CHAPTER #8

2.6K 121 36
                                    

Sean POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sean POV

Tahimik lang si Chescka simula nang nasa biyahe kami. Mukhang hindi ata maganda ang gising niya lalo pa't nakatingin lang siya sa harapan habang tulala.

Sakto naman pagbaling ko ng tingin sa harapan ay natanawan ko ang Jollibee. Napangiti ako saka ko siya sinulyapan.

Doon lang ata nabalik ang atensyon niya ng huminto ako sa pagmamaneho. Mabilis akong um-order ng morning meal, salamat dahil may drive thru itong nakita ko at hindi ko na kailangang bumaba pa para um-order sa loob.

"Salamat sir, have a safe ride," Nakangiting sabi ng crew. Tumango nalang ako.

"Bakit ka pa bumili?" Tanong ni Chescka.

"Wala ka pang almusal at medyo gutom na rin ako. Kumain ka na muna habang nasa biyahe," sagot ko sa kanya saka ko na inabot iyong pagkain.


***
Claudia's POV

Lihim akong napangiti dahil sa ikinilos ni Sean. Medyo gutom na nga rin ako pero dahil nakakahiya ng matagal na naghintay si Sean kaya naman hindi na ako kumain sa bahay at balak ko talagang sa cafeteria na lang mag-almusal.

Lunes naman kasi ngayon, flag ceremony ang gagawin tapos iyong ibang teacher ay hindi na pumapasok sa first subject.

Mabilis ko ng nilantakan iyong pan cake ng Jollibee, nakita ko ring may rice-bowl at egg sandwich. May dalawa ring hot choco!

"Gutom ka ba?" Alanganing tanong ko kay Sean.

"Hmmm, makakatiis pa naman hanggang sa makarating tayo sa school. Kumain ka lang diyan," sagot niya.

Sungit nito tinanong ko lang eh. Hindi ko na siya pinansin at iyong pagkain na lamang ang inintindi ko. Ubusan ko kaya siya? Tsk!

***
Sean POV

Maganang kumakain si Chescka sa tabi ko at pakiramdam ko'y busog na rin ako. Mabilis din naman niyang naubos iyong kinakain niya at nakita kong nilagay niya sa gilid niya iyong tira na para sa akin siguro dahil hindi naman niya ginalaw.

Saktong pagpasok ng kotse sa gate ay napansin ko kaagad na inayos ni Chescka ang sarili niya base na rin sa pag-punas niya ng bibig niya at pagtingin kung may bakas ba ng pagkain sa mukha niya. Nang tuluyan na akong nakapag-park ng kotse ay mabilis na binuksan ni Chescka iyong pinto saka bumaba.

Lumabas na lang din ako para sundan siya at para sabay kami.

"Chescka," tawag ko sa kanya.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon