Chapter 10

3.5K 97 5
                                    


Happy Valentine's Day Everyone~ Sino ang mga nakadate niyo ngayon? Sana naenjoy niyo ang araw na ito! Godbless you all!

----------

NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumatama aa mukha ko. Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at dahang dahan na umupo.

Tumingin ako sa paligid ko at may nakita akong bulto ng tao na nakatayo sa tabi ng bintana.

"Gising na ang main character namin ah." Mukhang si Cibrina ang nakatayo sa tabi ng bintana at lumalakad na siya papunta sa pwesto ko.

Kumurap kurap ako kung siya nga talaga ang taong nakatayo sa harap ko. It's really her. Pero imbes na sagutin siya, humiga akong muli at nagtalukbong ng kumot.

"HaiHai! Wake up you traitor!" At tinanggal niya ang kumot. "What!" Tanong ko sa kanya at tinakip naman ng unan ang mukha ko.

"You traitor! How dare you do this to me?" Aniyang muli na may kataasan na ang boses niya kaya umupo akong muli at kumunot ang noo ko.

"What are you talking about, witch? Go away. I want to sleep." At binato ang unan ko sa kanya.


"No way. Kailangan ko ang paliwanag mo kaya hindi ako aalis sa harap mo hanggang hindi ka nagsasalita." Cibrina said and crosses her arms.


"Ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.


"Ito!" At binigay niya saakin ang phone niya.



Pagtingin ko sa phone, nanlaki ang mata ko dahil nasa letrato ako pero hindi ako nag-iisa. May masama ako sa letrato at si Miguel yon.


Nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Miguel at magkahawak ang kamay naming dalawa. Ito yung nangyari kagabi ah.



Sus, ito lang pala ang pinagpipyestahan niya.



Binalik ko sa kanya yung phone sa kanya at bumalik sa pagkakahiga at pinikit ang mata ko. Pero biglang nagpop up sa utak ko yung letrato namin ni Miguel kaya napabangon akong muli at kinuha yung phone kay Cibrina. Baka namamalikmata lang dahil sa antok ko.



Pagtingin ko, kami talaga ni Miguel yung nasa letrato. "Fuck."



"Ang totoo? Anong meron sa inyo ng kuya ko? Umamin kang babae ka!" At tinignan ako na para bang may mabigat akong kasalanan.


"Nothing. Nakatulog lang ako sa balikat niya." Sagot ko sa kanya at kumuha ng pang-ipit ng buhok at tumayo na ako.



"Hoyyyyyy babae! Bakit ganyan ang suot mo! Alam mo namang may kasama tayong lalaki sa room pero ganyan ang suot mo." Medyo pasigaw na sabi ni Cibrina kaya napatingin ako sa suot ko. Ito yung night gown manipis na medyo kita yung panloob ko.



Agad na hinanap ko yung robe na suot ko kagabi. Nasa kama ko ito kaya dali dali kong kinuha ito at sinuot. Natanggal ko ata kagabi  habang natutulog ako.



"Wala na akong masuot kagabe kaya pinagtyagahan ko to. Pinatungan ko naman ng bathrobe ko." Pumunta ako sa mga paper bag at kumuha ng semi formal na dress.



"Umalis lang ako kagabi pero ang dami na nang nagyari." She said to herself pero rinig na rinig ko ang sinabi niya.




"Inuna mo kasi ang Boss mo kesa saakin." I said with sarcasm at lumabas na ako sa bedroom para pumuntang banyo.



Saktong paglabas ko ng banyo, pumasok naman si Miguel na may dalang paperbag na. Iba na rin ang suot niya ngayon. Suot niya na ang pang business attire niya.




"Breakfast?" He said at naglakad na siya papunta sa dining table.



Pinalupot ko ang towel sa buhok ko at sinundan na siya sa dinning table. Nilalabas niya na ang mga pagkaing nasa paperbag kaya umupo na ako.




"Sakto ang dating mo, Kuya. I'm hungry." Cibrina said and sat beside me.



Pero pansin ko ay laging si Miguel ang nagdadala ng pagkain namin. May room service naman ang hotel na to kaya nagtataka ako.




"Witch, may itatanong ako?"




"Shoot."




"May room service naman ang hotel na to pero bakit si Miguel ang nagdadala ng pagkain natin?" Tanong ko sa kanya.





I'm kinda curious kasi baka napapagod na si Miguel sa pabalik balik niyang byahe. Pwede naman kaming magparoom service. Parehas lang naman din ang babayaran namin sa hotel.




Hindi naman sa concern ako kay Miguel.





Pero nagtataka lang talaga ako eh.





"My Mama wants to cook for us kaya ayan. Hindi naman kami makatanggi kaya sumang-ayon nalang kami. Don't worry, may pang gas naman si Kuya." Sagot niya habang naglalagay siya ng kanin sa disposable plates namin.




"Oh, kaya pala masarap. Luto pala ni Mommy mo ang kinakain natin." Nakangiting wika ko. "I wish my mom would do the same." I unconsciously added na nagpatigil sa ginagawa nila.



F*ck.




"Wag niyo nalang pansinin yung sinabi ko. Ituloy niyo yung pagkain niyo." At nagpakita ng pekeng ngiti sa kanila at kumain nalang ako ng tahimik.




After eating our breakfast hanggang sa paghatid saakin ni Cibrina sa bagong department kung saan ako nadestino ay tahimik lang ako. After saying those words to them, nahiya na akong magsalita. Baka nawalan sila ng gana sa sinabi ko kaya mas maganda na sigurong tahimik nalang ako.




"You'll be in charge in interviewing the applicants. And this will be your new cubicle." Tumango nalang ako sa lahat na sinabi ni Cibrina habang nakabuntot lang saamin si Miguel.




"Thank you." At umupo na ako sa swivel chair ko at tinignan ang mga bagong applicants.




"See you later, HaiHai. Sabay tayong maglulunch kaya wag mo nang subukang tumakas. I have my eyes on you." At naglaho na si Cibrina sa paningin namin.



Pero nagtaka ako dahil hindi pa umaalis si Miguel at pumunta lang ito sa malapit na table at duon siya umupo. "Aren't you gonna start to work?" Takang tanong ko sa kanya.




"I am." Aniya at pinagcrus ang legs niya at seryosong nakatingin saakin.




"But why are you still here?" Takang tanong ko sa kanya. Tumingin ako sa paligid namin pero kaming dalawa lang ang nandito.




"Well, this is actually my office." Napatayo sa sinabi niya. Tinignan kong mabuti ang paligid ng lugar at tama nga siyang may nakalagay pang name niya sa ibaba ng table niya.




"And you will work under my instructions." Dagdag pa niya at biglang ngumiti ito.



I'm dead.

--------------

BS#7: The Billionaire's First Love -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon