CHAPTER #2

3.3K 134 44
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

"Oh! Anak nandiyan ka na pala," Sabi ni mama nang makita niya ako.

"Ma, aalis po ako," paalam ko.

Nakakasawa rin kasing magmukmok sa bahay. Baka mabulok ako pag nagkataon.

"Ano? At saan ka naman pupunta?" Mabilis niyang tanong.

"Magtatapon ng basura, Ma." Napansin kong kumunot 'yung noo niya. "Joke lang, Ma! Girls bonding lang po," nakangiti kong sabi sabay peace sign sa kanya.

Aba! Baka hindi ako bigyan ni Mama ng allowance mahirap na!

"Ah, basta 'wag lang kayong magpapagabi. May pasok na kayo bukas." Bilin niya.

Oo nga pala! Pwede na akong pumasok bukas. Resbakan ko kaya 'yung lalaking nag pa-suspend sa akin?

"Opo, ano po pa lang pagkain?" Nagutom ako bigla. Mamaya ko na lang tatawagan 'yung mga kaibigan ko. Magpapasama ako sa kanila mag-mall.

"Adobo ang niluto ko para sa 'yo. Bawal ka naman sa lumpia dahil nilagyan ko 'yon ng hipon."

"Ang daya!" Pagpaparinig ko kay mama.

Dahil sa lumpia, Claudia maghihimutok ka?

"Pasensya na, Claudia nag-request kasi ang kuya Jessie mo ng lumpia. Para sa iyo naman ang adobo kaya wala kang kahati sa ulam." Nakangiting sabi ni Mama sa akin.

Ganito ang nangyayari kapag nagre-request ang mga kapatid ko ng ulam na bawal sa akin, nilulutuan ako ni Mama ng sarili kong ulam.

Napalingon ako sa labas ng kusina ng marinig ko ang pagtunog ng door bell. May tao sa labas, may bisita ba kami ngayon?

"Mga kuya! May tao sa labas!" Sigaw ko sa tatlo na busy sa pagdutdot ng kanilang cellphone. Partida, nakabukas pa ang tv niyan.

"Sige, bunso." Rinig ko namang sabi ni Kuya Dwayne.

"Okay ka lang ba Claudia?" Natigilan naman ako dahil sa tanong ni Mama.

Seryoso ba siya sa tanong niya?

"Ano bang klaseng tanong 'yan, Ma? Mukha ba akong may sakit? Napuyat lang po ako kagabi dahil may tinatapos akong palabas."

"Ah, wala naman. Kung ayaw mo ng adobo ay ayain mo nalang ang mga kaibigan mo na kumain kayo sa labas. Isang linggo rin kayong hindi nagkita. Ito pala ang budget mo, alam kong sobrang bored mo na rito sa bahay. Panay ang kulong kasi sa kwarto." Panenermon sa akin ni Mama habang nakaabot ang kamay niya para kunin ko iyong pera.

"Pasensya na, Ma at nagiging pasaway ako. Mahal ko po kayo," sabi ko na lang saka ko siya niyakap.

Guilty rin naman ako sa ginawa ko. Salamat na nga lang at pinagsabihan lang ako ni Mama. .

"Kung sana lang ganito si Claudia kapag nasa school, 'no?"

"Oo nga eh. Siguro walang gulong mangyayari. Araw-araw payapa ang paligid."

Kasabay ng pagtawanan ay siya namang pagbitaw namin ni mama sa yakapan. Nang tignan ko kung sino 'yung mga nagsalita. 'Yung mga kaibigan ko lang pala.

"Oy! Bentang-benta 'yung drama mo ah," pang-aasar sa akin ni Jessa.

Jess for short. Maganda 'yan si Jess saka ma-appeal. Matangkad din kaya lang hindi siya gano'ng kaputian. Isa siya sa mga kaibigan ko.

" 'Wag n'yo ngang pag-trip-an si Claudia, mamaya niyan manapak na naman 'yan." Si Chincky naman ang nagsalita.

Isa pa 'tong si Chinky, hindi ko alam kung sasang-ayon ako sa sinabi niya. Paano ba naman kasi, nakangisi. Ang labo 'di ba?

Si Chinky Bartolome, o Chinky ang pinaka-angat ang buhay sa grupo. Mayaman 'yan at diyosa pero 'wag kayong titingin sa panlabas niyan dahil sa loob-loob niyan ay grabe ang katarayang nananalantay sa dugo niya. Teka, sinisiraan ko ba siya? Hindi naman. Sinasabi ko lang ang totoo para aware kayo.

"Ba't pala kayo nandito?" Tanong ko sa kanila ng maalala kong sinira nila ang moment namin ni mama. Ang bad nila!

"Ito kasing si Chinky, sabi niya mag-mall daw tayo dahil may pasok na bukas kaya naman um-oo na kami," si Tyra ang sumagot sa tanong ko.

Si Tyra Faye Austria, cute ng name 'no? Ang taray ng name bagay sa kanya. Mataray din kasi ang isang 'yan. Pag sinabing away? Pwede siyang ilaban kahit hindi niya napaghandaan magagawan niya 'yon ng paraan. Pero teka, pinaghahandaan ba ang away? Tsk! Basta kahit na ganyan 'yang kaibiga ko na 'yan, may ikinukubli naman 'yang kabutihang-asal.

Kapag kumpleto ang barkada, paniguradong hindi kayo matitigil sa kakatawa dahil isa si Tyra sa pinaka maloko sa amin. Silang tatlo ay may mga gintong kutsarita sa bibig ng ipinanganak, astig 'no? Kaya hindi mahirap sa kanila ang gawin kung anong gusto nila dahil may pera sila para tustusan ang luho nila.

'Yang mga 'yan din ay nasa higher section kaya naman nagagawa kong kontrolin ang sarili ko. Oo aaminin ko na galit ako sa higher section dahil kakaiba sila kung umasta pero nang makilala ko silang tatlo... nabawasan naman 'yon at nasabi ko na hindi lahat pobre ang ugali. Meron lang talaga na ano. Basta ano!

"Ah gano'n ba? Yayayain ko palang sana kayo eh, ang galing naman!" Mukang iisa lang ang tumatakbo sa isipan namin ah. Hanep!

"Tita pwede po ba naming hiramin si Caludia? Ang pangit man ng term na hihiramin namin pero 'yon pa rin naman po ang kalalabasan kaya mabuti ng prangka kami di ba po?" Magalang na sabi ni Chinky. Loko 'to si Chinky ah!

"Oo naman. Mga anak na ang turing ko sa inyong tatlo." Nakangiting sabi ni Mama.

"I like it! May second mom na ako!" Masayang sabi ni Jessa habang pumapalakpak.

"Aray! Claudia naman ang sakit mong mambatok." Kakamot-kamot sa ulong sabi ni Jessa saka ako tinapunan ng masamang tingin.

Inirapan ko na lamang siya. "Kaya siguro nagalit sa'yo si Sean dahil sa lakas mong manuntok. Tsk!" Napapikit ako ng mariin.

Binanggit na naman niya ang pangalan ng kumag na 'yon!

"Hay na 'ku. Tara na nga, uumpisahan niyo na naman 'yang topic na 'yan." Pag-awat ni Tyra sa amin ni Jessa.

"Ingat girls." Sabi ni mama.

Hindi ko tuloy alam kung nakakasakay siya sa topic naming magkakaibigan. Bahala na nga. Sumunod na naman ako kaagad sa kanila dahil nauna na silang naglakad.

"Aalis lang kami Kuya, ha." Sigaw ko sa mga kuya kong nanonood at busy sa kanilang cellphone.

"Ingat bunso!" Rinig kong sigaw ni kuya Dwayne.

"Pasalubong ko Little girl!" Pahabol pa ni kuya Jessie.

Okay lang naman sa kanila na lumabas ako. Kilala nila ang mga kaibigan ko at ni minsan wala kaming ginagawang kalokohan--- ako lang ang nakakagawa ng kalokohan. At isa pa, hindi naman ako palalabas ng bahay. Minsan lang ako gumala 'no at kasama ko pa silang mga kaibigan ko.

May tiwala kasi sila sa akin kaya naman pinapayagan nila ako, actually sa aming magkakaibigan pala. Muntik na akong maging selfish do'n ah. Buti nalang at napahabol pa.
===
©J. O. Arandia

 Arandia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon