CHAPTER #19

1.6K 85 19
                                    

Chincky's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chincky's POV

Magkasama kami ni Chime ngayon at kasalukuyan kaming nakasakay sa jeep. Tamang shirt at pantalon lang ang suot ko dahil iyon ang sinabi ni Chime. Ang akala ko naman ay dahil mag-mo-motor kami kaya ayaw niyang mag-dress ako o mag-palda. Ang loko, sinundo ako sa bahay ng walang dalang kahit anong sasakyan! Tapos aayain akong samahan siya dahil may libro siyang hinahanap.

Ang sabi pa niya kanina, masaya raw ang mag-commute kaya naman pumayag ako. Pero sa lagay namin ngayon, para kaming sardinas na nagsisiksikan sa isang lata. Parang may imaginary seat na nakikita ang kundoktor kaya kada may makitang pasahero ay pinapasakay.

"Malapit na tayo," bulong ni Chime sa akin.

Napatindig balahibo ang mga balahibo ko sa batok ng maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa pinsgi ko. Gano'n kami kasiksik ngayon sa jeep at ramdam ko rin ang pawis sa katawan ko!

Ilang sandali pa ng tumigil ang jeep, hinawakan ako ni Chime sa kamay. Nagtataka man ako pero mabilis ko ring naintindihan kung bakit. Nandito na kami, nakita ko na ang pagtayo niya. Tumayo na rin ako at dahan-dahan akong naglakad pababa ng jeep. Saktong pagtapak ko sa semento ay siya namang paghinga ko ng malalim! Grabeng kaginhawaan ang naramdaman ko.

"Ngayon ka lang ba nakasakay sa jeep?" Tanong ni Chime sa akin.

"Obvious ba?" Sabay irap ko sa kanya na tinawanan lang naman niya.

Pero kung tutuusin, parang hindi kapani-paniwala na ang isang Chime Justin Absalon, ay sumasakay pala sa jeep?

"Ba't ganyan ka makatingin? Crush mo ako 'nu?" Gulat akong napatingin sa kanya.

"Kapal! Diyan kana nga, bahala ka." Saka na ako nagsimulang maglakad.

Malalaki ang hakbang ko na pumunta sa entrance ng Mall. Dito ako dinala ng loko, may national book store raw kasi rito kaya titingnan namin kung nandito ba ang hinahanap niya.

Tuloy-tuloy lang ang lakad ko. Hindi gano'n karami ang mga tao ngayon. Puro kainan ang nadadaanan ko; Jollibee, Mcdo, Mang-Inasal, Kuya J, at restaurant. Pagbaling ko sa kanan ko ay napatigil ako ng may natanawan akong dalawang pamilyar na mukha. Si Levi iyon at si Chonna. Nasa loob sila ng isang restaurant.

Base sa ayos nila ay parang umiiyak si Chonna, habang si Levi naman ay nasa tabi nito para aluin ang huli. Anong nangyari sa dalawa? Nang tingnan ko ang lamesa ay may mga pagkain pa ro'n.

"Ang bilis mo namang maglakad!" Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Chime na hinahabol ang hininga niya. Gano'n na ba akong kalayo para maging ganito ang itsura niya?

Nang balingan ko ulit ng tingin sina Chonna at Levi ay nagulat ako saka napatago sa harapan ni Chime! Bale, nakatalikod siya kung saan naroon sina Chonna kaya ako lang ang nakakakita sa kanila. Habang ako naman ay nakatago sa harap ni Chime. Napansin kong kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko. Lilingon pa sana siya sa likuran niya ng hawakan ko ang magkabilang pisngi niya!

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon