CHAPTER #22

1.6K 71 16
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

Hapon na nang isa-isang dumating sina Chincky, Tyra at Jessa. Pinaka huli si Jessa. Bag pack lang din ang dala nila at panigurado ako na kung hindi damit ay mga note book at libro ang ibang dala nila para magsagot ng assignment.

Nasa sala kami ngayon at nanonood ng series nang One Piece. Iyon kasi ang suggestion ni Sean para raw mahaba kahit hanggang mamayang gabi ay paniguradong hindi namin matatapos.

Nang una, nagtatalo pa sila ni Tyra dahil imposible raw iyon pero nang makita namin ang bilang ng episode ng one piece ay literal na nanlaki ang mga mata namin. Lagpas 800 iyon at on-going pa hanggang ngayon!

Si Chincky ang nagluto nang pop corn habang si Sean naman ang gumawa ng pan cake. Si Tyra ang na-assign sa buko juice. Swerte si Jessa dahil kakain na lang siya nang dumating siya. Lahat kami ay busy sa panonood. Naglatag si Sean sa sala para pwede kaming mahiga. Tuloy, mag-isa niyang inookupa ang mahabang sofa. Sanaol!

Mabilis na lumipas ang oras. Patuloy lang kami sa panonood, ubos na rin ang kinakain namin. Nakailang beses pa ulit nagluto si Chincky ng pop corn bago iyon tuluyang maubos. Nang bandang Six PM ay nag-presinta na si Sean na siya na ang kikilos sa kusina tutal alam naman na niya ang palabas. Apat na lang kami ang nanonood ngayon. Nang sulyapan ko ng tingin si Jessa ay nakita kong nakakunot-noo ito habang nagtitipa sa kanyang cellphone. Kaya niyang manood habang may ka-text?

Sa aming apat ay si Tyra ang attentive sa panonood. Nagustahan niya ang series na ito at mas nagustuhan niya ang karakter ng bida. Nagkibit-balikat na lang ako at pinilit na makisabay sa panonood.

Hindi rin naman nagtagal at nag-aya na si Sean para kumain ng hapunan. Walang may balak pumunta sa kusina para maghain, mga tinatamad at ayaw iwan ang palabas. Napailing na lang tuloy ako at ako na ang kumilos para sa sala maghain.

Ginisa ang ulam namin ngayon, sayote na hinaluan ng baboy. Nang magsimula na kaming kumain ay wala naman akong narinig sa kanila tungkol sa kung anong lasa ng pagkain. Panigurado ay nagustuhan nila ang luto ni Sean dahil magana silang kumain.

Pasulyap-sulyap lang ako sa kanilang lahat habang kumakain. Kung hindi pa umalis ng bansa si Mama ay hindi ko ito mararanasan. Nakakapag-overnight naman sila rito pero iba pa rin pala talaga kapag walang kasamang parents. Parang kakaiba lang ang saya. Iyon bang solo n'yo ang bahay.

"Kumain ka nang kumain, bakit ka ngumingiti riyan?" Puna sa akin ni Jessa.

"Tsk, wala. Ang cute n'yo kasing tingnan."

"Lagi naman kaming cute, Claudia. Ikaw lang ang hindi." Pang-aasar sa akin ni Chincky na ikinatawa naman ni Tyra.

"Ewan ko sa inyo!" Kunwaring naiinis kong sabi.

Mabuti na lang at kanya-kanya sila sa paglagay ng hugasin sa kusina. Ang problema na lang ay kung sinong maghuhugas. Lahat kasi ay nasa sala na ngayon at balik sa panonood. Wala ba silang balak matulog?

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon