CHAPTER #12

1.8K 95 23
                                    

Jessa's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jessa's POV

Kanina pa ako nag-iisip pero hindi ko makuha kung ano nga ba ang iniisip ko. Feeling ko kasi may mali, lalo na sa pagitan ni Claudia at Sean. Nakakapagtaka lang na ilang araw ng missing in action si Claudia pero parang walang pakialam itong si, Sean.

Naiintindihan ko iyong siguro'y galit niya dahil sa ginawa ni Claudia sa ex niya. Pero ex is an ex, tapos na sila! Bakit parang after nang nangyari ay bumalik si Sean kay Chonna? Kung kailan pa talaga wala si Levi at saka pa nangyari ito.

Hindi ko rin naman masisi si Sean kung hindi pa talaga siya nakaka-move on, pero sana konsiderasyon naman kay Claudia. Kapag nagising si Sean, sana hindi pa huli ang lahat.

"Anong iniisip mo?" Napalingon ako kay Jhayrone. Buti pa ang isang 'to, kahit bagong kakilala lang ay hindi pumalyang dalawin si Claudia.

"Wala naman." Tipid kong sagot sa kanya.

"Pasensya na talaga kayo. Hindi ko alam na bawal pala siya---"

"Hep! Wala kang kasalanan dahil wala ka namang alam. Iyon din naman ang sinabi sa 'yo ni Tita 'di ba? Matakaw lang talaga si Claudia kaya hindi niya napansin iyong kinakain niya no'n. Dagdag pa iyong nangyari sa kanila ni Chonna, kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Nakailang beses ko ng sinabi ito sa kanya pero lagi na lang siyang humihingi ng patawad sa amin kahit na kinausap na siya mismo ng mama ni Claudia.

Iyon nga ang nangyari, nakakain si Claudia ng pagkaing may halong hipon dahilan para bigla siyang sumpongin ng allergy niya. Ang sabi ng doctor ay nakaalis na iyong lason sa katawan niya at anytime pwede na siyang gumising.

"Hayaan n'yo, sa susunod magtatanong na muna ako bago ako mag-alok ng pagkain." Nakayukong sabi niya.

Guilty talaga siya. Pero anong magagawa namin kung sisisihin namin siya, eh wala nga siyang alam.

"Nasaan na pala sila?" Pag-iiba ko ng topic.

"Papunta na sila rito."

Dadalawin kasi namin ngayon si Claudia, well lagi naman. Basta pagkarinig namin ng bell ay nagkukumahog na kaming lumabas para hindi masiyadong dagsa ang estudyante sa hallway.

Naiwan iyong dalawa dahil may pinasa silang project kaya nauna na ako rito sa parking lot at kasunod ko namang dumating itong si Jhayrone.

"Guys!" Napatingin kami sa bagong dating na si Chincky.

"Nasaan na si Tyra?" Tanong ko.

"Kasunod ko lang 'yon. Sinundo lang iyong tatlong lalaki." Sagot niya.

Napakunot-noo ako. "Tatlong lalaki?"

"Oo, si Chime, Cedrick at Sean. Gusto raw sumama ni Sean."

Napataas ako ng kilay. Buti naman at medyo umaayos na ang utak ni Sean kaya naisipang dumalaw.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon