NARRATOR'S POV
Mahabang katahimikan ang namayani bago tuluyang nagsalita ang reyna.
"Is that him?" Kinikilatis nito ang tindig at pustura ni Lincoln habang nagniningning ang mga mata. "My Argus!" Naiiyak na sabi nito.
Hindi kumibo ang binata sa reaksiyon ng reyna. Matagal na pinangarap ni Lincoln na makabalik sa lugar na pinanggalingan niya at makilala ang mga tao sa panaginip niya ngunit ngayong kaharap niya na ang ina ay wala siyang lakas para lumapit.
Naiisip niyang ito ang pumatay sa babaing pinakamamahal niya at naging sanhi ng sakit na nararamdaman niya ngayon!
Ngunit hindi niya magawang magalit ng lubusan sa babaing nasa harapan niya ngayon. Nababakas niya ang labis na pangungulila sa kaniya ng ina. Iniamba ng reyna ang mga kamay at hinintay na lumapit siya para yakapin.
Imbis na lumapit ay umatras siya ng bahagya. "Hindi kita kilala! Ngunit ang iyong hari ay kilala ko!" Walang emosyon niyang sabi at hinarap ang hari. Lumapit siya sa hari at nakangising tinitigan ito. "Sino ba ang babaing ito amang hari?"
Lumunok ang hari bago sinagot ang binata! "Siya ang iyong ina!" Deretsong sagot nito sa kaniya kaya napatawa siya.
"Himala at sinasagot niyo ngayon ang mga katanungan ko? Samantalang dati rati sa Myrinth ay wagas niyo kaming parusahan kapag sinusubukan naming alamin ang tungkol sa tunay naming pagkatao!" May hinanakit na sumbat niya sa ama.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Argus!" Pagtanggi ng hari sa binata.
"Talaga? Hindi mo maalala? Hindi mo rin ba maalala na kayo mismo ang kumuha at nagkulomg sa amin sa loob ng pekeng kaharian na iyon at pinaniwala kami sa mga kasinungalingan? Hahaha!" Natatawang sabi ng binata.
Natatawa siya sa palusot ng ama gayong alam niya ang totoo! Parang naging ibang tao ito ngayon sa harapan niya.
"Argus! Wasak na ang Myrinth matagal na panahon na kaya paano ko kayo ikukulong doon?" Tila nagtataka nitong tanong sa kaniya pabalik!
"Stop lying to me right now, Father! You are one of those kings who kidnapped us just for your own intentions." Pigil na pigil siyang wag masaktan ang hari kaya lumayo siya bahagya. "You all lied to us! Pinahirapan niyo kami sa mga walang kwentang bagay! You let us longing for the truth about ourselves. Tapos pinatapon niyo pa kami sa mundo ng mga tao? And then I heard that king Semon tried to killed Seven!" Panunumbat niya sa ama!
"I really didn't do that Argus!" Tila nagmamakaawa ito sa kaniya para paniwalaan niya.
"Akala niyo nakalimutan ko lahat ng tungkol sa nakaraan ko but I still remembered some of it! You and your allies took me that night together with the other heirs of different kingdoms. Then they killed a lot of kids too. Seven years ako unti-unting bumalik sa ala-ala ko ang nakaraan. I wanted to get back here but the Myrinth is locked with some magic." Nakakuyom ang kamao ng binata habang naglalabas ng sama ng loob!
"Son! I'm sorry! Hindi ko alam na andun ka! Wala kaming alam! Ang akala namin patay ka na." Paliwanag ng hari sa kaniya.
Ngunit hindi pa rin siya naniniwala sa mga sinasabi nito dahil alam niyang nakasama niya ito sa loob ng Myrinth ng matagal na panahon. Minamanipula lamang nito ang kaniyang isipan! Iniisip ng binata kung ano ang plano ng ama sa kaniya at sa mga kasama niya! Kapag ginalaw pa ulit nito isa man sa mga kapatid niya ay hindi niya na alam kung anong magagawa niya.
"Anak walang oras ang iyong ama para maglakbay patungo sa isinumpang kaharian na iyon paano naman niya gagawin yun?" Ani ng reyna.
"Bakit hindi niya sabihin kung paano!" Nakasimangot niyang sagot sa ina.