CHAPTER #5

2.6K 127 37
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

"Nasaan ang kasama mo? May kasama ka ba?"

Ay, nandito pa pala ang isang ito. Akala ko umalis na siya nang hindi ko na siya pinansin. Naghihintay ba siya na pasalamatan ko siya? Pwes, hindi! Hindi ko gagawin iyon!

"What's your name?"

"Huh?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"My name is Sean Russel Chua, what's your?"

"Claudia Franchescka Ciar, but you can call me by my first name, Claudia."

"I see," sabay tango niya. "I preffer to call you as Chescka, is it okay to you?"

Nairap ako. Kakasabi ko lang na pwede niya akong tawaging Claudia tapos may iba naman pala siyang gustong itawag sa akin.

"Ikaw ang bahala," tipid ko nalang na sabi.

"So... okay na tayo?"

"Anong okay ka diyan? Eh sa pagkaka-tanda ko wala akong ginawa sa 'yo," pagtataray ko.

"Look Miss, 'yung nangyari sa school---"

"Hep! Stop! Hindi porket tinulungan mo ako, eh magiging malinis ka na sa paningin ko. Alalahanin mong na-suspend ako ng dahil sa 'yo. Pero sige, ayoko rin naman ng sama ng loob kaya move-on na," mabilis na paliwanag ko.

Hindi na naman siguro kami magkikita nito sa school, I mean hindi naman siguro kami magiging mag-kaibigan. Kung gusto niyang maging okay kami, then okay. Tapos na, bahala na siya. Kanya-kanya nalang. Gano'n. Ayoko namang awayin sa school nang dahil lang sa issue.

***
Chincky's POV

Pabalik na kami sa kung saan namin iniwan si Claudia pero nagulat ako dahil sa naabutan namin...

"Girsl, hindi ba si Insan ko 'yon?" Turo ko kay Sean.

"Huh? Si Sean? Ay! Oo siya nga," pagsang-ayon ni Jessa.

"Oh, ang taray ng bestfriend natin," sabay tawa ni Tyra.

"T-teka, sa pagkakaalam ko mag-kaaway sila. Anong nangyari at bakit parang okay na sila? Parang walang nangyari ah," nagtatakang sabi ko.

"Sabagay may point ka. Pero malay mo nag-kaayos na sila," Sabi ni Tyra.

"Tapos Friends na sila?" Segunda ni Jessa.

"Si Sean? Makikipag-kaibigan sa babae? Nasisiraan na ba kayo? Parang hindi niyo kilala 'yan, ah," pagsasalungat ko sa kanila.

"Sabagay. Kahit ikaw nga na pinsan niya hindi masyadong pinapansin, 'yung iba pa kaya," sabi ni Jessa.

"Oo nga ano? Baka naman..." Makahulugang sabi ni Tyra.

"Malabo 'yan friend. Kaka-break lang nila ni Chonna. Hello? Taon din ang tinagal nila kaya hindi agad gano'n kadali na mag move-on. Kahit naman lalaki ay nag mu-move on din," sagot ko kay Tyra.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon