CHAPTER #39

1.6K 47 6
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

Saktong humampas ang hangin ay siya namang pagpikit ng mga mata ko. Ito ang bungad ng bansang sinilangan ko dahil kasalukuyan kaming pababa sa eroplano habang hawak ko si Chescka sa kamay.

This is it! Nakabalik na ako...

"Mommy, we're here!" Masiglang sabi ni Cheska na bakas ang ngiti sa labi.

"Yes, baby. Kumapit ka lang sa akin ha at baka mawala ka," bilin ko sa kanya.

Ber-months na ngayon kaya naman marami kaming kasabay at kaya rin nahirapan si kuya Jessie sa pagkuha ng flight namin. Bukod kasi sa laging sold out ang ticket, karamihan pati eh sobrang mahal!

Isang linggo muna ang lumipas bago kami nakaalis. Naayos ko na rin ang pag-resign ko. Mabuti at naintindihan ako ng manager ko, paano ay pinoy rin kasi kaya siguro napagbigyan ako.

The rest, si kuya Jessie na ang nag-asikaso. Isang maleta lang ang dala ko, puro mga gamit ni Cheska. Pwede naman akong bumili na lang ng damit ko o yung dati kong damit na nasa bahay--- natigilan ako.

Sa hotel nga pala kami tutuloy. Bilin ni kuya Jessie na hintayin ko ang go signal niya bago ako magpakita sa ospital!

Nasa ospital pa rin si Dad under-observation kaya naman sinabi ni kuya na baka mabigla si Dad kapag out of the blue ay magpakita ako.

"Mom, where are we?"

Napalingon ako kay Chescka saka ko nilibot ang paligid nitong airport. Karamihan sa mga nakasabayan ko ay may mga sundo, samantalang kaming mag-ina ay wala. Tinago ko ang lungkot ko dahil ayokong maramdaman iyon ni Chescka.

"For now, sa hotel muna tayo para makapagpahinga ka. Okay?"

Tumango naman ang anak ko kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad. Mabilis akong pumara ng taxi at nagpahatid kami sa binigay na address ni kuya Jessie.

Mabilis lang namin narating ang lugar. Pagkakuha ko ng susi sa receptionist ay tinungo na namin ang unit. Kumain kaagad kami ni Chescka at pagkatapos ay nagpahinga.

KANINA pa tulog ang anak ko pero ako ay hindi pa rin makatulog. Pagod ang katawan ko at ramdam ko iyon pero ang isip ko ay hindi matahimik. Napabuga tuloy ako ng hangin nang wala sa oras.

Magkatabi kami ni Chescka ngayon sa higaan, dahil tulad niya, gusto ko ring magpahinga muna.

Hapon na rin at natatanaw ko sa bintana ang pagbabago nang kulay sa kalangitan. Nilingon ko ang anak ko, malalim pa rin ang paghinga niya. Baka gabi na ito magising.

Wala akong planong gawin kun'di ang puntahan si Dad, ang kaso, ang tagal naman tumawag ni kuya Jessie. Naiinip tuloy ako rito. Hindi naman ako pwedeng lumabas dahil walang kasama si Chescka.

Hindi namin kasama si Aling Cristy dahil sa kanya ko binilin ang iba naming gamit. At siya rin ang may gustong magpaiwan muna dahil na rin sa dalawang ticket lang ang nagawan ng paraan ni kuya.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon