CHAPTER #10

2.1K 105 37
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

"ANONG ibig sabihin nito? Chescka?" Gulat na tanong ni Sean. Maski ako ay nagulat dahil kasama niya iyong isang alipores ni Chonna!

"Bakit ka nakipag-away?" Alanganing tanong niya sa akin.

Inalalayan niya akong tumayo 'tapos saka niya binangon si Chonna.

"Okay ka lang? Pasensya na," sabi ni Sean kay Chonna.

Mas nagulat ako ng makita kong yumakap si Chonna kay Sean at saka umiyak!

"Sabi ko sa kanya na hindi ako lalaban pero hindi siya tumigil. Gagawin daw niya sa akin iyong ginawa niya sa 'yo." Sumbong ni Chonna.

Nilingon ako ni Sean at halata ang galit sa mga mata niya. Diba ako ang girlfriend niya? Bakit si Chonna ang inaalo niya?

"Pinatawag na kita kasi hindi ko mapigilan si Claudia, salamat at dumating ka," sabi ng alipores ni Chonna na nakisabunot kanina.

Ang galing! Bakit ako iyong mukhang masama?

"Hoy! Bakit binabaligtad n'yo ko!? Eh kayo itong bigla na lang nanabunot kaya gumanti lang ako!" Sigaw ko sa kanilang tatlo.

"Tama na Claudia, humingi ka na lang ng tawad. Mag-usap tayo mamaya." Utos ni Sean.

"Kayo? 'Diba nanood kayo? Sino 'yong nanakit kay Claudia?" Tanong ng alipores ni Chonna na siyang look out kanina. Sabay-sabay silang umiling.

"Nakita ko na lang na sinasabunutan ni Claudia si Chonna."

"Iyon din ang nakita ko,"

"Inaawat si Claudia pero galit talaga siya."

Napamaang na lang ako. Mga binayaran ba 'to? Bakit iyon lang ang nakita nila!? Eh sumabunot pa nga iyong kasama ni Chonna kanina!

"Sean---"

"Mag-sorry ka na lang para hindi na 'to lumaki." Pagpuputol niya sa sasabihin ko.

"Ayoko."

Nagsukatan kami ng titig ni Sean. Kahit na anong sabihin at gawin niya, hindi ako hihingi ng tawad dahil hindi naman ako ang nauna. Buti lang sa kanya 'yan.

"Claudia, please."

See? Claudia na ang tawag niya sa akin. Iba rin, mas kinampihan pa ang ex niya. Mahusay!

"So kinakampihan mo siya? Nakakatawa. Sige, kampihan mo 'yan---"

"Claudia!" Sigaw niya na nagpatigil sa akin.

Sinigawan ako ni Sean? Sa harap ng mga tao?

"Hindi siya ang nagsimula ng gulo."

Napalingon ako sa gilid ko nang may bigla na lang nagsalita. Teka, mukhang pamilyar 'to ah. Napansin kong parehas sila ng suot ni Sean, parehas ng uniform.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon