CHAPTER #41

1.8K 44 4
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

ALAM ko naman na magkikita kami ni Sean, expected ko na iyon dahil hiling 'yon ni Chescka. Pero bakit naman biglaan? 

Ni hindi sumagi sa isip ko na magkikita kami kaagad. Sa ospital pa talaga kung saan naka-confined si dad. 

At anong ginagawa ni Chonna ro'n? 

Anong ginagawa nilang dalawa ro'n?

Close ba silang tatlo?

Argh! Kakainis!

Napapadyak tuloy ako dahil sa mga naiisip ko. Doon ko lang din napansin ang pagtinginan ng mga taong napapadaan sa harap ko.

Pasimple akong yumuko at humanap ng mauupuan na hindi masiyadong nadadaanan. Pagkaupo ko ay saka ko naman nilibot ang tingin ko sa paligid. 

Hindi pa gano'n kalayo ang ospital pero marami na kaagad akong nakikitang pwede kong mabilhan ng pagkain. 

Paano ba naman kasi…

"Claudia, anak, come here."

Hindi ko alam kung paano akong nakahakbang ng maayos palapit kay Dad gayong ramdam ko ang panglalambot ng tuhod ko. Anytime feeling ko ay bigla na lang akong mapapaupo sa sahig dahil sa magkahalong emosyon na nararamdaman ko.

"Kailan ka pa umuwi, anak?" 

Tanong sa akin ni daddy habang inaayos ko iyong dala kong prutas sa lamesang naroon.

"Noong isang linggo lang po," sagot ko.

"Hi," bati sa akin ni Chonna. Tipid na ngiti lang ang tinugon ko.

Simula ng dumating ako ay bigla silang natigil sa kung anong pinag-uusapan nila kanina. Napapaisip tuloy ako kung ano iyon?

"Kumain na ba kayong dalawa?" 

Tanong ni dad kina Chonna at Sean.

"No, Tito. Dumiretso na kami rito ni Sean---"

"Balak kasi naming sa pag-uwi na lang kumain ng lunch." Pagpuputol ni Sean kay Chonna. 

Umayos ako ng tayo nang balingan ako ng tingin ni dad. At pakiramdam ko, kung ano man ang maririnig ko sa kanya ay hindi ko magugustuhan.

"Claudia, okay lang ba kung bilhan mo sila ng makakain? Sobrang late na para sa lunch nila. Nakakahiya na inimbitahan ko sila tapos inuna pa nila akong puntahan---"

"Sure, marami naman akong nadaanang restaurant kanina habang nasa biyahe. Ako na pong bahala."

"Thank you, take care."

.

.

.

Really?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon