisi siya bago ulit nagsalita. "Hindi ko akalaing ganito kadelikadong parusa ang ibibigay ng isang ama sa kaniyang anak! Hindi ka ba nagtataka?"
