Chapter 16

2.7K 77 3
                                    


Sorry for the late update~ Dapat kahapon pa to kaso nabusy na ako kaya ngayon ko na nalabas. Enjoy❤

----------



"LET'S go?" Arran asked at nilahad ang kamay niya kaya malugod ko namang nilagay ang kamay ko sa kamay niya. "Let's go."


We are ready for tonight's party. Ready na rin akong makita ang reaction ni Miguel dahil may ibang partner ako. I breathe in and breathe out as I tried to not to make any mistakes for tonight.


Wearing the gown that Arran bought me which matched to Arran's tuxedo really made us look like a couple. We even wore a matching ring because of my Mom's command. Hindi rin makatanggi si Arran dahil hindi raw niya trip ang tumanggi.



Halos mabugbog ko siya sa sinabi niyang "Hindi niya trip". Iniisip ko baka takot din to sa kalooblooban niya na tumanggi. Ayaw lang niyang ipakita.



Pinagbukas ako ng pinto niya ako ng pinto at tinulungang umupo sa passenger seat at lakad takbo siyang umikot papunta sa driver's seat.



"Memoryado mo na ba ang script natin?" Tanong niya saakin.



Gumawa kami ng script kanina at yun daw ang mga sasabihin namin sa mga kakilala ni Mommy. Dahil first time ko sa mga ganitong party, hindi ko kilala ang mga business partners nila Mommy kaya kailangan ko pang imemorize ang mga mukha nila at mga business nila.



"Yes. Pero sana hindi ko makalimutan kung hindi, baka mapahiya lang ako." Kinakabahang sagot ko sa kanya at napakamao.




"Kasama mo naman ako kaya hindi mo kailangang ipressure ang sarili mo. I'll cover you up." I mouthed thank you to him for the help he'll give to me.




"But I want you to explain our situation to your boyfriend so that he won't misunderstood us. I don't want to be a homewrecker." He said and released a small laugh.



"I will don't worry. Medyo kinakabahan lang ako kapag nakita nila akong iba ang damit na suot ko." Wika ko at tinignan ang gown ko.




"Then change to this after I send you a cignal." At may tinuro siya sa backseat kaya tumingin ako dun. May paperbag na nakalagay kaya kinuha ko yun.




Pagtingin ko, it was the gown that Cibrina prepared for me. "Thank you, Arran. I won't forget your kindness to this situation. I'll definitely gonna repay you someday."




"You don't have to repay me. Basta malaya mo nang nagagamit ang pangalan mo, okay na saakin yun." Saan bang lupalop nakita ni Mommy ang lalaking to? Masyadong mabait.




"Noted." Nakangiting sagot ko sa kanya at parang guminhawa na ako. Nawala na yung kaba na nararamdaman ko at napalitan ng excitement.




"Pero hayaan mong ilibre kita ng dinner. Maybe next week to next month? I'll contact you as soon as may available na akong time." Sabi ko sa kanya at niyakap yung paperbag.




Parang ang gaan gaan na ng pakiramdam ko. Sana hanggang matapos ang party ay ganito ang nararamdaman ko.



-


Pagkarating namin sa venue, as expected ang daming tao at halatang mga high profile na tao sila. Even their cars na nakapark sa labas ang mga pangbigating sasakyan.



BS#7: The Billionaire's First Love -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon