CHAPTER #37

1.5K 50 5
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

SUNOD-SUNOD na pagkatok ang gumising sa akin.

Tinatamad akong bumangon at ramdam ko ang pagod ng katawan ko. Pakiramdam ko rin ay may lagnat ako.

"Claudia, anak, mahuhuli kana sa klase mo. Bumangon ka na riyan."

Pinilit kong bumangon pero ramdam ko ang pagbigat ng ulo ko. Para akong may trangkaso. Nasusuka rin ako. Sumandal ako sa headboard ng kama saka ko marahang nilibot ang tingin ko sa paligid ko. Kaso wrong move iyon dahil mas lalo lang akong nahilo.

Kahapon ginanap ang event at oo, napagod nga ako dahil hinintay pa naming matapos iyon. Nag-aya pati ang grupo na mag-mall at sumama naman ako. Okay na okay ang pakiramdam ko kahapon, as in!

Hindi naman ako puyat. Hindi rin ganito ang pakiramdam ko kagabi. Ngayon lang itong umaga. Sinapo ko ang noo ko. May kainitan iyon.

Sinubukan kong gumalaw para sana bumaba na ng higaan kaso bigla ko na lang naramdaman ang pagbaliktad ng sikmura ko!

Mabilis kong nilambitin ang ulo ko para yumuko sa sahig at doon sumuka kaso wala namang lumalabas sa bibig ko. Puro laway lang at lasang mapait. Sige lang ako sa pagduwal kahit na ba wala akong inilalabas sa bibig ko.

"Anak?" Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Naramdaman ko na lang na may kamay na humahagod sa likuran ko.

"Masama ba ang pakiramdam mo?"

Hindi ko magawang masagot si Mama. Basta duwal lang ako nang duwal. Alam kong wala naman akong mailalabas pero ang katawan ko mismo ang may gustong sumuka ako.

"T-teka, sandali..." saka ko naramdamang umalis si Mama.

"Papa.. Jessie... dalhin natin sa hospital si Claudia!"

Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang sigaw na iyon ni Mama. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang maraming yabag palapit sa gawi ko.

"Nagpalipas ka ba ng gutom kahapon?" Tanong ni Daddy.

"May kinain ka bang bawal sa iyo? Anong nararamdaman mo?" Si kuya Jessie naman ang nagtanong.

"Dalhin na natin siya sa ospital para mapatingin natin siya," tarantang sabi ni Mama.

Hindi ko na sila masagot. Basta gusto ko lang sumuka at maalis itong pait na lasa sa bibig ko. Pinipigilan kong huwag na dumuwal kaso may sariling isip ang katawan ko.

Nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil sa luha. Sumasakit na rin ang lalamunan ko.

"Ihahanda ko ang kotse." Narinig kong sabi ni Daddy.

"Hawakan mo itong plastic, dito ka muna sumuka." Si kuya Jessie naman iyon.

Naramdaman kong binuhat niya ako palabas ng kwarto ko.

Namalayan ko na lang na nasa biyahe kami. Pinakain ako ni Mama ng crackers para raw may laman ang tiyan ko.

Pagdating namin sa ospital ay mabilis akong inasikaso roon. Hinayaan ko na lang sila dahil wala talaga akong lakas. Masakit at mabigat ang ulo ko. Naubos din ang natitira kong lakas dahil sa pagsuka ko. Gusto ko na lang humiga at magpahinga.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon