CHAPTER #23

1.7K 76 12
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

Tanghali na ng magising sina Chincky at Tyra. Diretso na kaming kumain ng tanghalian na si Jessa ang nagluto, sayang! Gusto ko sanang si Tyra ang magluto, pero sige, may mamayang gabi pa naman. Pagkatapos kumain ay ako na ang nag-asikaso sa kusina para magligpit at maglinis. Balik silang tatlo sa panonood.

Natigilan ako sa pag-aayos ng pinggan ng marinig ko ang pag-door bell sa labas. Mabilis kong tinigil ang ginagawa ko saka ako excited na lumabas. Narinig ko pang nagsalita si Tyra pero hindi ko iyon naintindihan dahil wala roon ang atensyon ko. Baka si Sean ang nasa labas.

Nalusaw ang ngiti ko ng makita ko ang naka-unipormeng lalaki, delivery pala ito.

"Ma'am, delivery po." Nakangiting sabi nito.

Binuksan ko na muna ang gate. "Magkano ho?"

"Bayad na po. Maraming salamat," sabay tungo niya. Ngumiti na lang ako.

Paglingon ko sa pinto ay nakita kong palabas si Tyra na nakangiti. Mukhang siya ang nagpa-deliver.

"Thanks, Clau!" Sabi nito saka inagaw sa kamay ko ang plastic. 

Ano kayang laman no'n?

Sinundan ko naman kaagad si Tyra at naabutan ko silang tatlo sa kusina. Ah, pagkain pala ang order nila pero hindi pa luto. Pinagpatuloy ko na lang ang naiwan kong gawain. Bumalik na rin naman sa sala sina Jessa at Chincky nang paalisin sila ni Tyra.

Nang tingnan ko si Tyra ay nakangiti ito habang kumikilos sa kusina. Magluluto siya ng pagkain pero hindi ba't kakatapos lang namin mananghalian?

"Pahingi nga ako ng mga lagayan. Pahiram na rin ng kutsilyo at lumabas kana kung tapos kana riyan." Sunod-sunod na sabi nito sa akin. Wow ha!? Palayasin daw ba ako sa sarili kong kusina? Tsk!

"Anong lulutuin mo?" Tanong ko sa kanya habang busy siya.

Saglit niya akong tiningnan saka ngumiti. "Carbonara!" Sabay hagikgik niya.

Nagkibit-balikat na lang ako saka na umalis sa kusina. Pinuntahan ko 'yung dalawa sa sala at napansin ko kaagad ang paglingon sa akin ni Jessa. Napaiwas tuloy ako ng tingin.

Kapag si Tyra ang nasa kusina, ayaw niya ng may kasama siya dahil nawawala raw siya sa konsentrasyon at baka malaman pa ang sikreto niya sa pagluluto kaya ito kaming tatlo. Magkakasama ngayon sa sala.

"Nasaan si insan? Hindi ba siya umuwi?" Tanong ni Chincky sa akin.

Pinilit kong ngumiti. "Hindi siya umuwi, baka doon na siya sa kanila dumiretso dahil gabi na."

"Eh bakit wala pa rin siya hanggang ngayon?" Tanong ni Jessa.

Natigilan ako. Tama nga naman, bakit wala pa rin siya rito?

"Hindi ko alam." Kusang lumabas iyon sa bibig ko, akala ko ay nasa isip ko lang. Napansin ko ang pag-kunot nila ng noo.

"Iyang pinsan mo, Chincky kung umasta parang walang nobya." Halata ang inis sa boses ni Jessa.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon