CHAPTER #17

1.7K 91 23
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

Kasalukuyan na kaming nasa biyahe ngayon at tahimik lang ang buong biyahe. Paminsan-minsan ay nag-uusap sina Sean at Mama pero nang malapit na kami sa airport ay hindi na sila nagsalita. Katabi ko si kuya Jessie kaya hindi ko magawang makatulog, lagot na naman ako rito kapag natulog ako sa biyahe.

Ngayon ang araw na pupunta sina Kuya Jessie at Dwayne sa Saudi nag-taxi lang kami dahil walang mag-da-drive ng kotse pag-uwi. Kasama rin kasi si Mama na pupuntang Saudi pero hindi rin naman siya magtatagal doon. Gusto lang niyang bisitahin si papa at ang business namin. Napabuntong-hininga na lamang ako. Si kuya Kylle naman ay nasa dorm niya, tuwing sabado at linggo lang siya nasa bahay dahil sa Manila pa siya pumapasok. Mag-isa lang ako sa bahay mamaya at okay iyon para makapag-pokus ako sa pag-re-review. Isang linggo lang kasi ang lilipas at gaganapin na ang examination.

Hindi ako nakapasok ngayon dahil sa lakad namin, gano'n din naman si Sean. Pwede naman niyang tanggihan si Mama pero ewan ko sa kanya, masiyado ng pinaninindigan ang relasyon kuno namin.

Ilang sandali pa at natatanaw na namin ang airport, maging ang ingay nito ay rinig na rinig din. Hindi ito ang unang beses na makarating ako rito dahil dati, lagi naming hinahatid si papa sa airport kapag babalik na siya sa Saudi gayon din kapag uuwi siya kapag holiday. Nandito kaming lahat para salubungin siya.

"Hali na kayo, nandito na tayo." Napakurap ako dahil sa sinbi ni Mama.

Nandito na nga kami. Oras na para magpaalam. Mabilis na umibis sa taxi si Kuya Jessie at gano'n din si Kuya Dwayne para kunin ang mga maleta nila. Nang makuha na nila ang mga gamit ay naglakad na rin kami para ihatid silang tatlo sa loob.

"Sean, iho," nakita kong lumapit si Sean kay Mama. "Ikaw rin Claudia, halika."

"Bakit po iyon?" Tanong ko kasi naging seryoso ang mukha ni Mama.

"Nakausap ko kanina si, Sean. Okay lang sa kanya na doon muna siya tumira sa bahay habang wala ako para may kasama ka at para hindi ako mag-alala."

"Ano!?" Gulat na tanong ko sabay tingin kay Sean. "Ma! Ano bang kalokohan 'to? Pwede namang umuwi si Kuya Kylle para may kasama ako. At saka, umuuwi naman si Kuya Kylle kada weekend, hindi ka rin naman magtatagal kaya okay lang akong mag-isa sa bahay!" Hindi ko maiwasang hindi magtaas ng boses. Grabe!

"Anak, makinig ka. Mas panatag ako kung magkasama kayo ni Sean habang wala ako. At saka, tatawag naman ako lagi sa inyo. Sa kwarto siya ng Kuya Jessie mo tutuloy kaya hindi n'yo maiistorbo ang isa't-isa."

Napatingin ako kay Kuya Jessie, humihingi ako ng saklolo sa kanya kaso ang loko iniwas ang tingin sa akin! Gano'n din si Kuya Dwayne. Seryoso sila? Iiwan nila kami ni Sean? Samantalang kakakilala lang nila kay Sean.

"Claudia..." Tawag ni Mama.

"Okay, fine. Ayan ang gusto n'yo, may magagawa pa ba ako?" Nagulat na lang ako ng lumapit sa akin si Kuya Jessie.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon