Dinala sila ng lagusan sa ibat-ibang direksiyon. Paano nila mahahanap ang isat-isa?
Ang bagay na yun ang gumugulo sa isipan ni Athena. Si Fiona lamang ang kasama niya ngayon! Nasaan ang iba? Kahit mahanap niya ang mortal na tinutukoy ng kanilang mga ama makakabalik kaya sila kung hindi sila buo?
Ilang araw na rin ang nakakalipas ng dalhin sila ng portal sa mundo ng mga mortal (Mundo ng mga tao).
Pero hindi niya pa mahanap ang dapat hanapin!
Paano niya mahahanap ito kung may dapat siyang hanapin na mas mahalaga pa dito.
ANG MGA KAPATID NIYA! Hindi niya hahayaang may maiwan isa man sa kanila.
"Sev-- I mean Athena! Nakakapagod na maglakad. Bukas nalang natin sila hanapin!"
Habol hininga si Fiona habang sinasabi iyon. Ilang araw narin silang naghahanap sa iba nilang mga kapatid pero hindi pa rin nila makita!
"Kailangan natin silang hanapin Fiona! We can't find that mortal if they are not here." Nag-aalalang sagot niya.
"Why? Aren't you the one who need to find that one? Mission mo to Athena. Hindi ko nga alam kung bakit sumama pa ako dito!" Nababagot na sabi ni Fiona.
"Sinabi ko bang sumama kayo?" Naiinis nitong hinarap ang kapatid!
Hindi niya naman pinilit na sumama ang mga ito. Sila lang ang nagkusang sumama. Edi sana kung siya lang wala sana siyang aalalahanin pa.
"I'm sorry Athena! I'm just tired. That's all! Sorry!" Malungkot itong lumapit sa kaniya saka siya niyakap.
Napapagod na rin siya sa paghahanap pero hindi niya alam kung nasaan na ang iba nilang kasama. Paano kong pa-iralin ng mga ito ang init ng ulo o ang pagiging pasaway. Baka makasakit pa sila ng mga tao at magiging problema nga yun!
"Sorry din Fiona! Pero kilala mo sila!" Napa-buntung-hininga na lang siya.
"I miss them already!" Nakasimangot itong naglakad ulit. Nasa loob sila ng restaurant baka kasi makita nila isa man kina Six at Third sa ganoong lugar. Mahilig ito sa pagkain kaya nagbabaka-sakali lang sila.
"Gutom ka na, Kain muna tayo?" tanong niya.
Nanatili lang naka-yuko si Fiona saka umupo sa bakanteng upuan. She looks really tired.
"May pilak ka ba diyan?" mahinang tanong nito.
"Ah..."
Mabilis na kinapa niya ang bulsa ng ma-alalang may binigay nga pala yung babaing tenant kanina. Libri daw sa kanila kasi malaki ang napag-sanglaan nung kwentas na ibinigay niya.
"Meron ako!" Masayang iniabot niya kay Fiona ang hawak na papel. Ibang klase iyon pero nakita niyang ganun ang binayad ng isang Ale sa babaing kumukuha ng order.
"Perfect, dito ka lang ako bibili. Yes, I can eat na din." Masaya itong naglakad papunta sa mga nakapila. Mukhang yun ata ang pila para sa mga kakain at kukuha ng order.
"Hi miss, can I sit next to you? You seems alone, aren't you? " Nakangiting umupo ang isang lalaki sa tabi niya. Nagpa-alam pa kung mauupo din naman agad.
"I'm with someone!" Ngumiti din siya dito pabalik. "So you can leave me, I'm fine!"
She said then she stood up to stay away from the man. But she failed! He pulled her arms na naging dahilan ng muli niyang pag-upo.Malapit na siyang mabuwisit pero pinipigilan niya ayaw niyang magkagulo rito. Kung sa mundo nila natural lang ang magpatayan sa bugbog dito isa yung krimin. May alam din naman siya dahil nagbasa siya ng libro tungkol sa mga tao bago pa sila ipadala dito.
