Kabanata 22

0 0 0
                                    

ATHENA'S POV

"Sigurado ba kayong kayo ang tinutukoy sa propesiya?" Mataray na taning ni Ishna.

"Anak!" Saway ni Lola.

"Ma! Naninigurado lamang ako dahil mukhang wala naman sa mga mukha nila na maging tagapagligtas." Mahinahon ngunit maawtoridad na sabi ni Ishna habang nakatingin samin.

"Kung makapagsalita ka akala mo napakataas mo na!" Bara ni Abel sa kaniya kaya lumapit si Ishna para hawakan siya sa leeg. "Let go of me2 women."

"At bakit alam mo ang salitang ingles? Mga espeya ba kayo mula sa Palasyo ng emperador?" galit na sabi niya.

"Hindi! Pwedi ba kumalma ka muna, Ihsna." Sigaw ko sa kaniya. Napipikon na ako sa babaing to ih. Ang daldal kausap.

"Anak! Sila ang mga nawawalang tagapagmana." Lola Preda.

"Paano nga Ma? Matagal na silang patay!" Kalmado ngunit nakasimangot na sagot ni Ihsna.

Hindi ko siya masisi dahil kahit ako hindi ko pa rin siguro kung kami nga ba ang mga tinutukoy nila o hindi. "Hindi rin kami sigurado sa bagay na yan. Matagal kaming nanirahan sa palasyo ng Myrinth! Hindi namin kilala ang aming sarili o kahit na ang aming pangalan o tunay na ama. Pinalaki kami ng mga hari bilang mga anak nila ngunit hindi sila nagpakilala ng buo. Hindi namin alam kung sino sa kanila ang tunay naming ama!" Salaysay ko.

Humigpit ang hawak ko sa aking palad. Ayuko ng e-kwento pa kung anong nangyari sa nakaraan. Kumikirot lamang ang akimg dibdib.

"Pinagtangkaan ni King Semon ang buhay ni ko noon sa Mansiyon. Hindi ko alam kung bakit.... Ngunit....".

Napahawak ako ng mahigpit sa upuan malapit sa akin ng maalala ang nangyari sa mansiyon. Unting-unting tumulo ang luha sa mga mata ko...

FLASHBACK

BAKIT SIYA NANDITO SA MUNDO NG MGA TAO?

PARA SAAN?

"Seven! Seven! Wag mo akong tatawaging Ama... Dahil hindi kita anak!" Tinutok niya sa akin ang espada niya na may bahid pa ng dugo. "Matagal ko na dapat itong ginawa sa'yo at sa mga kapatid mo kung hindi ko lang ka'yo kailangan!" Humalakhak siya bago mas nilapit sa balat ko ang espada. Naramdaman ko ang kirot sa parteng iyon pero hindi ko nalang pinansin.

"Ang kitilin ang buhay niyong magkakapatid ay wala akong paki-alam!"

"Ginamit mo lang ba kami para hanapin ang---"

"Seven! Matalino ka nga. Hindi ako nagkamaling ikaw ang utusan na hanapin si Asura." 

"Hindi ko siya nahanap!" walang gana kong sabi sa kaniya.

"Pero nahanap mo ang anak niya... Ang totoong pakay ko. Ang anak ng isang taksil."

Pumapatak ang dugo mula sa leeg ko. May maliit na sugat na sa parting iyon dahil sa talim ng espadang nakatutok roon. Sinubukan kong kapain ang sugat pero mas diniinan niya lang ito.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko para pigilan ang pagtulo ng luha na kanina ko pa pinipigilan. Nahihirapan akong huminga sa presensya niya pakiramdam ko para akong nilulublob sa malalim na karagatan at wala ng paraan para makaahon pa.

"Kung ganun Haring Semon! Mababawasan na pala ang mga amang dapat kong suriin! Kung hindi kita ama sa tingin ko isa iyong magandang balita."

"Nagmana ka nga talaga sa iyong ama... Hindi na mahalaga iyon! Asande lavete Hasede! (Anak ng ikapitong Hari!)"

"Salamat sa kaunting impormasyon ama!"

I used all my strength to push the sword. I was wounded in the left palm and blood dripped from it. I broke his legs so he fell down and was approached by other soldiers.

END OF FLASHBACK

"Siya ang may gawa sa sugat mo noon sa leeg? Si Amang Semon?" Gulat na tanong ni Abel sa akin.

Imbis na sagutin ang tanong niya sa akin ay kumaripas ako ng takbo papunta sa kwarto nila Abel at Azeron. Naiwan silang nakatulala! Agad kong hinanap ang librong dala ni kuya Abel galing sa mansiyon ni Dona Flora. Andun yun! Baka andun yun.

"Nagmana ka nga talaga sa iyong ama... Hindi na mahalaga iyon! Asande lavete Hasede! (Anak ng ikapitong Hari!)"

Asande lavete Hasede!
Asande lavete Hasede!

Asande lavete Hasede!

Nang matagpuan ko ang mga libro agad akong bumalik sa kanila at isa-isa ito binuklat. Asande lavete Hasede! "Arghhh!" Inis kong tinapon ang unang librong binuklat ko ng wala akong matagpuan. Agad na pinulot iyon ni Abel at napamura. Wala akong pakialam kailangan kong mahanap iyon!

"Bakit hindi ko agad naalala ang sinabi niya noong gabing yun!" Garalgal ang tinig ko ng sabihin ko iyon. Tumulo ang luha sa pisngi kaya agad ko itong hinawi.

"Athena..." Tawag sa akin ni Azeron sa nag-aalalang tinig.

"Stop it Athena! Nasisira ang Libro!" Saway ni Abel sa akin ngunit itinulak ko lamang siya.

"Abel!" Sigaw nilang lahat ng tumalsik ito sa may kahoy.

Napalingon at bumalik sa ulirat ng makita ko siyang nahirapang tumayo. "Sorry! Hindi ko sinasadya! " Naiiyak akong lumapit sa kaniya. "Kailangan kong malaman kung sino siya!".

"Who?" Mahinang tanong niya. "Ano ba ang hinahanap mo Athena?"

"lavete Hasede!" Umiiyak kong tugon at bumalik sa lamesa.

"Here!" Linapag ni kuya Abel ang Libro at nagsimulang buklatin ito hanggang sa huminto sa mga pangalan.

Nanginginig na binasa ko ang bawat nakasulat. Ang bawat pangalan! Bawat  kaharian. Nanlambot ako ng mabasa ang pangalan ng ikapitong hari. Hindi ko magawang umiyak. Nanatili akong nakatitig sa libro. Nag-iisip, pinagtatagpi-tagpi ang bawat bagay. Nabuo sa aking isipan ang isang isipin na tiyak akong sa pagmakataong ito ay tama ako.

"Bakit? Anong meron sa Ikapitong Hari? Athena?" Tanong ni Kuya Abel na halatang gustong malaman ang tubgkol dito.

"Athena, ayos ka lamang ba?" Nag-aalalang inalalayan ako ni Azeron ng muntik na akong matumba.

Parang hindi kaya ng binti kong magkaroon ng lakas. "Kaya mo ba akong dalhin sa palasyo ng ikapitong Hari?" Wala sa sarili kong tanong kay Ishna na tila nagtataka rin sa mga kinikilos ko. Lumapit ako sa kaniya at mahigpit na humawak sa kaniyang mga kamay. "Nakikiusap ako sayo! Dalhin mo ako sa aking ama!"

"Athena, anong sinabi mo?" Napatayo si Abel ng sabihin ko iyon. Ngunit hindi ko siya pinansin.

"Ishna, dalhin mo ako sa taksil kong ama!" Sigaw ko saka ako bumitiwa sa kaniya.

"Athena..." Sigaw sa akin Abel. "Kumalma ka, hindi ka pweding pumunta sa lugar na yun ng walang plano. Ipapahamak mo ang sarili mo!".

"Apo! Tama si Abel.... Pareho kayong mapapahamak ni Ishna kapag nahuli kayo!" Lola Preda.

"Sasamahan ko siya!" Sabat ni Azeron na nakatitig sa akin. Ngumiti siya bago ako pinaupo. "Sasamahan ko siya pero hindi sa ngayon! Kailangan mo munang kumalma at magplano. Hindi kita hahayaang mapahamak. I know it hurts Athena! Kailangan mo munang kumalma bago gumawa ng plano. Naiintindihan mo ba ako?"

Tumango na lamang ako. Lumpit ako sa kaniya at yumakap. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun pero kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Bumaling ako kay kuya Abel na binabasa ang libro. Masasaktan siya sa malalaman niya! Bahagyang kumunot ang noo niya at napasinghap. Tumingin siya sa akin! Nakikiusap ang mga mata niya na para bang gusto niyang sabihin kong mali ang hinala niya. Wala akong ibang nagawa kundi ang lapitan siya yakapin. Patawad! Kung sana pwedi kung akuin lahat ng sakit!

"Hindi ko siya mapapatawad!" Bulong niya. Napakuyom ang kaniyang kamao , nalukot ang pahina ng libro kaya agad ko siyang pinakalma.

"Mag-usap tayo, Kuya!" Aya ko sa kaniya.

Tumango siya at naglakad papasok ng kwarto nila. Sumunod si Azeron na sumulyap muna sa akin bago pumasok. Hinarap ko si Lola Preda at Ishna. Nagpaalam ako sa kanilang kailangan muna naming mag-usap at lalabas kaming muli. Tumango sila  hudyat na kailangan ko rin pumasok.

...

Heirs of MiticaWhere stories live. Discover now