Chapter 40

3.1K 87 7
                                    

---------


6 years later...


WITHIN 6 years, marami akong napuntahan na bansa. I also worked as a part timer sa isang model agency. Although binibigyan ako ng family ko ng allowance, I still decided to do some part jobs with help of Arran's wife. Sobrang lawak pala ng connection ng asawa niya kaya madali akong nakakapagapply sa mga part time na ginagawa ko.



And today is the day I'll stop travelling the world as a single. Gusto kong magtravel ngayon na may kasama na. And I think nasa bahay ang lalaking gusto kong makasama sa pagtravel ko.


Paglabas ko ng airport, agad akong pumara ng taxi at pumasok dali dali. Walang may alam na umuwi ako ng maaga. Ang alam lang nila ay next week pa ang uwi ko. Nilagay ko sa likod yung maleta ko.


"Manong sa **** Company po." Sabi ko sa driver at agad namang pinaandar ang sasakyan.


Medyo kabado ako sa pinaplano ko kasi first time sa buhay ko na ako ang magfifirst move para mag improve yung relationship namin.


Within 6 years, puro video calls and text lang kami ni Miguel. Kapag umuwi naman ako sa bahay namin, sobrang rare lang din namin magkita kasi nabusy na siya sa company nila.



"Nandito na po tayo, Miss." Sabi ng driver. "Magkano po?" Tanong ko sa kanya at nilabas ang wallet ko.



"150.00 po lahat." Sagot ng driver at binigay ang bayad at lumabas na ako ng sasakyan niya. Kinuha ko yung maleta ko sa likod at naglakad papunta sa entrance ng company nila Miguel.




Si Miguel ang bagong president ng company nila dahil binitawan ng kuya niya ang pwesto niya para makapag focus daw ito sa mga restaurants niya. Si Cibrina naman ay ang bagong vice president nila pero rare lang raw siyang pumasok sa office dahil abala ito sa pagaalaga niya sa chikiting niya.



"May appointment po ba kayo?" A desk assistant suddenly popped up in front of me.



"Actually I am planning to surprise him kaya hindi ako nagpaappointment." Nahihiyang sagot ko kanya.



"Then I'm sorry po pero hindi ho kayo pwedeng pumasok. Without your appointment po, hindi ko ho kayo pwedeng pumasukin at baka ho matanggalan ako sa trabaho ko." Aniya na ikinalungkot ko. Parang sayang pala ang pagmamadali ko.


But it doesn't matter, I'll just go home muna at saka nalang ako pupunta rito and by my second visit, papatulong na siguro ako sa mother-in-law ko.


Mother-in-law na ang tawag ko sa mommy ni Miguel dahil yun daw ang gusto niyang itawag ko sa kanya girlfriend na rin daw ako ni Miguel so she insisted na tawagin ko siyang ganun


"Oh? Ganun ba? Sige thank you nalang. But don't mention to him about my visit."
Malungkot na sabi ko sa kanya. Kapag nalaman kasi ni Miguel baka masayang ang effort ko sa pagsusurprise sa kanya.



"Okay po." Magalang na sagot niya. Tumalikod na ako at maglalakad na sana palabas ng compang nang may biglang tumawag saakin.



"Miss Hailey?" Lumingon ako kung sinong tumawag saakin.



"Secretary Cha?" Ang secretary ni Miguel ang tumawag saakin. Simula nung vice president pa si Miguel ay siya na ang Secretary niya kaya malaki ang tiwala ni Miguel sa kanya.



"Ikaw nga ho, Miss Hailey. Nandito po ba kayo para puntahan si President?" Tanong niya saakin.


"Oo sana kaso hindi pala ako pwedeng pumasok kung walang appointment. Hindi rin ako pala punta sa company nato kaya halos nakalimutan ko na ang mga rules dito." Sagot ko and showed an awkward smile to him. Medyo nakakahiya kasi para akong napalayas.



"Okay lang po kahit wag na kayong magpaappointment. Halina ho kayo at ihahatid ko ho kayo sa office ni Mr. President." Sabi niya na ikinatuwa ko. Humarap muna siya sa desk assistant na kumausap saakin.



"She's a VIP so she doesn't need an appointment. If you saw her visiting again, guide her immediately and send her to the President's office." Wika ni Secretary Cha sa desk assistant at agad namang tumango  ang babae.


Si Secretary Cha na rin ang humila ng maleta ko dahil baka magalit si Miguel kapag nakita niyang walang tumulong saakin sa pagbitbit sa gamit ko. Kaya halos hindi na ako nagpoprotesta kapag binibitbit nila ang mga gamit ko.


Pumasok kaming agad sa elevator at si Secretary Cha na ang pumindot sa button kung saan ang floor ni Miguel. Within 6 years na pabalik balik ako sa bansa, ngayon lang ako bibisita sa office niya as the president of the company.


"Nandito na ho tayo, Miss Hailey." Secretary Cha at pinauna akong lumabas sa elevator bago siya sumunod.


"Mr. President is currently signing some papers inside so you may come inside, Miss Hailey." Sabi ni Secretary Cha at nagpaaalm na siyang umalis dahil may inutos pa raw si Miguel sa kanya.


Huminga ako ng malalim at kinuha ang maliit na box sa sling bag ko.


Huminga akong malalim muli bago humawal sa door knob at binuksan ang pinto.


Sumilip ako sa pinto para makita siya and he is indeed signing some papers and nakakunot pa ang noo niya habang pumipirma siya ng mga papers.


Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya at agad naman siyang tumingin sa pwesto ko.


I saw how his eyes widened and he immediately stand up and ran towards me. Kaya naman binuksan kong tuluyan ang pinto para salabungin siya at yumakap sa kanya.


I'm in his arms.


"Why are you here? Oh god! I missed you so much." Sunod sunod na sabi ni Miguel at niyakap akong mahigpit. I smiled sweetly as I heard his voice again.


I'm actually getting addicted to his voice kaya natutuwa ako kapag naririnig ko ang boses niya lalo na kapag personal na.



"I'm here because I want to tell you something." Seryosong sabi ko sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang maliit na box na hawak ko.



"What?" Takang tanong niya saakin at bumitaw sa pagkakayakap saakin.



"Napagtanto ko kasing nakakalungkot palang magtravel mag-isa kaya I'm looking for a suitable travel partner kaya nandito ako." Paliwanag ko sa kanya. Nakita kong nagiba ang expression niya sa mukha na parang naguguluhan siya sa sinabi ko.



"So you want me to join in your adventure?" Takang tanong niya saakin.



"Yes. So please..." At tumango ako sa kanya at nilagay ko sa harap niya ang kamay kong may hawak na maliit na box at binuksan ang laman nun.


"Marry me, Miguel."



------------

To my dear readers,

I'll release the next chapter this week din as I'm planning to end this story within this week din kaya baka sunod sunod ang update na gawin ko.~ Thank you sa paghihingay lagi ng update ko kaya enjoy reading~

Nagmamahal,
Ang tamad niyong author(Actually, Kasalanan talaga ni converge kaya hindi ako makapag update ng maayos. Dahil sa sobrang bagal, imbes na magupdate ako, matutulog nalang ako🙂)

BS#7: The Billionaire's First Love -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon