Chapter 21

2.8K 88 6
                                    

---------


"I HAVE a confession."


"What?" Nakangiting sagot ko sa kanya.


"Your sister was actually my ex-fiancee. But she died few years ago which makes the engagement invalid." Parang huminto yung paligid ko sa paggalaw dahil sa sinabi niya. Nawala rin ang ngiti ko sa labi at napalitan ng gulat.


"My sister's fiance?" Gulat na sabi ko. Parang nawalan ng energy ang mga legs ko dahil sa sinabi ni Miguel. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Mabuti nalang ay nakaupo ako kung hindi baka mapaupo ako sa sahig.



"And you also know that my sister is dead?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.



"Yes." Sagot niya sa mababang tono. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.


Napatulala ako sa mga sinabi niya. Parang ayaw magsink in yung mga pinagtapat niya saakin. Nawala yung mga emosyong naramdaman ko kanina. Yung saya, yung excitement pati yung lungkot kanina.



"What have I done? Your my sister's man pero nandito ako." Parang pumasok nalang sa utak ko kung paano kamali yung ginawa ko.



This is clearly a betrayal. I betrayed my sister.



"This is wrong. This is wrong. This is all wrong." At tinanggal ang mga kamay niya sa kamay ko. Tumingin ako sa mga kamay ko at parang nandiri ako sa sarili ko.



Yes, a dirty person.



"No, that's not true." Napatayo ako at ilalayo sana ang katawan ko sa kanya pero bigla niyang hinablot ang kamay ko.



"Don't touch me." Cause I'm a dirty person.




Hindi ko na alam ang iisipin ko at ang gagawin ko. Pero one thing for sure, I want ti escape from this place. Masyadong mabigat para saakin ang sinabi ni Miguel. I can't handle it.



Kaya pala pumupunta si Ate rito ay dahil binibisita niya ang Fiance niya. Why am I so stupid? Bakit hindi ko naisip yun?



I need to get out. Bago pa lumaki ang kasalanang to. Sa lahat ng kasalang ginawa ko, bakit ang lalaking dapat pakakasalan ng ate ko ang pinatulan ko?



As I walk out from that house, my tears start to fall down. I can hear them calling my name pero hindi na ako lumingon. I need to get out from here.



Pero napahinto ako nang may humintong sasakyan sa harap ko. Biglang bumaba ang bintana at bumungad si Arran. Nakahinga ako ng malalim ng dahil sa siya ang nasa sasakyan.



Baka mahimatay ako kapag si Mommy ang lumitaw.



"Hop in." Nakangiting wika niya kaya agad agad akong sumakay. Without looking at the back, sumakay ako sa sasakyan ni Arran. I'm afraid that if I look back, I might go back to them.



Marahas kong pinunasan ang mga luha ko nang nakasakay ako sa kotse. "Eksakto pala ang pagdating ko." Aniya nang at pinaandar nang muli ang sasakyan.




"Saan kita ihahatid?" Tanong niya saakin habang nakatingin siya sa daan.




"Somewhere silent and peaceful." I said between my sobs and put my seatbelt on. "Okay." Nakangiting sagot niya.




He's trying to lighten my mood by saying some jokes and showing me some photos of his pets. Medyo kumalma narin ako at sobrang maga ng mga mata ko.




Hindi ko alam kung nasaan na kami ngayon pero nasa byahe parin kami. Hindi ko na rin alam kung ilang oras na kaming nagbabyahe.



"Do you want to eat to lift up your mood?" He asked but I just nodded at him as an answer.




Yung parang drain na drain ka dahil sa mga nalaman mo kaya hindi mo manlang maigalaw ang katawan. Pati yung pagsasalita, apektado rin.




So paano ako kakain nito?




Tumigil kami sa Mcdo drive thru. "Anong gusto mong kainin?" Tanong niya saakin.




"Fries." Maikling sagot ko.




At yun nga ang inorder niya. Pero nagtaka ako dahil ang dami niyang inorder. Nagorder din siya ng bucket meal.




"Ang dami ng binili mo? Hindi ko kayang ubusan yan." Nangaalalang sabi ko sa kanya at napatingin sa resibong hawak niya.




"Don't worry, kakain din ako kaya mauubos yan." Natatawang sagot niya. Para akong sinampal sa sinabi niya.



Yung pagkatanga ko ngayon pa sumumpong.




Makalipas ng ilang minuto, nakuha na namin ang mga order namin. Siya na rin ang nagbayad dahil naiwan ang wallet ko at cellphone ko sa bahay ni Miguel.




Hindi ko na rin alam kung paano pa ako magpapakita ng mukha sa family nila at mas lalong hindi ko alam kung paano ako magpapakita ng mukha sa puntod ng ate ko. I really should just runaway habang maaga pa.



Hindi ko na kailangan ng pera dahil gagawin ko nalang hostage ko si Arran at hingin ng pera ang mga magulang niya. Easy money pa yon.



"Malapit na tayo." Aniya at binaba niya ang bintana sa passenger seat.



"Beautiful." Palubog na ang araw. It was an open field. Napatingin ako kay Arran.



"Nasaan tayo? Uy bakit walang tao rito?" Natatarantang tanong ko sakanya. Ni bahay wala akong makita. Pati mga hayop sa lupa ay wala akong makita.


"Relax. This is my hometown pero wala pa tayo sa mismong bayan namin." Natatawang sagot niya. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.



Akala ko kung saan niya na ako dinala. "You said somewhere peaceful right? Then, this is the right place." Dagdag pa niya.



Habang tinatahak namin ang daan, unti unti ko nang nakikita ang mga kabahayan. Mukhang narating na namin ang bayan nila.



Pumasok kami sa isang kanto at tumigil sa medyo may kalakihang bahay. Ilang minuto lang ay may biglang lumabas na isang babae at binuksan ang gate ng bahay.


Pinasok ni Arran ang sasakyan niya at nagpark sa side. Pinagbukas ako ng pintuan ng babaeng nagbukas ng gate.



"Is she here?" Tanong ni Arran sa babae.


"Nandyan ho siya." Sagot nung babae.



"Come, I want you to meet someone's special." Nakangiting wika niya at nilabas ang mga pagkaing inorder namin sa mcdo.



Pagbukas niya sa pinto, bumungad saakin ang vintage type na design ng loob ng bahay. It was relaxing and beautiful at the same time. Hindi masakit sa mata at talagang maganda ang mga arrangement ng mga bagay sa loob. Hindi rin ganun karami ang ng gamit loob at sobrang linis tignan.


"Arran." A woman in her late 20s suddenly approached us and called Arran.


"Come, my dear wife."


---------

BS#7: The Billionaire's First Love -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon