CHAPTER #6

2.2K 119 33
                                    

     

Jessa's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jessa's POV

Nasa kalagitnaan na kami ng kainan nang bigla na lamang may sumulpot sa likod ni Claudia. Natigilan ako, at pagtingin ko kay Tyra at Chincky ay gano'n din ang kanilang reaksyon.

"Sean? Bakit 'yon? May kailangan ka ba?" Si Chincky ang nagtanong.

"Pasensya na kung na-istorbo ko kayo. Pwede ko bang maka-usap si Claudia... 'yung kami lang sana," Sabi nito.

Nagkatinginan kaming tatlo sabay tingin namin kay Claudia. Ngumunguya ito ng pagkain.

"Sure, walang problema." Mabilis kong sagot bago pa sumagot si Claudia. Nagtataka naman akong tiningnan ng dalawa pero nasabi ko na eh, wala ng bawian. Wala naman sigurong balak na masama si Sean.

"Salamat," tipid nitong sagot bago balingan si Claudia.

Tumango nalang ako. "Teka! Hindi pa ako pumapayag, ah!" Angal ni Claudia.

Tinignan nito si Sean saka ako binalinga ng tingin.

"Saglit lang naman tayo," Sabi ni Sean.

"Ayon naman pala eh, saglit lang daw," Sabi ko.

Muli akong tiningnan ni Claudia na para bang sinasabing bawiin ko 'yung sinabi ko. Pero hindi ako nagpatinag.

"S-sige." Sagot na lamang ni Claudia sabay buntong-hininga nito.

Lihim akong napangiti pero nag-aalala rin ako sa kung anong attitude ang ipapakita ni Claudia. Hmmmm, sample-an mo nga ng katarayan, Claudia.

Claudia's POV

Magkasama na kami ngayon ni Sean habang naglalakad-lakad. Tahimik lang naman siya kaya gano'n din ako. Medyo malayo na kami sa lugar kung nasaan ang mga kaibigan ko.

"Chescka may hihingiin sana akong pabor. Kung pwede?" Bigla ay sabi nito kaya naman natigilan ako at napatingin sa kanya.

Teka, hindi ba kakakilala lang namin? Tapos kung makahingi naman ito ng pabor, akala niya close na kami kaagad.

Napabuntong-hininga nalang ako. "Anong pabor ba 'yon?"

Hindi kaagad siya sumagot kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Tara," pagkasabi niya ay bigla niya akong hinawakan sa pulsuhan ko saka niya ako iginaya sa isang bench.

"Ano ng sasabihin mo?" Tanong ko ng maka-upo na kami.

Mga tatlong minuto siguro ang lumipas bago siya muling nag-salita.

"Chescka pwede bang mag-panggap ka bilang girlfriend ko?"

Sean POV

Hindi niya kaagad ako sinagot. Nakatingin lang siya sa akin.

Hanggang sa biglang nanlaki ang mga mata niya na para bang may nakitang kakabia sa mukha ko.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon