CHAPTER #4

2.9K 123 33
                                    

Sean POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sean POV

Nandito ako ngayon sa mall at naglilibut-libot, ewan ko kung bakit ko ginustong pumunta dito eh wala naman akong bibilhin at mas lalong hindi ko hilig ang magpunta ng mall. Depende nalang kung kasama ko si Chonna dahil 'yon ang hobby niya na sinosoportahan ko. Naalala ko na naman siya, 'yung babaeng mahal ko na ex-girl friend ko na ngayon. Bakit ba kasi ang hirap makalimot ng puso.

Mas nakakainis lang dahil siya 'yung nakipag break at bago pa magpasukan 'yon. Gandang pasimula ng klase--- break with your girl friend. Tapos malaman-laman ko nalang na sila na no'ng Levi na 'yon. Di hamak na mas may itsura ako kaysa do'n. Ang lupit! Ang bilis niyang makahanap ng iba. Ibang klase.

Nilibot ko ng tingin ang paligid at nakaka-inis lang dahil nasa girls section ako. Wala naman akong bibilhin dito, bakit ba hindi ko napansin na nandito na ako? Kung si Chonna siguro ang kasama ko ay okay pa, pero ako lang mag-isa. Agad na akong tumalikod saka naglakad papalayo sa lugar. Dire-diretso lang ako dahil baka mapagkamalan pa akong bakla nito. Didiretso na sana ako palabas ng botique nang may mapansin akong babae sa gilid.

Napakunot-noo ako dahil parang pamilyar siya. Nabigla ako ng maalala ko siya. Walang iba kun 'di 'yung babaeng nanuntok sa akin ng unang araw nang pasukan. Tingnan mo nga naman. Napangisi nalang ako habang nag-flash back sa isip ko ang mga nangyari.
.
.
.

"Excuse me, saan po ba 'yung Science Lab?" Magalang na tanong niya sa akin.

Walangjo! Sa dinami-rami ng pwedeng pagtanungan ay ako pa talaga? Wala ako sa mood dahil naiinis ako. Sino bang hindi maiinis kapag nakita mo 'yung ex mo na may kasamang lalaki? Umagang-umaga pa!

"Anong year mo na?" Tanong ko sa kanya.

May idea na ako sa year level niya pero gusto ko lang masigurado para tama ang banat ko sa kanya. Gusto ko kasi siyang turuan ng leksyon. Kung bakit? Hindi ko alam basta 'yan ang naisip ko. Mas marunong pa kayo sa isip ko?

"Fourth year na po."

Tama nga ako. Ka-batch ko siya pero seryoso? Science Lab hindi niya alam? Eh sa second floor lang naman 'yun.

"Fourth year kana tapos science lab lang hindi mo alam." Bigla ko nalang nasabi 'yan.

Nakakapagtaka lang kasi. Pumapasok ba siya? Science lab lang hindi niya alam? Napansin ko ang pagka-offend niya pero hinayaan ko lang. Nasabi ko na eh, alangan namang bawiin ko pa.

"Aba't kaya nga nagtatanong kasi hindi alam diba? Ba't hindi mo nalang sagutin? May mawawala ba kung sasagutin mo?!" Sigaw niyang sabi sa akin.

Expected ko na gano'n ang magiging reaksyon niya pero talagang kailangan na isigaw pa niya?

"Anong section mo?" Tanong ko sa kanya.

"B-bakit?"

"Malamang para malaman." Tignan mo, kanina siya ang nagsasabi sa akin na kaya siya nagtatanong para malaman niya. Ano ba sa palagay niya ang tinatanong ko? Siyempre diba gusto kong malaman?

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon