CHAPTER #28

1.9K 66 15
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

Mabilis na lumipas ang mga oras. Isa-isa na ngayong naglalabasan sa room ang mga kaklse ko. Nang mapatingin ako kina Jessa ay nagliligpit na sila ng gamit nila. Binalingan ko ng tingin itong katabi ko na tahimik lang na pinapasok ang notebook niya sa kanyang bag. Tumayo na ako at lumakad na paalis. Sa labas ko na lang ng room hinintay sila Jessa.

"Akala ko iiwan mo kami, Claudia." Natatawang sabi ni Tyra.

"Tumigil ka nga riyan." Suway naman ni Chincky sa kanya.

"Tara na. Magluluto pa tayo ng tanghalian natin."

Maglalakad na sana kami nang may marinig kaming tumawag sa amin.

"Jessa!"

"Chincky.."

"Trya!"

Sabay-sabay na tawag nang tatlong lalaki sa likuran naming. Sina Jhayrone, Cedrick at Chime iyon. Napakunot tuloy ako ng noo. Kanina kasing nasa room kami ay tahimik lang ang mga ito. Napansin ko rin na hindi sila masiyadong nagkakausap nila Sean. Dahil na rin siguro sa magkakahiwalay sila ng upuan. Pero pansin ko iyong hindi nila pagpapansinan.

"Bakit?" Tanong ni Jessa kay Jhayrone.

"Pag-usapan natin iyong tungkol sa event," sabi ni Jhayrone.

"Tama. Tutal, isa si Claudia sa mag-pe-perform, mas maganda kung alalayan natin siya sa event dahil first time lang niya." Si Cedrick naman ang nagsalita.

"Bale, naisip naming tatlo na gumawa ng grupo natin. Tapos saka natin isa-suggest once na final na ang napag-usapan natin," sabi naman ni Chime.

Nagkatinginan kaming apat dahil sa tatlong lalaki na ito.

"Pwede ba akong sumama sa grupo n'yo?" Lahat kami ay napatingin sa bagong dating.

"Uy! Sakto, Levi. Walo tayo sa grupo. Apat na babae at apat na lalaki. Maganda ito!" Nakangiting sabi ni Cedrick. Sabay kindat kay Tyra. Sumimangot naman ang kaibigan ko.

Hmmm. Mukhang may hindi sila kinukwento sa akin. Pero okay lang, gano'n din naman ako sa kanila.

"May lakad kami. Saka na lang kayo sumama." Si Jessa ang nagsalita.

"Oo nga, saka kakain pa kami," ani Tyra.

"Tara na..." Aya ni Chincky.

Tiningnan ko lang ang apat na lalaki. Tumango naman sila. Pero...

"Tayo lang namang apat ang nasa bahay. Isama na lang natin sila para hindi sayang ang araw na ito." Napansin kong nilingon nila akong tatlo.

"Seryoso ka ba, Claudia?" Gulat na tanong ni Tyra sa akin.

"Baka magalit si Tita at sabihin pang kung sinu-sino ang pinapasok mo sa inyo habang wala sila," si Jessa naman ang nagsalita.

Napairap na lang ako. Kunware pa ang mga ito na inaalala ako at ang bahay namin pero pansin ko naman ang mala-kamatis nilang pisngi ngayon. "Ako na'ng bahala magsabi kay Mama," sagot ko sa kanila. "Sumunod na kayo. Ayoko lang na masiyado kayong malikot sa bahay ha! Babayaran n'yo ang kung ano man ang mabasag n'yo," pananakot ko sa kanila.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon