----------
One week later...
I WAS just staring at my ceiling and thinking when will this end. Hoping that someone will rescue me but then I realized that this is my fight so I need to help myself. And the first thing I need to do is to find something I can use to escape.
Umupo ako sa kama at tinignan ang mga bintana sa kwarto ko at lahat ng mga bintana ay nakalock ang mga ito. Now I find it suffocating to stay here.
Pumunta akong banyo dahil may bintana too pero maliit lang. Pero kahit na maliit lang ang bintana na yun, if your body is slim, makakalabas ka roon.
At hindi nga yun nakalock. Tumapak ako sa takip ng inidoro para makatingin sa labas ng bintana. Dahil nasa second floor ang room ko, medyo may kataasan ito.
Bumalik ako sa kama ko at kinuha ang mga pwede kong magamit na tela. I'll use it as a rope para makababa.
Kinuha ko rin yung mga damit ko na hindi ko naman sinusuot. To be precise, damit ng ni Haizel ang mga nasa cabinet ko dahil gusto niyang isuot ko ang mga damit ni Hailey.
Pinagbuhol buhol ko ang mga tela at nakagawa ako ng mahabang rope. Mabuti nalang maraming damit ang nasa cabinet ko.
I'll escape at midnight. Panigurado tulog na ang mga tao sa oras na yun and that is my only chance para makalabas.
Nilagay ko sa ilalami ng kama ang nagawa kong lubid para hindi makita ng mga tao sa bahay at hindi nila malaman ang plano ko.
Ang phone ko at ang wallet ko ay naiwan ko sa kotse ni Miguel kaya hindi ko na kailangang isipin pa ang mga gamit ko. Tanging sarili ko nalang ang dapat kong isipin.
Ang isa pa palang problema ang kailangan kong solusyunan ay ang pagkuha ng mga legal documents ko. To claim my identity, I need to get my birth certificate pero ang problema, saan nilagay ni Mommy ang dokumentong yun?
"Think, Hailey. Think! Saan pwedeng itago ni Mommy ang mga mahahalagang dokumento niya." Bulong ko sa sarili ko. I need to squeeze my brain para malaman ang lugar na yun.
Kahit na nakakulong lang ako sa tanang ng buhay ko sa kwartong ito, I still know some secrets places here in this mansion.
At the library? Imposibleng ilagay yun sa kwarto nila ni Daddy dahil baka itakas ni Daddy yun ay ibigay niya saakin. I know my dad very well kaya hindi itatago yun ni Mommy sa kwarto nila.
Hindi rin niya matatago sa attic yun because when I was younger, she locked me up at the attic everytime I make a mistake kaya alam ko na rin ang mga secret pasage ng attic namin.
So saan niya pwedeng itago ang mga dokumento ko? I put my right hand at my forehead.
Damn it! This is making me dizzy.
Napaupo ako sa kama ko at napayuko. Napatingin ako sa sahig.
Floor.
That's right! There's a possibility na itago niya yun below the tiles. Napatayo ako at nagsimulang tignan ang mga tiles sa floor ng kwarto ko.
Every looks fine. Pantay pantay at walang nakabukol. It means wala siya sa kwartong to. Paano ba ako makakalabas sa kwartong to? I need to scan the floor of other rooms. Especially, my parents room.
Halos mapatalon ako sa gulat nung biglang bumukas ang pintuan.
"Miss Hailey, your food is here." One of our made came and was carrying my food. Kaya naman napaayos ako ng tayo. I cleared my throat and show a serious expression.
"Put the tray on the table." I said at tinuro ang mesa na nasa tabi ng bed ko.
Sinunod naman niya yun at nilagay ang tray sa mesa atsaka na siya lumabas. Hindi ko sana papansinin yung mga pagkain kaso biglang tumunog ang tiyan ko.
Kung kailan ako nagseryoso sa ginagawa ko, saka naman umeksena ang tiyan ko kaya bandang huli, kinuka ko yung tray at nagsimulang kumain.
-
Ala-otso na ng gabi pero wala pa rin akong mahanap sa mga tiles. Nakalabas ako kanina dahil nakalimutang nilock ng maid ang labas ng pintuan ko pero sandali lang yun dahil binalikan niya ang kwarto ko at nilock.
Nagmukha na talaga akong preso sa sitwasyon ko. Napahiga ako sa kama at napatingin sa ceiling. Bandang huli, aalis ako sa bahay na to na hindi nahahanap ang mga dokumento ko.
I already eat my dinner kaya naman bumigat na ang katawan ko. I'm getting sleepy and getting comfortable lying on the bed. Magigising naman siguro ako mamayang hating gabi so I need to restore my energy for my escape 101 later.
Kaya naman unti unti nang bumigat ang mga talukap ng mata ko kaya tinulugan ko na ng tuluyan.
Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas pero naramdam ako ng mahihinang alog sa balikat ko. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at isang pigura ng tao ang bumungad saakin.
Kinusot ko ang mga mata ko para makita kong maayos kung sino ang gumigising saakin.
"Hailey, wake up." I recognized that voice. It was my dad who was waking me up.
"Bakit po?" I'm half awake and half asleep pero kahit paano ay naaintindihan ko parin ang sinasabi niya.
"Someone is here to rescue you." Aniya na ikinagising ng diwa ko. Napatingin agad ako sa paligid ko at may nakita na naman akong pigura na nakatayo sa pinto.
"Hi there, beautiful!" Halos maluha ako sa nakikita ko. Napatayo ako ng wala sa oras at tumakbo palapit sa taong maglalabas saakin sa mansiong ito.
"Miguel!" Naiiyak na banggit ko sa pangalan niya. Kahit na ilang araw kaming hindi nagkita, namiss ko na ang itsura niya.
Oh god, I'm really happy that this time it was Miguel who came. I can finally escape here at ease. Although sayang ang effort ko sa pagtali sa mga damit pero ang importante, nandito na si Miguel para ilabas ako sa bahay na to.
"I'm here to rescue you, my Hailey."
------------
BINABASA MO ANG
BS#7: The Billionaire's First Love -COMPLETE-
RomanceMiguel Zaijon Danton and Hailey Pascua Story.