Chapter 7

3.8K 92 4
                                    

-----------

"HINDI lang tayo nagkita ng ilang araw, may kuya ka na? Ang totoo, tinakot mo sila no? Magkano ang binayaran mo sa kanila." Panunuring wika ko at tinignan siya na para bang may masamang ginawa habang wala ako sa tabi niya.



"Haihai, hindi ko sila binayaran. Siya pa nga ang lumapit saakin at kinaladkad ako sa bahay nila. Atsaka wala naman akong pambayad sa kanila." Paliwanag niya at pumasok na kami sa loob ng elevator.



Nang makarating ng 3rd floor bumukas muli ang elevator.



"I'll introduce you to them soon. Syempre hindi kita papabayaan kahit na malapit na akong umalis sa company na to." I looked at her with a confused eyes.



Aalis siya? All of a sudden?




"Oo, I'll work at my father's company starting next month." Nakangiting balita niya na ikinalungkot ko. Wala na ang clown ng company namin.




Makakayanan kaya ng company ng wala siya? Makakayanan kaya ni CEO ang mawala ang nagiisang witch niya?




Yes, alam ko ang nangyayari sa kanila ni
Mr. CEO. Walang sekretong ang hindi ko alam lalo na kung tungkol kay Candice and vice versa.




"Alam ko ang expression na yan Haihai. Syempre isasama kita sa company ni Dad. Hindi kita pwedeng iwanan baka mamaya ikaw na yung istorbuhin ni Boss kong yummy." Kinurot ko siya sa tagiliran sa sinabi niya.




Minsan talaga yung bibig nito walang kafilter filter. Sarap i-tape ng bibig eh.



"So magmomove on kana talaga? Ay wait, naging kayo ba? Hindi man ata eh. Parang more on employee with benefits kayo." Pangaasar ko sa kanya which is true.





Nakita kong nagapoy ang mga mata niya dahil sa sinabi ko at gumanti ng pagkurot sa bewang ko. "Alam mo kung hindi lang kita kaibigan, tinape ko na yung bibig mo. Napakapasmado eh." Reklamo niya. Totoo naman ang sinasabi ko pero masyadong dinidibdib niya ang ang mga sinasabi ko. 




Wow, parehas naming gustong itape ang bibig ng isa't isa.



"Anong pinag-usapan niyo ni Kuya?" Pag-iibang topic niya.




"He said he was worried. Hindi ko nga alam kung tinopak kuya mo or sadyang ako ang napagtripan niya." Sagot na may kaunting pagkairita. Baka mamaya kasi ay mamisinterpret ko ang action niya.




"Really?"




"Tapos alam mo bang ngumingiti siyang bigla tapos tatawa pa. Sinong hindi magugulat sa biglang pagganun niya? Eh simula nung unang dating ako rito, eh pokerface lang siya tapos ngayon tumatawa tawa pa siya! Sarap niyang pektusan." Naiiritang kwento ko sa kanya. He caught me off guard kaya malamang ay maiinis ako sa kanya.




"Nakakashookt yung pagngiti niya noh! Kahit ako nabigla nung nakita siyang ganun." Pagsang-ayon ni Cibrina saakin at tumawa mg malakas at nagsimulang pinaghahampas ako sa balikat.




"Alam mo kung tatawa ka, tumawa ka nalang at wag kanang manakit. Masakit pa yung loob ko sa mga sinabi ng nanay ko kaya wag mo nang dagdagan." Inis na sabi ko sa kanya. Ang sakit pa naman ng mga hampas niya. Napahawak ako sa balikat ko at pilit na nilalayo ang balikat ko sa kanya.



"Ay sorry. Natuwa lang ako kasi parehas tayong nagulat sa pagbabago ni Miguel the Mighty Fishman este Kuya Miguel na pala." At nagpunas siya ng luha dahil sa kakatawa niya. Napailing nalang ako.




Pagdating namin sa floor namin ay agad na lumabas na ako pero nagtaka ako nung lumabas din si Cibrina kasama ko. Tumingin ako sa kanya wearing my confused face. "Hoy, hindi ito ang top floor. Balik ka sa elevator." 




"I know. Nandito ako para kausapin ang head department niyo." She said and winked at me. Tumango tango ako sa kanya at sumabay na ako sa paglakad sa kanya.




Pagbukas ko ng pinto ay napatingin sila saamin. Yung iba ay umiwas agad ng tingin habang iba naman ay nagbubulungan sila habang nakatingin sila saamin. Kami ata ang naging center of attention at center of topic. Hindi na ako magtataka kung paguusapan nila ako sa group chat ng department namin.




"Miss Hazel Pascua. Come with me to the department head office." Napatingin akong bigla sa sinabi ni Cibrina while wearing her strict face. Even her jolly voice changed stern voice. Tumango ako sa kanya at nauna na siyang naglakad saakin. Sumunod ako sa kanya at nasa likod niya lang ako habang papunta sa office ng department head office. 




Naghalo halo ang mga nararamdaman ko. I'm nervous, confused, excited and worried at the same time. 




Kumatok muna si Cibrina bago tuluyang pumasok sa office ng head department namin. 




"Secretary Cibrina? What brings you here?" Bungad na tanong ng Department Head namin kay Cibrina.




"I'm here to hand you the letter of transfer of Haizel Pascua. Mr. CEO is planning to send her to the different department." Seryosong sagot niya  at binigay ang nakaenvelope sa head namin. "Kindly approved it immediately, CEO's order." Dagdag pa niya.




Napahawak ako sa braso niya dahil hindi ko alam na may ganitong order ang lumabas na galing sa CEO namin. Tumingin saakin ang Department head namin bago kunin ang nakaenvelope. Binuksan niya ang envelope at kinuha ang letter atsaka tinatakan ito. 




"Letter approved." She said at binigay ang letter saamin pabalik. Nagpasalamat na kami at lumbas ng office. 




Magsasalita na sana ako kaso pinigilan niya ako. "We will talk later." Atsaka na siya nagalakad papunta sa cubicle ko at may inabot na box na may medyo kalakihan.




"Get your things, Miss Pascua. I'll send you to your new cubicle." Agad kong sinunod ang sinabi niya kahit wala akong kaalam alam sa nangyayari. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari.




nang matapos kong naayos ang mga gamit ko, tinulungan niya akong magbuhat at naglakad na kami palabas ng department namin. Sumakay kami sa elevator agad at pinindot niya ang parking lot floor. Mas dumoble ang pagkataka ko.




Kung lilipat ako ng department, bakit sa parking lot floor niya ako dinala?




I was about to ask but she shut my mouth by giving me a lollipop. "We will talk later. Sunod ka nalang." 




Sumunod nalang ako sa gagawin niya kahit hindi maganda ang pakiramdam ko sa pinaplano niya. 



-----------

BS#7: The Billionaire's First Love -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon