Athena
"Athena mag-usap tayo!" napalingon bigla si Athena sa likuran niya ng marinig ang boses ng kapatid na si Abel. Matamang nakatingin ito sa kaniya at nakakunot ang noo.
"For what, Kuya?" She asked him. Anong pag-uusapan nila?
Hindi ba pweding hintayin niya nalang ang pag-uusap mamaya kasama ang iba. Bakit kailangan sila lang dalawa?
"I want to ask you something! Privately..." sagot nito sa kaniya na wala pa ring emosyon.
Naninibago na siya sa ikinikilos nito dahil hindi naman ganoon ang kapatid niya. Bigla nalang itong nagbago at napansin niya yun ng magkita ulit sila. Alam niyang napapansin din ito ng iba nilang kapatid. At anumang oras magsisimula na ring magtanong si Second tungkol dito. Siguro nga kailangan niya itong kausapin ng masinsinan para malaman ang nangyayari dito.
"Sa labas tayo!" naglakad siya palabas ng mansion at tinungo ang harden. Walang tao roon maliban sa nagtatanim na lalaki. Narinig niyang kinausap ito ni Abel para iwan muna sila.
Humugot siya ng hininga bago hinarap ulit ang kapatid.
"What is this all about! Fourth?" She started the conversation between them.
May kailangan pa siyang gawin. Marami pasiyang mga tanong na kailangan ng kasagutan at si Doña Flora at Dr. Ramirez lang ang makakasagot noon. Hahanapin niya sana ang mga ito bago pa siya hinarang ni Abel.
Gusto niya na agad tapusin ang usapan nila para magawa niya na ang dapat sanang gagawin niya.
Ang alamin ang totoo sa likod ng kababalaghang nangyari kagabi...
"May alam ka ba?" Nagtataka niyang tinitigan ito. Wala siyang ediya sa sinasabi nitong alam niya. Dahil kahit siya naguguluhan parin hanggang ngayon.
"Tungkol saan?" walang gana niyang sagot. "Is this all about what happened last night?" She asked.
"No! Tungkol ito sa ating lahat! Sa totoo nating pagkatao." baritonong sagot nito sa kaniya saka siya nilapitan para hawakan ang mga kamay niya. "Athena! I know everything... Ikaw? May alam ka na ba?" dugtong pa nito.
Napabuga siya ng hangin at binawi ang kamay mula sa kapatid. Wala siyang alam maliban sa tinangka siyang saktan ng Amang Semon niya at ang katutuhanang hindi ito ang ama niya. Na nabawasan na ang pagsususpetsyahan niyang totoo niyang ama dahil tinanggi na siya ng isa.
Unti-unting tumulo ang luha mula sa mga mata niya. Wala siyang balak pigilan ito dahil subrang nasasaktan na siya. Wala siyang maka-usap tungkol dito dahit kay Leve na pinakamalapit sa kaniyang kapatid ay hindi niya magawang lumabas ng sakit na nararamdaman.
"Ano pa ba ang dapat kung malaman, Kuya? H--indi k-o na a--lam kung anong dapat kung ma--ram-daman..." Umiiyak niyang yakap dito. Sa pagkakataong yun gusto niya lang yumakap at yakapin siya para mabawasan lahat ng pangamba niya.
"I'm sorry... If only I could do something to erase those pain in you.. I will do it...!" Niyakap siya ng mahigpit nito. Nakakulong siya sa braso ng kapatid. Pakiramdam niya kahit papaano nawala ang bigat na nararamdaman niya. "Athena! I want to go back to Mitica..."
Napangiti siya sa sinabi ng kapatid. Yun din ang gusto niya... ang makabalik sa mundo kung saan sila mas nabibilang sa Mitica. "Babalik tayo sa Mitica! I promise that Fourth... I will find a way. Kung ang paghihintay lang sa muling paglabas ng bilog na buwan sa makalawa ang tanging paraan then I'm willing to wait..." Aniya sa kapatid na ikana-iling nito.
"Walang magagawa ang full moon para bumukas ang lagusan. Walang makakabukas noon maliban kina Ama..." kumalas ito sa yakap niya at tumingala sa langit. "Kung gaano karami ang Bituin na nakikita ko ngayon... Ganiyan rin karami ang mga kasinungalingan nila sa atin." nakakuyom ang kamao nito habang nagsasalita. Nawalan ulit ng emosyon ang mukha nitong muli siyang binalingan.
