Azeron's Pov
"Are you excited?" Someone bother to ask me. It was Dad. Am I really excited?
"Kaya ko kaya? I mean! Can I do it?" Mahina kong sabi habang nilalaro ko ang laylayan ng bag ko. It was my first day in school. A new chance for me to enjoy my life. Sa wakas makakalaya na ako sa mansyon na tila tanikalang nakapalibot sa akin.
Imbis na hintayin ko pa ang sagot ni Dad naglakad nalang ako papasok sa kotseng maghahatid sa'kin sa papasukan ko.
I'm wearing a white long sleeve that cover my arm. A simple long sleeve but it cover everything. Ang mga maliliit na peklat na nagpapahiwatig na may tinusok roon.
"Master Aze! Maglagay na po kayo ng seatbelt." Saad ng driver habang tinitingnan ako salamin ng sasakyan.
"Go..."
"But Master..."
"Nasasakal ako! Just drive." Nakasimangot ko siyang tiningnan saka ako muling sumandal sa upuan ng sasakyan.
Kahit na may gamot na tinurok sakin kanina para kahit papaano hindi ako masyadong makaramdam ng pagod. Pakiramdam ko hindi pa nagsisimula ang araw ko bilang isang malaya nawawalan na ako ng lakas para simulan pa.
...
"Andito na po tayo!" Binuksan ng driver ang pinto ng sasakyan.
Nanatili akong nakatingin sa harapan at nakikiramdam. Nahihirapan akong huminga. Did my heart skip again from beating? What! What am I thinking?
Lagi nilang sinasabi sa akin na may sakit daw ako sa puso maliban sa hindi ako pwedi basta-bastang matulog dahil pwedi ko itong ikamatay.
Ganun na ba kawalang kwenta ang buhay ko?
"Useless!" bulong ko sa sarili.
"Master Aze? May nararamdaman po ba kayo?" Zeb asked me. He is my personal nurse. Dad enrolled him too para bantayan ako.
"Hindi ka ba nababagot na mag-aaral ka ulit? I mean you already graduated in nursing and---"
"No, It was really fun Master Aze! Another experience. Noong pinag-aaral ako ng mga magulang ko at nagtiyaga silang maghanap ng pera pang-enroll ko. Wala akong panahon gumala at mag-enjoy kasi nakapukos lang ako sa pag-aaral ko! Ayuko silang biguin kaya after I graduated naghanap agad ako ng trabaho and then I meet your Dad. He offered me to be your personal nurse..." sagot nya.
So all along si Dad talaga ang dahilan kong bakit siya ang naging nurse ko.
"Okay! Let's go." Ayuko ng magtanong pa.
"26 pa lang naman ako at baby face kaya di halata..." Tumawa siya bago naglakad.
...
Third Person's Pov
"Maybe they are the new students here!"
"Yeah, I heard Professor John a while ago na ngayon darating ang mga bagong lipat."
"Really? Baka siya na nga! Ang gwapo bess..."
"Shut up girl! You already have a boyfriend."
Ibat-ibang kumento ang naririnig ni Azeron sa buong paligid. Hindi s'ya sanay na pinag-uusapan ng mga tao pero hinayaan n'ya lang ang sariling makinig.
"Sabi ko na sa'yo Master Aze masayang mag-aral lalo na kung pogi ka!" Tuwang-tuwa ito habang nililibot ang paningin. "Oo nga pala your Dad wants you to drink this." Iniabot nito ang isang maliit na bote na may lamang kulay ubeng likido.
"For what?" He asked aggressively.
Hindi n'ya pa nakikita ang bote na ito ngayon lang. Para saan yun? Gamot sa panghihina ng katawan o pampahaba ng buhay? Tiningnan niya lang ng mabuti ang bote pero napapaisip lang siya para saan yun.
