CHAPTER #20

1.7K 86 19
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

Tatlong araw na ang lumipas simula nang mag-take ako ng exam. Hanggang ngayon ay sa bahay pa rin tumutuloy si Sean. Uuwi lang siya sa kanila para kumuha ng bagong damit at uniform pamalit sa mga nasuot na niyang damit. Nang sinabi ko na isabay na lang niya sa labahin ko iyong mga damit niya ay mabilis siyang tumanggi kaya hindi ko na siya pinilit pa.

Gabi na ngayon at bukas ay biyernes, may pasok pa kami. Nandito ako sa sala at nanonood ng palabas sa tv habang si Sean ay nasa silid ni kuya Jessie, may tinatapos na school activity. Tapos na kaming kumain at mayamaya lang ay matutulog na.

Sa lunes ko na malalaman ang tungkol sa result ng exam. Makakapasa kaya ako? Napabuntong-hininga tuloy ako at wala na sa palabas ang atensyon ko. Napalingon ako ng bumukas ang pinto ng kwarto na ginagamit ni Sean. Lumabas siya at tumuloy sa kusina. Feel at home talaga ang loko! Mabilis kong tinuon ang atensyon ko sa tv nang marinig ko ang mga yabag niya palabas ng kusina. Naramdaman ko ang prisensya niya sa likuran ko at ngayon ay umupo rin siya sa sofa.

"Uminom ka ng gatas para makatulog ka na," sabi niya pagpatong niya ng baso sa lamesita na nasa harapan namin.

"Salamat."

Ilang sandali pa ang lumipas nang walang umiimik sa amin. Hindi pa rin ako sanay kapag malapit si Sean sa akin. Bumibilis ang tibok nang puso ko at kinakabahan ako. Hindi naman ako ganito dati.

Napatuwid ako ng upo nang hawiin niya ang buhok ko para ilagay sa likod ng tainga ko. Mabilis kong inabot ang baso saka ko ininom ang laman no'n, mabuti na lang at hindi masiyadong mainit ang tubig kaya hindi ako napaso.

"H-hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ko sa kanya ng hindi siya nililingon.

"Nagpapa-antok pa matutulog na rin ako pagtapos nitong palabas."

Tumango naman ako. Nang balingan ko ng tingin ang tv ay nanlaki ang mga mata ko ng makita kong naghahalikan ang bida! Jusko!

"Mahilig ka pala sa ganitong palabas." Napalingon ako bigla kay Sean, nakapaskil sa mukha niya ang ngisi.

"Hoy! Hindi naman iyan ang pinapanood ko kanina!" Depensa ko.

Hindi talaga ito ang palabas kanina, well alam ko na ito ang kasunod na palabas sa pinapanood ko pero simula nang lumabas si Sean sa kwarto ay nawala na ang atensyon ko sa palabas.

"Okay," tipid niyang sagot.

Hindi ko alam kung bakit biglang ang init ng paligid kahit na gabi na. Usually, kapag ganitong oras ay malamig naman. Bukas ang e-fan na nasa gilid at hindi rin naman gano'n kainit itong iniinom kong gatas. Nang mapatingin ako sa tv ay nasa kwarto na ang dalawa habang patuloy pa rin sa paghalikan. Wala sa sariling inabot ko ang remote sa lamesita saka iyon pinatay. Sobrang init at halos kapusin ako ng hangin. Nang tingnan ko si Sean ay matiim siyang nakatingin sa akin.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon