CHAPTER #36

1.6K 49 3
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

DITO ako sa restroom dumiretso nang iniwan ko silang dalawa.

Mabilis kong pinahid ang namumuong luha sa mga mata ko. Ayokong makita ako ng mga kaibigan ko sa ganitong sitwasyon. Wrong timing naman si Sean. Kaasar!

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng sleeveless casual dress, above the knee at pinaresan ko ng wedge na sandals. Fitted ito sa itaas ng katawan ko, wavy naman pagdating sa beywang ko hanggang pababa.

Light makeup lang ang nilagay ko sa mukha ko. Tamang hindi magiging putla ang labi ko at hindi gaanong mapapansin ang eyebags ko.

Ilang sandali ko pang pinagmasdang ang mukha ko sa harap ng salamin habang kinukundisyon ko ang sarili ko.

Napakurap ako nang tumunog ang phone ko kaya mabilis ko iyong kinuha sa shoulder bag ko.

Mabuti at nandito ako sa banyo, nakalimutan kong i-silent ito. Gulat akong napatingin sa screen nang makita kong si Jessa ang caller.

"Hello?" Kagat-labi kong sagot.

"Nasaan ka? Sabi ng kaklase natin ay nakita ka na nila rito kanina."

Akala ko ay bubungad sa akin ang inis niyang boses pero nakakapagtaka na nag-aalala ang tono niya. May nakakita ba sa amin ni Sean? Napasinghap ako.

"Nandito lang ako sa CR, papunta na rin ako riyan."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Okay, sige. Hihintayin ka namin."

Ibabalik ko na sana ang phone ko sa bag nang bigla ulit iyong tumunog.

"I'm okay, Jessa. Papunta na ako riyan kaya hindi mo na kailangan mag-alala," bungad ko kaagad pagkasagot ko ng tawag.

"Ha?" Sagot ng kabilang linya.

Napakunot tuloy ako ng noo nang mapansin kong iba ang boses ng kausap ko. Tiningnan ko ang screen nang phone ko, gulat pa ako ng makita kong si Mama iyon.

"Hello? Anak? May problema ba riyan?" Tanong ni Mama.

"Wala, Ma, akala ni Jessa ay late ako. Naglibot kasi ako sa school at nandito ako ngayon sa CR." Pagdadahilan ko.

"Oh, I see."

"Bakit po kayo tumawag?"

"Right. Hindi ko nasabi sa iyo kanina na may lakad kami ng Daddy mo. Hindi ko sure kung uuwi ka mamayang lunch pero nilutuan na kita nang ulam mo. Nasa ref, initin mo na lang. Wala ang mga kuya mo. Baka magtaka ka na wala kang madatnang tao sa bahay." Paliwanag ni Mama.

"Okay, Ma. Ingat kayo ni Daddy."

"Sure, goodluck diyan. Fighting!" Narinig ko pang humagikgik si Mama kaya naman napangiti ako.

"C'mon, Hon, baka ma-late tayo," rinig kong sabi ni Daddy sa kabilang linya.

"O'siya, ibaba ko na. Take care, love you."

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon