CHAPTER #16

1.7K 84 22
                                    

- Jessa POV -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- Jessa POV -

Magkakasabay na kami nina Chincky at Tyra papuntang room. Nag-bell na kasi kaya naman oras na para sa klase, mabuti na lang at nakapag-review kami kanina sa garden. Handa na kaming tatlo.

Napangiti ako ng maalala ko ang itsura ni Claudia, ang laki ng pinagbago niya. Pakiramdam ko tuloy ay dahil iyon sa pagiging girlfriend niya kay Sean. 'Wag ko lang malaman na si Sean mismo ang nag-request no'n para baguhin ni Claudia ang sarili niya.

Alam kong bilang kaibigan niya ay dapat masaya ako--- masaya naman ako sa ginawa niya. Parang ang pangit lang kung inutos iyon ni Sean kay Claudia para hindi siya mapahiya dahil si Claudia ang bagong nobya niya. Si Claudia na simple at boyish. Sana lang ingatan siya ni Sean dahil kung hindi----

"Uy, Jessa, bakit ganyan ang itsura mo?" Napalingon ako kay Chincky dahil sa tanong niya.

"Bakit? Anong mayro'n sa itsura ko? Alanganing tanong ko. Hindi ba pantay ang paglagay ko ng pulbo?

"Para kang may boyfriend na susugurin. Daig mo pa ang pinagtaksilan ng nobyo," sabay hagikgik niya.

"Oo nga. Akala mo talaga may boyfriend." Pakikisakay ni Tyra.

Napailing na lang ako. Ito ang ayoko kapag kaming tatlo na lang ang magkasama, lagi nila akong pinagtutulungan. Pero okay lang naman. Sa aming tatlo kasi o apat kasama si Claudia ay ako ang pinaka nakatatanda sa kanila. Seryoso rin ako at talagang pinag-iisipan ko ang mga bagay-bagay. Halimbawa na lang itong si Claudia at Sean. Iba ang pakiramdam ko sa relasyon na mayro'n sila ngayon.

"Bilisan n'yo na lang maglakad at baka mahuli pa tayo." Suway ko sa kanilang dalawa.

"Hi girls," bati ng bagong dating na si Cedrick. Isa sa mga kaibigan ni Sean at kaklase rin namin.

"Nakapag-review ka na ba?" Tanong ni Tyra sa kanya.

"Yup. Pero hindi ko sigurado kung tama ba ang ni-review ko."

Napailing na lang ako. Tanaw ko na ang room namin at pansin ko rin ang pagkunti ng mga estudyante sa hall way. Kanya-kanya na ring simula ng klase ngayon sa bawat room na nadadaanan namin. Sana hindi pa kami late.

- Sean POV -

MABILIS na nagsimula ang ang klase pero hanggang ngayon ay wala pa rin sina Chincky, Tyra, Jessa at Cedrick. Sana lang ay magkakasama sila. Nasa garden lang naman sila pero bakit nahuli pa rin sila? Mabuti na lang at hindi pa nag-sisimula ang quiz, inulit pa ang discussion kahapon para raw ma-recall namin.

"Excuse Ma'am Daisy," ani Cedrick.

Natigil sa pagsasalita iyong teacher namin.

"Why are you late? Did you forget that we will have a quiz?"

"Sorry po," sagot nilang apat.

"Go to your seats and we will start the quiz."

Nagsilabasan na ng papel at ball pen ang kaklase ko. Strictly pen and paper lang ang dapat na nasa table. Ilang sandali pa at nagsimula na ang quiz.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon