CHAPTER #31

1.5K 60 10
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

NANDITO kami ngayon ni Levi sa garden ng school at dahil wala kaming nagawa kahapon kaya naman kanina ng mag-breaktime ay inaya ako ni Levi na pumunta rito.

Sa canteen kami unang pumunta para bumili ng pagkain saka kami dumiretso rito. Hindi ko kasabay sina Chincky at Tyra dahil busy sila sa report nila mamaya. Habang si Jessa naman ay inaya ni Jhayrone. Ewan ko kung nasaan sila ngayon.

"Pakinggan mo ito," sabi ni Levi habang nakaabot ang kamay niyang may hawak na cellphone.

Parehas kaming nakaupo rito sa lapag. Magkatabi at kumakain ng biscuit, parehas din kaming may drinks.

Kinuha niya ang kamay ko saka roon nilagay ang phone niya. Napansin kong sinaksak niya ang earphone sa phone at saka niya isinuksok sa tainga ko ang kabilang dulo.

Music pala itong papakinggan ko. Natigilan ako. Pamilyar ang tunog.

Nakatingin lang sa akin si Levi. Nilagay rin niya ang kabila sa tainga niya kaya naman parehas kaming nakakarinig ng kanta. Pansin ko pa ang paggalaw niya na para bang kinakanta niya itong pinapakinggan namin.

Ito pala iyong kantang gusto niyang i-perform namin. Kinakanta ito ngayon ng boses nang lalaki at babae. Hinati ang bawat lyrics.

Malamig, malambot at may kataas ang kantang ito dahilan kaya mabilis kong inayawan ng i-suggest niya. Hindi pa rin pala siya sumuko.

Kulit!

Binalik ko rin naman kaagad sa kanya iyong phone niya pagkatapos naming pakinggan. At tulad nang una, ayoko pa ring kantahin namin ang 'I Don't Want to Miss a Thing'

"Anong masasabi mo?"

Pansin ko ang excited sa itsura niya. Napabuntong-hininga tuloy ako.

"Levi---"

"Ako at si Mommy ang nag-record ng kanta. Nagpatulong ako sa kanya para mahati ko ang lyrics. Well, siya talaga ang nag-ayos ng transition. Thanks to her," sabay tawa niya.

Natigilan ako sa dapat na sasabihin ko.

Siya at ang Mommy niya ang kumanta? Boses nila itong pinakinggan ko?

Gulat ko siyang tiningnan. Bakas naman ang ngiti sa mukha niya.

"Singer si Mommy. Both of my parents, actually. Nagkakilala sila sa gig at magkasama sila sa isang banda. They love music."

Paliwanag niya bago pa man ako magtanong.

"Kaya pala magaling kang kumanta at nahilig ka rin sa music, may pinagmanahan ka pala."

Nagkibit-balikat siya. "Sa ngayon ay nasa business world na sila, nag-desisyon silang huminto no'n simula ng malaman ni Dad na buntis si Mom."

"Sinuko nila ang musika?" Maingat kong tanong.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon