Chapter 29

2.5K 66 5
                                    

--------


"PAANO naman kami, Hailey?" Napatingin ako sa likod ko and saw Cibrina crying. She was walking towards me slowly.



"Do you think we will be happy that you will finally gonna reunite with your sister?" Napayuko ako sinabi niya. They should be happy, right? My misery was finally ended so they should be happy.



"Do you think everything will be alright if you end your life?" Tanong niyang muli saakin.




Ending my life was not even a big deal so everything should be alright if I will end my life.




"You are running away, Hailey! Instead of fighting, you are running away!" Galit na sigaw niya saakin at lumuhod sa harap ko para magkapantay kami.




"You promised me! Nangako ka na hindi mo na iisiping tapusin mo ang sariling buhay mo! But look at you now, crying helplessly to your sister to take you." At hinawakan ang magkabilang balikat ko at inalog ako.




"Bakit ka ganyan? Bayaran mo ako dahil sinira mo ang pangako mo saakin." Naiiyak na dagdag pa nito at naglahad ng kamay na tila humingi siya ng pera saakin.




"You need to pay me 1 billion for breaking your promise." Hindi ko alam kung matatawa ako or maiiyak sa mga pinagsasabi niya.




"Who said I broke our promise?" Tanong ko sakanya at pinunasan ang mga luha ko.




"Malamang ikaw! I heard them from your own mouth. You are begging to end your life." Humahagugol na sagot niya saakin at yumakap saakin.




"That was before. Hindi pa kasi ako tapos magkwento sa ate ko. Hindi mo na naman hinintay matapos ang kwento ko." Reklamo ko sa kanya. Busy pa akong nagdadrama kabira lilitaw si Cibrina.




Napahinto ito sa pag-iyak at tumingin saakin. "Ah hindi ba? Kasi naman bakit ganyan yung lumalabas sa bibig mo eh." Aniya at biglang umiyak na naman.



Such a crybaby.




Feel ko tuloy umurong na lahat ng hinanakit ko dahil sa ginawa niya. Bumitaw ako sa kanya at tumayo na saka siya inalalayan patayo. Sumenyas ako kay Aaron na kunin si Cibrina at magpakalayo layo dahil baka kay Cibrina ko mailabas ang sama ng loob ko.



Nang kinuha ni Aaron si Cibrina, nagpaalam na sila saamin na mauuna na silang umuwi habang kami ni Miguel at naiwan parin dito. We stayed there until the night came. Medyo delikado na raw kasi kung magtatagal pa kami sa sementeryo.



"Are you okay?" Miguel asked and he intertwined our hands.




"I feel... relieved." At tumingin ako sa langit. The stars are so bright tonight and they are guiding our path to where we are headed.



Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.





"Thank you, Miguel." I sincerely said and held his tie to lower his head and kiss his left cheek.




"This is my payment for showing me my sister's tomb." Nakangiting sabi ko sa kanya at inayos na ang neck tie niya. Pati yujg kwelyo ng damit niya ay inayos ko.





"Kiss this one too." He said and pointed his lips.




Lumayo ako sakanya at tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko. "Not until I said yes to you." Sabi ko sa kanya at tumakbo paalis sa harap niya.




Nang makarating ako sa kotse niya, a familiar car was parked beside our car. Tumingin ako sa likod ko para tignan kung sumunod ba si Miguel saakin pero nagtaka ako dahil wala siya sa likod ko. It's unusual na may nakapark pang kotse rito maliban saamin. And what's more unusual ay parang familiar ang sasakyan na yon.




I started to panic as I saw the car door opened at bago pa lumabas ang tao sa kotse kumaripas ako ng takbo para balikan si Miguel.





Lakad takbo akong bumalik sa pwesto ni Miguel at mabuti nalang ay nandun pa siya at nakatayo habang nakatingin sa langit.




Lumapit ako sa kanya at yumakap sa kanya. I'm scared. Nakita yong napatalon siya sa ginawa ko pero hindi ko nalang pinansin. As long as I can see him, I'll be okay.



"Anong ginawa mo rito? Why didn't you follow me?" Tanong ko sa kanya. Whoever that car owner is, he almost fainted.




"Oh I'm sorry. The night sky is so beautiful that I can't take my eyes out of it." Sagot niya saakin and he looked at me at last.




"Let's go home, Miguel." Mahinang sabi ko sa kanya.




"Home? To your home or my home?" Tanong niya saakin.




"You are my home." Nakangiting sagot ko sa kanya at kinindatan siya. Dahil sa liwanag na dala ng mga bituin, nakita ko ang pamumula ng mukha niya. His face flushed and I find that cute.




He looks like a tomato.




"Do you want to sleep in our house again?" He said as he cleared his throat and trying to divert his attention.




"Kahit saan okay lang basta umalis na tayo rito." And showed him an awkward smile.




Sumingin akong pasimple sa paligid namin and I think wala naman taong sa paligid namin pero kaning ang kotseng nakapark sa tabi ng sasakyan namin?





"Okay then. Let's go home." Nakangiting wika niya at hinawakang muli ang kamay ko at sabay na kaming naglakad papuntang parking area.





Medyo kinakabahan ako dahil baka andyan parin yung sasakyan. Pero dahil andito na si Miguel, hindi na siguro siya lalabas ng sasakyan niya.




Pero pagkarating namin ng parking lot, andyan parin yung sasakyan. Napatigil ako sa paglakad at humawak sa kamay niya.





"Faster. Walk faster." Bulong ko sa kanya at lakad takbo ko siyang hinila palapit sa kotse niya.





Nang makalapit kami sa kotse ni Miguel, biglang bumukas na naman ang pinto ng kotse na nakapark sa tabi ng kotse namin. Dahil dun, napahinto ako sa paglalakad. Tinted ang windows ng sasakyan at windshield kaya hindi ko alam kung sino ang tao sa loob.




Nagtago agad ako sa likod ni Miguel dahil nakilala kong bigla ang lalaking lumabas sa sasakya. "Miss Hailey." Tawag saakin ng lalaki.




Kaya pala pamilyar saakin ang kotse, napagtanto ko kung saan ko ba yun madalas makita.




It was my mom's car.



----------

BS#7: The Billionaire's First Love -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon