CHAPTER #40

1.7K 50 4
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

HINDI makapaniwala si Jessa nang sinabi kong anak ko si Cheska. Hanggang ngayon tuloy ay pinagkakatitigan niya ang anak ko habang kumakain ng carbonara at cake.

Sa Filipino Restaurant kami pumunta dahil ito na ang medyo malapit sa hotel na tinutuluyan namin ng anak ko.

"Sinong tatay?" Mahinang tanong ni Jessa sa akin nang balingan niya ako ng tingin.

"Si Sean," pagsasabi ko ng totoo.

Muli siyang natigilan saka sunod-sunod ang pagkurap ng mga mata niya.

Napabuga tuloy ako ng hangin. Mukhang kailangan ko ng masanay sa ganitong sitwasyon dahil paniguradong hindi lang ito ang unang pagkakataon na malalagay ako sa hot seat lalo na kapag nakumpleto muli ang barkada.

Nilibot ko ng tingin ang paligid at hinayaan ko munang ma-absorb ni Jessa ang mga sinabi ko.

Hindi gaanong matao ang lugar na ito, hindi rin masiyadong pang-sosyal. Tamang kapag gusto mong kumain ng tahimik ay bagay ang resto na ito. O baka naman dahil gabi na kaya ganito kadalang ang customer.

"Kaya ka ba..."

Tumango na ako kaagad bago pa matapos ni Jessa ang sasabihin niya.

"Desisyon ni Dad at wala akong choice kun 'di ang sundin siya."

Napansin ko ang paglalambot ng ekspresyon ni Jessa.

"Nagtampo ako dahil sa biglaang pag-alis mo. Hindi ko alam na may ganito pa lang kwento, pasensya ka na Claudia."

Inabot ko ang kamay niya na nakapatong sa lamesa. "Ako ang dapat na humingi ng tawad sa inyo dahil iniwan ko kayo ng wala man lang paalam."

"No, you have your own reason. Hindi ko lang inintindi iyon dahil nasaktan ako... kami."

Pinilit kong tumawa para mabago ang ambiance ng lugar. Heto na naman kasi kami, mag-iiyakan. Ayoko ng umiyak. Hindi ako bumalik ng bansa para iyakan yung mga nangyari na sa nakaraan. Gusto ko na lang mabuhay ng tahimik at mag-pokus sa anak ko.

.

.

.

Bago mag-eleven ay nakabalik na kami ni Chescka sa hotel. Kinuha rin ni Jessa ang contact number ko para raw tatawagan niya ako kapag magkikita kami dahil bitin siya sa oras na magkasama kami.

Kinuwento ko sa kanya ang buhay ko sa Saudi at gayon din ang kung anong totong namagitan sa amin ni Sean. At first, nagalit siya dahil ginawa lang daw akong panakip butas ni Sean tapos ako naman daw itong si gaga na pumayag naman.

Natatawa na lang ako habang nagku-kwento kay Jessa. Ang gaan lang sa pakiramdam. Tulad ko ay wala rin daw siyang balita kay Sean dahil galit siya rito kaya naman iniwasan nito si Sean.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon