ATHENA'S POV
Kingdom of Mitago- The greatest Kingdom in Mytica. They can control one, two or three powers. Land, Fire, Water, Air, Majic, Life... Ang mga mamayan ng Mitago ay nag-aangkin ng isa o higit pang mga kapangyarihan. Ngunit hindi lahat ay kaya nilang kontrolin. Mga dugong bughaw lang sa kanilang lahi ang nakakayang hawakan ang lahat ng kapangyarihan. Yun din ang dahilan kung bakit sila ang itinalagang makapangyarihan at mataas sa lahat ng mga kaharian.
Ang namumuno sa Mitago ang siya ring namumuno sa buong Mytica...
Kingdom of Watero- Kaharian ng tubig... Kahariang pinamamahalaan ni King Roda.
Kingdom of Majica- Pinamumunuan ni King Aldus. Kaharian ng mahika.
Kingdom of Lansara- Kaharian ng mga may kakayahang kontrolin ang lupa. Pinamumunuan ni King Semon.
Kingdom of Levero- Kaharian ng Hangin! Kayang nilang kontrolin ang hangin. Pinamumunuan ni King Raquim.
Kingdom of Blosaam- Kaharian ng mga nilalang na kayang gayahin ang kahit na anumang hayop sa paligid. Kaya nilang bumuhay ng mga hayop at pumatay nito sa isang pitik lamang. Kahariang pinamumunuan ni King Danus.
Kingdom of Fires - Kaharian ng apoy. Kaya nilang kontrolin ang apoy. Pinamumunuan ni King Maxemo.
Kingdom of Aspen- Kaharian ng kalikasan. Ang kanilang kaharian ang nangangalaga sa kalikasan. Ang kanilang kaoangyarihan ay nakabase sa kalikasan. Pinamumunuan ni King Zillo.
"Kahit paulit-ulit mong basahin yan hindi mo parin mababago ang kung ano ang nakasulat diyan!" Seryusong basag sa katahimikan ni Azeron. "Anong plano niyo?"
Napasinghap ako ng inilagay ni kuya Abel ang mga libro sa lalagyan at nag-ayos ng ilang kasuutan.
"Ito na siguro ang tamang panahon para harapin natin sila!" Nagpalit siya ng pang itaas at ibinaba ang pang-ibabang kasuutan kaya napatalikod ako.
"Abel, andito si Athena!" Saway ni Azeron.
Nang muli akong lumingon ay nakapagpalit na siya ng kasuutan kaya napairap ako. "So? Anong plano?"
"Kailangan ko siyang harapin. May mga utang siya sa akin na kailangan kong singilin. Pati ang ama mo!" Galit na sabi niya.
"Saglit lang mag-aayos ako!" Agad na gumalaw si Azeron para magpalit. Bumaling muna siya sa akin at senenyasan akong lumabas.
Inirapan ko siya saka ako tumalikod. "Pero si amang Maxemo ang pinaka naging ama sa atin sa kanilang lahat. Galit ako pero hindi ko alam kong anong mararamdaman ko kapag nakita ko siya!" Balik ko kay kuya Abel.
"Tang-*na! Athena, kasabwat parin siya kung bakit tayo narito ngayon! Naging meserable ang buhay natin dahil sa kanila! Huwag mong sabihing lualambot ang puso mo sa traydor mong ama?" Sigaw niya sakin.
"Abel! Wag mo siyang sisigawan!" Humarang si Azeron sa amin kaya huminga ako ng malalim.
"Wag kang makikialam dito! Usapang magkapatid to!" Matalim na sagot niya kay Azeron.