KABANATA 21

2 0 0
                                        

Athena's POV

Dahan-dahan akong umapak sa upuang kahoy para abutin ang sampayan. Hirap na hirap akong abutin ito dahil sira ulo ata ang nagkabit. Taasan ba naman gayong alam niyang ako ang sasampay na mga nilabhan ni Lola Preda. Kahit kailan talaga Abel! Akala ko pa naman naging  matured na siya. AKALA KO LANG PALA YUN!

"Ang sarap manipa ngayon!" Nakasimangot kung sabi habang bumababa sa upuan.

Napatingin sa akin si Lola Preda ng nakangiti. "Bakit ba naman kasi ang taas niyan Apo?" Naiiling siyang tumayo at sinubukang ibaba ang sampayan ngunit bigo siya dahil mahigpit ang pagkakatali nito.

"May isip bata kasing gumawa niyan ih!" Maktol ko kay Lola at tinulungan na lamang siyang magbanlaw.

Mahigit isang linggo na rin kaming nananatili sa bahay ni Lola Preda. Ang sabi niya ay maari kaming manatili hanggat naisin namin. Pansin ko din na hindi naman nag-aaya si Abel na umalis agad. Kahit ako ay nais ko munang manatili at mag-isip ng plano, baka ganun na nga rin ang ginagawa nilang dalawa lalo na at minsan ay nakikita ko silang nag-uusap ng seryuso.

"Abel, Apo! Ayusin mo na ang sampayan at nag-iinit na ang ulo nitong si Athena!" Utos ni Lola kay Abel na nagsisibak mg kahoy sa di kalayuan lang. "Bilisan mo na at marami pa tayong dapat gawin bago lumubog ang araw!"

Napangisi ako ng makitang inaayos na ni Abel ang sampayan. Naglakad ako papalapit kay Aze na abala naman sa pagpapakain ng mga alagang hayop ni Lola.

"Nanahimik ako dito Athena. Doon ka nga at may iniisip ako!" Hindi pa man ako nagsasalita ay pinapaalis niya na ako kaya dahan-dahan kong pinulot ang alagang ahas ni Lola Preda at nilagay ito sa may leeg niya.

Napahagalpak ako sa tawa ng makita ko siyang tumalon at nagsisigaw. Napamura pa siya ng ilang bisis habang inaalis ang ahas sa katawan niya. Hindi naman iyo nanunuklaw kaya sigurado akong hindi siya mapapahamak. Atake sa puso pwedi pa siguro.

"Athena Dela Cruz!" Sigaw niya ng mahimasmasan. "Balak mo ba akomg patayin?" Nagkalat ang mga pampakain niya sa alaga kaya mas lalo siyang sumimangot sa harapan ko!

"Akala kakaratihin mo na yung ahas!" Hagalpak na asar ni Kuya Abel kay Azeron kaya mas lalo din akong natawa.

"Akala ko ba matapang ka na ngayon?" Tawang-tawa kung tanong habang nakatitig siya ng masama.

"Sira-ulo! Kung ikaw kaya ang puluputan ko ng ahas sa leeg?" Akmang aabutin niya ako ngunit nakailag ako kaagad. "Lumapit ka sakin, baliw ka!"

"Ang suplado mo naman kasi ano ba kasi iniisip mo?" Kunwari ay sumeryuso ako ng tanong kaya tinalikuran niya ako at umiwas ng tingin. "Hoy? Tinatanong kita!"

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa kahoy na nasa harapan niya.

"Si Mommy!" Nakasimangot na sagot niya bago sinimulang pulutin ang mga natapon na pakain sa mga alaga. "Naisip ko na dito din pala siya namalagi nuon. Kasama si Lola Preda!"

"Paano mo nalaman?" Takang tanong ko saka tinulungan siyan magpulot. "Sinabi niya ba sayo?"

"Nakausap ko si Lola at sinabi niya sa akin. Ngunit wala siyang sinagot sa iba ko pang mga tanong. Ang sabi niya ay hintayin ko na lamang raw ang tamang oras." Kibit balikat na sabi niya.

Nilingon ko si Lola Preda na nagsasampay na. Seryuso ang bawat galaw niya habang paminsan-minsan ay tumitingin sa malayo. Bubuntunghininga at Mapapailing.

Alam kong madami siyang alam tungkol sa amin. Maaring hindi niya ninanais sabihin o baka ayaw niya lang na manghimasok. Ngunit bakit niya kami tinanggap sa bahay niya?
Ang sabi niya ay wala na siyang kapangyarihan ngunit paminsan minsan ay nakikita ko siyang kausap ang sarili habang nakapikit.

Heirs of MiticaWhere stories live. Discover now