Seven's Pov
"Gumawa ka'yo ng kabulastugan para lang parusahan namin ka'yo kasama ng kapatid n'yong si Seven?" Baritonong tanong ni King Aldus, isa sa mga highest leaders.
"Alam n'yong isa itong pagkakamali mga Prinsipe't Prinsesa. " natatawang saad naman ni King Maxemo habang hinihigop ang kape.
"Magaling! Mukha yatang magkakaroon ako ng maraming supply ng alak sa aking palasyo. Hahaha Hindi ba mga mahal kong hari? " Nang-aasar ang bawat halakhak nito. S'ya si King Danus hindi mo mapipigilan ang kanyang halakhak kapag natutuwa s'ya sa mga pangyayari.
Napakamot nalang ako sa batok ko. Sinadya talaga ng mga itong gumawa ng kalukuhan para makasama sa'kin! That's what siblings are for.
Habang sinesermunan kami. Hindi ko maiwasang tingnan sila isa-isa! Sino kaya sa kanila ang tunay kong ama? Sino-sino kaya sa kanila ang mga tunay naming ama?
Matagal na panahon namin silang nakasama, bawat hagupit ng kanilang mga parusa kapag nagkakamali kami. Mga tawanan kapag nanalo kami sa ensayo. Mga kasiyahan kasama sila kapag may mga okasyon! Ngunit sa mga panahon yun nabuhay kaming hindi alam kung sino sa kanila ang tunay naming mga magulang. Hinayaan nila kaming ituring sila bilang ama't ina namin. Lahat sila! Lahat sila naging magulang sa amin. Yun ang isang bagay na laging nagpapagulo sa aking isipan!
BAKIT KAILANGAN GAWIN NILA KAMING BULAG SA TUNAY NAMING PAGKATAO?
Ang alam lang namin anak kami nang mga pinaka-mataas ang posisyon sa mundong ito! Pero hindi namin alam kung kanino?
Sino ba sa kanila?"Kung ganun wala na kaming magagawa pa ng mga ama n'yo kung hindi ipadala rin ka'yo sa mundo ng mga mortal!" Untag na saad ni King Semon.
Ang pinaka-kinakatakutan naming ama. Kailangan lahat ng sabihin n'ya ay sundin namin. Kung hindi isang mabigat na parusa ang mararanasan namin.
"Alalahanin n'yong hindi isang laro ang misyong ito! Tigilan n'yo na ang pagiging pasaway at hindi pag-iisip ng maayos. Anak kayo ng mga pinaka-mahusay sa ating mundo. Bibiguin n'yo ba kami?" Matigas n'yang sabi bago lumabas ng silid hatulan.
"Woah ama! kailangan n'yo ba kaming e-pressure?" Pabirong sabi ni Six. "Ang hirap magkaroon ng napakaraming ama! Marami 'rin ang kailangang pabilibin." natatawa itong napakibit balikat na lamang!
Tama si Six ang hirap magkaroon ng pitong mga ama. Ngunit ang kanina pang gumugulo sa akin ay kung nasaan na sina Amang Roda, Raquim at Zillo. Hindi ba dapat nandirito rin sila para sa paghahatol? Ngunit bakit tila yata wala sila ngayon?
"Nais mo yatang hindi ka na namin kilalaning anak, Six!" biglang sulpot ni Amang Raquim na ngayon ay nasa harapan na'rin namin. Kung ganun mukha yatang nahuli lamang sila.
Napalingon kaming lahat sa likuran ng mapansing paparating na ang iba pa naming mga ama! Si Haring Zillo, Roda at Inigo. Nakataas ang mga kilay nito habang nakatitig sa amin.
"Hindi ko alam kung bakit nagkaroon tayo ng mga suwail na anak, mga mahal kong hari." Ani Haring Roda. Pigil ang pagtawa nito ng makitang napasimangot si Eight sa sinabi niya.
"Ngunit tunay na kahanga-hanga hindi ba? Sino ang mag-aakalang magiging anak natin ang pinakamahuhusay sa kalukuhan!" Napabuntung-hininga si Haring Raquim matapos itong bigkasin.
Imbis na mabwesit ang mga kasama ko mas lalo pang lumapad ang mga ngiti nila. Ang makarinig ng mga ganyang klase ng pag-uusap mula sa aming mga ama ay hindi na bago sa amin. Nasanay na kami sa kanilang pangungutya at tila pangbaba. Alam naming biro lamang ang mga iyon ngunit may halong katutuhanan.
