CHAPTER #25

1.7K 73 13
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

Tanging ang mga tunog lang ng kubyertos ang maririnig sa lamesa namin magmula nang magsimula kaming kumain. Tahimik lang kaming apat kaya naman dinig ko ang ingay ng paligid, maging ang kuskos nang bangko sa sahig, pagkalaglag ng kung anong bagay at ang usapan ng kasabayan naming customer."

"Nabalitaan n'yo na ba?"

"Ang alin?"

"Buntis iyong isa nating kaklase kaya hindi na pumapasok."

Iyon ang usapan ng kalapit naming table. Mga estudyante iyon, college siguro dahil hindi naman sila naka-school uniform pero may mga suot na ID.

"Kawawa naman. 'Di bale, pwede pa naman siyang makapag-aral ulit after niya manganak."

Nang balingan ko ng tingin ang mga kasamahan ko ay para lang silang robot na kumakain. Si Chonna ay nakatulala na para bang may iniisip na malalim, si Levi ay busy sa pagkain gano'n din naman si Sean. Napailing na lang tuloy ako. Hindi ko malunok ng maayos ang nasa bibig ko.

Ilang sandali pa at napansin ko na ubos na ang pagkaing nasa plato ni Levi. Gano'n din naman si Sean, si Chonna ay nagpapapak na lang ng ulam.

"I'm done. Thanks for a treat, Claudia." Ngiting sabi nito kahit pa ramdam kong pilit lang iyon.

"Welcome. Sana nabusog ka."

"Mauna na kami ni Sean," sabay tayo nilang dalawa. Tumango lang naman ako.

Akala ko ay aalis na sila pero hindi pa rin sila naglakad palayo. Nang tingnan ko silang dalawa ay nakita ko ang inis sa mukha ni Chonna habang nagpapalitan ang tingin sa amin ni Sean na sa akin nakatingin.

"Hindi ka pa ba sasabay?" Tanong ni Sean sa akin.

"No! Istorbo lang siya sa 'tin, Sean. Remember? May lakad tayo kaya hindi tayo pumasok ngayon." Ani Chonna.

Umiling ako. "Kaya kong umuwi mag-isa. Marami namang masasakyan sa labas." Pagdadahilan ko.

Ayokong sumama sa kanilang dalawa. Mas gusto ko pa na ayain niya akong umuwi kaming dalawa. Naghintay ako kung magsasalita pa siya pero tuluyan lang na bumagsak ang balikat ko nang marinig ko ang papalayo nilang yabag.

Sumosobra na siya. Hindi ba niya alam na pwede akong masaktan sa ginagawa niya? Pero kung iisipin kong mabuti. Ito naman ang gusto ni Sean, di ba? Ang magkalapit sila ni Chonna. Ang magkabalikan sila. Naramdaman ko bigla ang pag-init ng sulok nang mata ko. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Masakit ba?" Napabaling ang tingin ko kay Levi. Narito pa pala ang isang 'to.

"Bakit hindi mo sila pinigilan?" Tanong ko ng maalala ko na nobya niya si Chonna.

Ngumiti lang siya sa akin pero ang ngiting iyon ay hindi nagpapahiwatig ng saya, kundi kalungkutan. Kinabahan ako.

"Kung hindi kana kakain ay balikan na natin iyong gitara. Baka tapos na iyon." Napakurap ako. Nawala sa isip ko ang gitara.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon