CHAPTER #35

1.6K 55 7
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

ISANG linggo na ang lumipas pero hanggang ngayon, wala pa rin akong monthly period.

Nakaka-stress at nakakakaba ang mga araw na lumipas. Napabuga na lamang ako ng hangin dahil sa agam-agam ko.

"Huy! Bukas na ang event pero simula pa last week ay hindi na maipinta iyang mukha mo. May problema ba?"

Tingin lang ang naisagot ko kay Chincky.

Kung alam lang nila kung ano ba talaga ang problema ko, baka magulantang sila.

"First time niya kasi kaya ganyan. Hayaan n'yo na si Claudia," sabi ni Levi saka ako inakbayan.

Nandito kami sa playground nang subdivision namin. Tapos na ang grupo para sa senior's dance practice nila at kami naman ni Levi ay kaunting practice na lang.

Si Jessa ang nagsabi na mag-meet up ngayon dito after class para ready kami bukas. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Ang saya tuloy ng iba naming kasama dahil walang nananaway sa kakulitan nila. Para lang kaming nag-picnic.

"Sus! Sige, ipagtanggol mo," singit ni Tyra.

Napailing tuloy ako. Gano'n ba ako kahalata?

Well, kahit sa bahay ay tinatanong ako ni Mama kung kailangan ko raw ba ng tulong o kung may problema ba ako.

Ang dami ko kasing lutang moments sa bahay at napakatamad ko pang kumilos. Mas gusto ko lang na nakahiga ako habang kumakain. Sa gano'ng bagay ay masaya na ako.

Pagdating sa school activity ay nagagawa ko iyon. Mas mabilis ko ring natatapos ang mga assignments ko. Feeling ko pa, ang tali-talino ko.

Ang bilis kong maintindihan iyong mga lesson kaya lumalakas ang loob kong mag-cutting class dahil nakakahabol pa rin ako sa topic. No more sanaol!

"Sige, nag-aalala lang ako sa iyo kasi parang ang laki ng ipinagbago mo." Napatingin ako sa kamay ko nang abutin iyon ni Chincky. "Nandito lang kami, Claudia," sabay ngiti pa niya.

Nagtaka naman ako sa ginawa niya. Magtatanong pa sana ako pero dumating na si Jessa kaya naman umayos na kami at umaktong seryoso. Ang kulit lang.

Napalingon ako sa tabi ko ng mapansin kong hindi na umalis si Levi sa gilid ko. Inalis din niya ang pagkaka-akbay niya sa akin. Kumibit-balikat na lang ako.

Nagbigay ng instruction si Jessa para bukas. Wala kaming klase dahil sa event na iyon. Sinabi niya kung anong oras, saan ang pwesto namin, at pati na rin ang pagkakaayos nang mismong gagawin sa event. Lahat ay alam ni Jessa at ngayon ay pinapaliwanag niya sa amin. Para siyang organizer sa event at para rin siyang isang teacher. Detalyado.

"Naiintindihan n'yo ba?" Tanong nito pagkatapos ipaliwanag ang toka namin.

Tumango naman kaming lahat.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon