CHAPTER #11

1.9K 113 25
                                    

Chonna's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chonna's POV

Napangiti ako matapos nang nangyari kanina. Hanggang ngayon ay kasama ko si Sean na mukhang guilty dahil sa ginawa ng babae na 'yon. Sorry siya, pero sa akin pumabor ang tadhana.

Hindi ko naman siya papatulan kung hindi niya ako pinagbantaan. Oo, ako ang unang nagbanta sa kanya para layuan niya si, Sean. Makulit kasi siya at palaban. Buti na lang at may plan B kami. Kung hindi siya makuha sa salita, sa plan b ang bagsak niya which is palabasing war freak siya na madali lang gawin dahil sa issue nila ni Sean.

Mukhang pumapabor sa akin ang lahat. Naayon sa plano ang nangyayari at hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Mission accomplished!

***

Sean POV

Hindi ko sigurado kung tama pa ba itong ginagawa ko, pero iyong nangyari at nakita ko ay malinaw. Hindi ko maiwasang hindi maisip na hindi iyon magagawa ni Chescka dahil minsan na niya akong sinuntok, si Chonna pa kaya?

Ano bang makukuha niya kung saktan niya si Chonna? Hindi ko alam. Galit ba siya kay Chonna? May kinalaman ba ito sa pagiging moody niya? Ang gulo! Basta ang alam ko, hindi ako pabor sa ginawa niyang pananakit.

Kakausapin ko siya pero hindi ngayon dahil baka mainit pa ang ulo niya. Tapos umeksena pa iyong lalaking nakilala lang niya sa Jollibee kahapon. Dito rin pala nag-aaral ang isang iyon, hindi ko siya madalas makita.

"Sean, iyon si Claudia, oh." Sabay turo ni Chonna sa entrance ng cafeteria.

Kasama pa rin niya iyong lalaki na 'yon, kasama rin niya sina Chincky.

Mabilis silang nakahanap ng pwesto at hindi gano'n kalayo sa pwesto namin ni Chonna. Nakita ko pang sumulyap sa akin si Chincky at mabilis din namang nagbawi ng tingin.

"Kasama naman niya sina Chincky, dito na muna ako dahil hindi ko siya makakausap kapag hindi pa malamig ang sitwasyon. Pasensya na talaga sa ginawa ni Claudia."

"Ano ka ba, Sean. Kanina ka pa humihingi ng pasensya. Ayos lang iyon, naiintindihan ko si Claudia, baka nagseselos lang siya o kung ano. Lalamig din ang ulo niya." Sabi ni Chonna.

Ito ang ugaling nagustuhan ko sa kanya, iyong kaya niyang umintindi ng ibang tao. Kaya hindi ko maisip na kayang makipag-away ni Chonna kay Chescka. Mas kilala ko si Chonna.

"Moody nga si Chescka, kaya iniintindi ko na lang." Sabi ko.

"Chescka? Sino 'yun?" Tanong ni Chonna.

"Iyon ang tawag ko kay Claudia." Nakangiti kong sabi.

"Ay! Sweet naman pala." Sabay tawa niya.

Napatitig ako kay Chonna. "Sweet ako?"

"Oo, ang sweet kapag may tawagan kayo. Like yung sa atin dati,"

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon