Abel's Pov
"Naku hindi ganiyan!" Napapakamot na lamang sa ulo si Badjak habang tinuturuan ako mag-ihaw ng Karne ng baboy ramo. "Saang lupalop ka ba nanggaling?"
"Sinabi ko naman sa iyo ikinulong ako nila Itay noon kaya nasa loob lang ako ng bahay. Wala akong alam sa ganiyan!" Palusot ko!
Nagtawanan nalang kami ng umihip ang malakas na hangin na naging dahilan ng pagtalsik ng mga alikabok mula sa nilulutuan.
"Maalam ka namang gumamit ng espada at makipaglaban." Nagtataka niyang sabi sa akin.
"Noong tumakas kasi ako napadpad ako sa bayan ng Sanwo. Palihim akong tinuturuan ng kumupkop sa akin doon." Pagsisinungaling ko ulit para hindi na siya magduda.
"Napadpad din ako sa Sanwo ng palayasin kami sa kaharian ng Lansara ng mga opisyal! Kinupkop din kami ng mga taga roon hanggang sa nagpasya kaming bumalik dito sa bundok at magsanay. Nais naming maghiganti at pabagsakin ang mga namumuno roon!" May hinanakit na kwento ni Badjak tungkol sa sinapit nila sa Lansara.
Itinakwil sila ng sarili nilang kaharian na dapat ay siyang kumukopkop at nag-aaruga sa kanila. Sa totoo lang ilang bisis niya ng naikwento sa akin ang mga nakaraan nilang mga nandirito sa gubat ngunit tila hindi siya nagsasawang maglabas ng sama ng loob.
Ipinatapon sila sa labas sapagkat wala na silang mga pamilyang kumukopkop pa. Nalaman ko rin na kapag naulila ng maaga ang mga bata roon at hindi pa kayang magtrabaho ay ipinapatapon ng palihim rito. Nakakaawa ang sitwasyon nila! Mas mahirap para sa akin na tanggapin ang katutuhang ang kahariang iyon ang aking pinagmulan.
Kahit kailan hindi ko matatanggap lalo pa at si King Semon ang namumuno roon. Ang amang labis na nagpahirap at nagbigay ng sakit sa puso ko!
Sinubukan niyang saktan si Athena bagay na hinding-hindi ko palalampasin.
"Aww!" Daing ko ng biglang kumirot ang aking dibdib. Lumamig ang simoy ng hangin at tila ay bumulong ito.
"Salamat. Mag-iingat ka palagi!"
"Nagsalita ka ba?" Agad na tanong ko kay Badjak. Umiling siya sa sinabi ko at sinimulang lantakan ang kakaluto palang na karne.
Tumayo ako at agad na inalala ang boses! Hindi ako pweding magkamali! Bosses yun ni Casia..
Ngunit imposibling nandito siya! Guni-guni ko lamang ba iyon? O naaalala ko lamang siya?
Sana nasa maayos kang kalagayan Casia, wala ako sa tabi mo para bantayan ka!
Pinatunog na ni Badjak ang kaldero maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga kasamahan namin. Nasa Sinkwenta mahigit rin kami rito. Nasa Bente mahigit ang nasa tamang edad na at halos kaedaran ko at ang iba naman ay mga bata pa at walang alam sa mundo.
"Oh Jena sayo na to!" Iniabot ko sa kaniya ang isang hiwa ng laman at tuwang-tuwa niya pa itong tinanggap!
Si Jena ang pinakabata sa lahat. Apat na taong gulang pa lang siya. Sanggol pa lamang noong matagpuan raw nilang umiiyak sa bungad ng bundok malapit sa Lansara. Paano ba nila nasisikmurang hayaan na lamang ang isang sanggol na kagaya niya?
Darating din ang araw na makakabalik sila sa Lansara ng walang takot at pangamba. Sisiguraduhin kong mawawala sa landas nila ang mga pinunong itinakwil sila ng walang awa.
"Yehey dala-dalawang Ulam natin ngayon! Inihaw na baboy ramo at Tatlong Kuneho!" Masayang sabi naman ni Koreng.
"Dahan-dahan at mabilaukan kayo!" Paalala ni Badjak sa mga bata.
Nagtawanan nalang ang mga kasamahan namin at masayang nilantakan ang mga pagkain sa harap. Kumuha lamang ako ng kamote at katamtamang hiwa ng kuneho bago tumayo at pumwesto sa may malaking puno.
