AZERON'S POV
"Wala akong matanaw na kahit ano mula rito!" Sa wakas ay nagsalita narin si Athena. Kahapon pa siya tahimik at hindi kumikibo.
I didn't bother to ask because I know she was not ready to have some conversation.
"Saan kaya tayo napadpad?" Tanong ko. I know she didn't know the answer too.
"Dalawang araw na tayong naglalakad wala parin akong makitang Bahay o kahit Daan man lang!" Maktol niya habang nakasimangot. Narinig kong kumalam ang sikmura niya kaya napangiti ako.
We both lost and hungry! Natapon ang baon namin dahil sa kakatakbo para tumakas. Hindi naman siya nagrereklamong gutom pero sa tunog ng tiyan niya alam kung naghahanap na ng pagkain.
"Maghanap tayo ng prutas sa banda run!" Aya ko sa kaniya na agad naman niyang tinanguan.
Hindi pa kami nakakalayo ay nakakita kami ng saging at puno ng mangga. Hinog na ang mga bunga nito kaya agad kong kinuha at hindi nagdalawang isip. "Here! Eat all you can!" Ngiting alok ako.
"Finally!" sambit niya saka nilantakan ang saging.
Napailing nalang ako at sinimulang akyatin ang puno ng mangga. Nakita niya ako kaya sumunod siya. Sa una nahirapan pa siyang umakyat pero nagawa niya naman.
"Sarap dito sa taas!" Malawak ang ngiti niya habang hawak ang mga saging. Inilabas ko ang telang lagayan sa bulsa ko at Iniabot sa kaniya.
She put the bananas inside and eat again.
Gutom na gutom! Halata ihh. Itinapon niya ang balat ng kinainan niya sa di kalayuan.
"Hoy bakit mo ako binato?"
Napakapit ako sa puno ng makarinig kami ng boses. I gave a signal look for Athena to go in a branches and hide. Ganun din ang ginawa ko.
"Sinong nagbato? Hindi ako!" Tanggi pa ng isang boses.
"Isusumbong kita kay Ina" Iyak ng isang bata at tumakbo sa lilim ng puno ng manggang kinaruruunan namin.
Holy Shit!
"Hindi nga ako nagbato sayo!" Asik pa ng isa habang naiinis na lumapit at pinapatahan ang kasama. "Teka! Inunahan mo akong kumuha ng saging ah!" Maktol nito.
"Anong inunahan sabay lang tayong dumating dito!" Nakasimangot na sagot ng isa.
"Bakit wala na?"
"Aba'y ewan ko!"
"May magnanakaw na naman!"
"Sino? Tayo lang naman naninirahan dito sa gubat diba?"
"Mga naglalakbay at naliligaw! Nasa malapit pa sila. Naamoy ko ang amoy nila!" Nakapameywang na sabi ng bata at mabilis na tumalon papunta sa amin. "Huli kayo!"
Napatili si Athena at agad na bumaba ng puno. Nawala siya sa balanse at nahulog. Agad akong bumaba at di pinasin ang bata. "Athena! Ayos ka lang ba?"
"Aray ko!" Daing niya.
"Hala lagot ka kuya!" Baling noong isang bata sa kasama niya. Kinakabahan umatras ito sa amin ng tingnan ko.
"Hindi ko naman sinasadya! Kayo kasi ninanakaw niyo prutas namin!"
Mukha naman silang mababait kaya tumango nalang ako at inalalayan si Athena na tumayo. "Ayos ka lamang ba?"
"Ayos lang! Ang kyut mo naman bata. Pwedi pahingi ng mangga?" Nakangiti niyang baling sa mga bata.
This woman for the sake of fruits.
"Oh!" Iniabot sa kaniya ng bata ang isang bugkos ng Mangga kaya abot langit ang ngiti niya.