"Babalik pa ba tayo?" biglang tanong ni Cassia na abala sa pag-aayos ng kama niya. Katatapos lang ng pag-uusap nila at inutusan na sila ni Doña Flora na magpahinga!
Masyado ng mabigat ang mga nangyari kailangan na nila ng kaunting pahinga.
Especially Fiona! Kanina pa siya tahimik at hindi kumikibo. Nakabaluktot lang siya sa kaniyang kama. Hindi rin siya magawang kausapin ni Athena o kahit ni Cassia.
"Hey Sis! I'm asking if babalik pa ba tayo sa Mitica?" tanong niya ulit ng walang sumagot.
"Bakit hindi? Doon naman talaga tayo nabibilang hindi ba?" Walang emosyong sagot ni Athena sa kapatid.
Humalukipkip ito at saka nagsalita. "I don't want to go back there! Athena, Sa maikling panahon na nanatili tayo rito. Natutunan ko na ring mahalin ang mundong ito. " Pangiti-ngiti pa itong nakatingin sa labas ng bintana habang nagsasalita.
"But we are not human! Iba tayo sa kanila at hindi tayo mula sa mundong ito!" Tumayo si Athena at naglakad papunta sa bintana. Mula roon tanaw ang mga nagtataasang gusali sa di kalayuan. Mga rumaragasang sasakyan sa daan.
Naalala niya pa noon bago siya mapadpad sa mansion nila Azeron muntik na siyang masagasaan dahil wala siya sa sariling pumunta sa gitna ng kalsada!
"Kung sana ganito nalang ang lahat! Sana normal nalang tayong tao at hindi tayo nanggaling sa ibang mundo! Malaya kaya tayong gawin lahat ng gustuhin natin? Masasaktan kaya tayo ng ganito?" Mapait siyang lumingon ulit kay Cassia na matamang nakikinig sa kaniya.
Pilitin mang itago ng kapatid ang totoo nitong nararamdaman alam niyang nasasaktan ito. "What if hindi ako nabigo na ipasa ang huling pagsasanay at hindi kayo gumawa ng paraan para sumama sa akin? Bibigyan kaya tayo nila ama ng parusang magdadala sa atin sa mundong ito?" Nasasaktan niyang sambit sa bawat kataga.
Tama! Kung hindi kaya nangyari ang lahat ng iyon. Malalaman kaya nila ang totoo? Makikilala kaya nila sina Doña Flora, Dr. Ramirez at Mr. Cruiez? Si Azeron? o kahit na si Zeb... O kaya si Dalia... Kung hindi kaya sila naparusahan malalaman kaya nila ang katutuhanang dumudurog ngayon sa mga puso nila?
"Hindi natin hawak ang kapalaran natin Athena! Pero alam mo ba kung anong alam ko ngayon? Ang alam ko lang nasasaktan ako sa lahat ng mga nalaman ko! Na para bang gusto kong sumigaw at maghurumintado... Pero sa tuwing naiisip ko ang mga magagandang nangyari sa kabila ng lahat! Nawawala yung galit ko! GUSTO KO NALANG E-ENJOY ANG BUHAY NA MERON AKO NGAYON! kasama kayo." Cassia said habang yakap-yakap ang kumot.
Tumawa siya ng mapakla. "Ano bang magagandang nangyari Cassia?" tanong niya rito.
Ngumiti ito sa kaniya bago siya nilapitan. "Ang makasama kayong lumaki! Ang makasama kayong lahat at maging kapatid ko. Ang makasama kayo sa unang tapak ko sa mundong ito... At ang makakilala ako ng mga tao na naging parte ng ng buhay ko rito." Nakangiti lang ito sa kaniya habang nagsasalita. Sana katulad rin siya ni Cassia na malawak ang pag-unawa at nakikita parin ang mga magagandang pangyayari sa kabila ng lahat ng pait.
"I hoping na sana kagaya mo rin akong mag-isip! Pa-ra hindi ako nasasaktan ng ganito! Fifth! How could I accept the truth behind those lies? Lahat ng pinaniwalaan natin lahat pala yun kasinungalingan lang! Hindi ka ba nasasaktan Cassia?" Naiiyak niyang saad sa kapatid.
Niyakap siya nito at hinagod ang likod niya para patahanin siya. "Hindi ibig sabihin na nakangiti ako ngayon hindi na ako nasasaktan! Tinuturuan ko lang ang sarili kong maging matapang na tumanggap ng katutuhanan!"
"I can't accept it! Cassia!"
"Then don't force yourself, Athena!"
"I'm lost!" Hagulhol niya dito habang nakayakap. "Pakiramdam ko imbis na makilala ko ang sarili ko mas lalo lang akong nawala."
