CHAPTER #34

1.6K 60 9
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

Two weeks have passed.

Dalawang araw akong nilagnat dahil sa pagsugod ko sa ulan. Hindi kinaya ng katawan ko ang binalitang iyon sa akin ni Chonna.

Hindi rin kami nagpa-practice ni Levi dahil wala ako sa mood. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko siya pakikitunguhan dahil sa nalaman ko.

Hindi ako galit sa kanya... hindi lang ako komportable. Hindi ko rin kasi alam kung may ideya ba siya sa sitwasyon ngayon ni Chonna at ayokong manggaling pa sa bibig ko iyon kung sakaling hindi pa niya alam.

Wala ba siyang alam?

Napailing ako kasunod ang pagbuntong-hininga ko.

Mag-isa lang ako ngayon sa gym ng school, nakaupo habang hawak ko itong balot ng pinagkainan ko. Iilan lang ang mga nandito para mag-practice ng basketball, puro mga first year pati sila kaya naman tahimik ang mundo ko. Walang ka-batchmates ko na kakaiba kung tumingin.

Busy ang mga kaibigan ko. Two weeks na lang din kasi at gaganapin na ang event. Gano'n kabilis ang mga araw, parang damdamin ng isang tao. Mabilis magbago. Tsk!

Napahikab ako ng wala sa oras. Heto na naman ako, inaantok. Halos dalawang subject pa lang ang lumipas at saktong itong pangatlong subject naman ay nagpasulat lang kaya naman sumibat muna ako.

Sa canteen ako pumunta dahil nakaramdam ako ng gutom kahit pa nag-almusal naman ako kanina sa bahay kasabay si Daddy.

Pansin ko, simula nang binalita sa akin ni Chonna na buntis siya ay biglang parang hindi ko na kilala ang sarili ko.

Nagiging gutumin ako kahit pa kakakain ko lang, sobrang antukin ko rin. Iniisip ko na lang na dahil hirap ako makatulog sa gabi, kaya naman ang buong araw ko ay sinisingil ng katawan ko para makatulog ako.

Tumayo na ako saka ko pinagpag ang pang-upo ko. Sa library naman ang punta ko ngayon para umidlip sandali. Hindi naman kasi gumagala ang librarian kaya naman nakakahanap ako ng pwesto para makatulog. Ganito ako sa lumipas na dalawang linggo.

Alam kong mali pero ang hirap labanan ng antok ko. Nakakapagtaka lang nga na wala pang subject-teacher namin ang nagpatawag kila Mama dahil sa ginagawa ko.

Nakarating na ako sa library, natanawan ko kaagad si Ms. Lucy sa pwesto niya habang may binabasa na libro. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Pagkaupo ko ay pumwesto na ako para makatulog--- este iglip lang.

.

.

.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang lumipas pero pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Tahimik lang naman ang paligid pero...

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Saktong luminaw ang paningin ko at makilala ko kung sino ang nasa tabi ko ngayon na nakatingin sa akin---

"Nandito ka lang pala," sabi nito.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon