ATHENA'S POINT OF VIEW
I felt dizzy when I open my eyes from a rollercoaster effect of that portal. Muntik pa akong matumba buti na lamang ay nasalo ako ni Fiona.
Imbis na alalahanin ko pa ang pagkahilo ko ay nilibot ko na lamang ang paningin ko sa paligid.
From those trees,plants,animals and insect flying around us. I can say that this place we're standing in was really different from the world of mortal and different from Myrinth too.
Tsk! So, Myrinth is a cage of lies made for us. This is unbelievable!
"Are we there! .. MYTICA?" Fiona asked.
"Sa tingin ko ay nandito na nga tayo!" Doña Flora answered.
"It was really different from Myrinth. Paano nangyari iyon? Hindi bat nasa loob din ng Mitica ang Myrinth?" Namamanghang tanong ni Leve.
Sa wakas may naglakas loob din itanong ang bagay na nais kong itanong pero hindi kayang ibigkas ng sarili kong bibig. Takot ako sa sagot at ayukong malaman ang sagot.
Paulit-ulit lamang kikirot ang dibdib ko.
Nakita kong pumitas ng isang dahon si Kuya Lincoln mula sa isang mababang puno. Pinagmasdan niya ito na parang may inaalam.
"Sa tingin ko nasa panganib tayo ngayon!" -Lincoln
Agad siyang tumakbo sa unahan naming lahat saka suminyas na umatras kami. What's happening?
"What's happening! Second?" -Cassia asked.
"They must be there! Humanda kayo they are after us. Hold your weapons!" Agad na utos ni Dr. Ramirez.
"Mapapalaban na ba tayo?" Excited na tanong ni Leve.
"Masaya ka pa sa lagay na yan?" Saway na saad ni kuya Abel sa kaniya.
"Hindi pa ako handang mamatay!" Natatakot namang sabi ni Zeb.
"I hate this world." Azeron shouted irritatedly. "I really hate this world, fuck off."
"You have no choice, Mr. Born again. You belongs here, you are born like us." Diego laughing at his statement as if we're not in a bad situation right now.
Really?
"Magtago kayo!" Mahinang utos ni Doña Flora. "Ngayon na!"
Sumunod naman kaming lahat. Nagtago kami sa likod ng mga naglalakihang ugat ng puno. Nagtataka man kung bakit hindi sumunod sa amin sila Dr. Ramirez at Doña Flora kasama si Mr. Half human and animal. Basta! Nanatili na lamang kaming nakatago habang hinihintay ang mga susunod na mangyayari.
Ilang minuto palang ay may isang grupo ng mga kalalakihan ang lumapit sa pwesto nila.
They are wearing a unique clothes. Sa tingin ko ay mga sundalo sila. Mga bantay siguro.
"Bastelo sardanya espalaso? (Anong ginagawa niyo dito?)" Tanong ng kanilang pinuno. Mahigpit ang mga hawak nito sa kanilang mga sandata at handa ng gamitin iyon.
"Kaibigan, magandang araw. Naliligaw lamang kami ng aking anak at mga apo! Paumanhin sa panggagambala sa inyong teretoryo." Mahinahong sagot naman ni Doña Flora.
"Naliligaw? Sa inyong suot ay tiyak kong nabibilang kayo sa mga mababang uri ng mga mahikahero. Kabilang ba kayo sa mga lahi ng Sanwo?" tanong ulit nito.
Tumango lang si Doña Flora at inilabas ang mapang ngayon ko lamang nakikita.
"Pasensiya ka na kaibigan! Maari niyo bang ituro sa amin ang lugar ng mga Sanwo? Galing pa kami sa loob ng kagubatan at bumaba rito upang makisalamuha sa mga katulad namin. Nasunog ang dati naming tirahan kaya't minabuti namin tahakin ang lugar na ito at dito hanapin ang bago naming buhay." -Dr. Ramirez
