Chapter 11

4K 97 7
                                    

---------

TWO weeks later...



"ISUOT mo to bukas." At may binigay na malaking paperbag saakin si Cibrina.



"Si Kuya Miguel pa ang pumili niyan kaya dapat mo talagang isuot yan." Dagdag pa niya.


Kasalukuyang nasa office kami ni Miguel at lunch time naman kaya okay lang na magchikahan kami ni Cibrina.


Sumilip ako sa pwesto ni Miguel na sakto namang nakatingin din siya saakin. He winked and smiled at me. My face flushed ni red because of that.



Naramdaman ko ang pagsiko na ginawa ni Cibrina kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya.



"Kayo ah, kay agang landi niyong dalawa. Ang totoo, sure ba kayong hindi pa kayo? Kasi ako napapagod na akong maghintay sa inyong dalawa." Bulong ni Cibrina sa tenga ko.



"Chismosa. Mag focus kana lang sa inyo ng Boss mo." Bulong ko pabalik at pinigilan ang siko niya.


"Basta pahirapan mo muna kuya ko ah bago mo sagutin." Sabi niya at iniwan na kami.


Napailing nalang ako at kinuha na ang wallet ko. Simula kasi nung nagkaayos si Cibrina at ang boss niya, hindi na niya ako halos sinasamahang kumain ng lunch. Nagkajowa lang, hindi na niya ako sinasamahan.



Noong nakaraang araw lang ay sinasabihan niya akong sabay kaming maglunch pero ngayon halos kalimutan niya na ako.



Oras na siguro para humanap ng panibagong kaibigan.



Isang week lang ako nanatili sa hotel at naghanap ako ng panibagong titirahan. Naghanap ako ng bahay sa isang subdivision kung saan may mahigpit na sekuridad para walang pwedeng mangistorbo saakin.


Pagtayo ko, nakita kong nakatayo na rin si Miguel at naglakad na siya papunta sa pwesto ko. "Lunch together?" Aniya at naglahad ng kamay.



"Sure." Sagot ko sa kanya at tinanggap ang kamay niya.



Babawiin ko na sana yung kamay ko sa kanya dahil bababa na kami pero mas lalong humigpit ang paghawak niya. Napahinto ako sa paglalakd namin at tinignan siya.



"Bitawan mo na ang kamay ko." Seryosong sabi ko sa kanya at pilit na tinatanggal ang kamay ko.



But to my surprise, he suddenly interlocked our hands. "The time is kicking so we better eat our lunch." Aniya.



I'm totally confused. Pulang pula na ang mukha ko dahil sa ginawa niya. How can I react to this? Madalas kong nakikita ang mga ganito sa mga magcouple pero bakit niya ginawa to? We are not even in a relationship so why?




"Why did you interlocked our fingers?" Naguguluhang tanong ko sa kanya habang naglalakad kami at nakatingin lang ako sa mga kamay namin.




"Because I want to tell to the boys out there who are interested in you to back off." Sagot niya at tinaas ang kamay namin.




Nakikita kong napapatingin saamin ang mga tao dahil sa ginawa niya. Pinilit kong binababa ang mga kamay namin.



Binababa naman niya ang mga kamay namin pero mas nagulat ako sa susunod na ginawa niya. Bigla niyang nilapit ang kamay ko sa labi niya at nagdampi ng halik sa likod ng kamay ko.



"Why...did you do that?" Nagulat na tanong ko sa kanya.




"Because, I want courting you." Napatigil na naman ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.



He wants to court me?



This is definitely a first time for me. I don't even know the real meaning of that phrase but it made my heart race so fast. Napayuko ako at sinubukang pakalmahin ang puso ko.



"Do you want to eat outside or do you want to eat inside the cafeteria?" Tanong niya saakin at tinaas baba ko mula sa pagkakayuko.



"Are you sick? Why your face is so red? Are you perhaps...blushing?" Parang gusto ko nalang matunaw sa hiya dahil sa tanong niya.



"It's all fault why I'm like this." Sagot ko sa kanya at tinanggal ang kamay niya sa baba ko.



"And why is it my fault? I only asked if you want to eat outside-" Tanong niya saakin at bumitaw na sa kamay ko at pinagkrus ang mga kamay niya.




"It's your fault for spouting nonsense." Sagot ko sa kanya at umiwas ng tingin. Nilagay ko sa likod ko ang mga kamay ko dahil baka hawakan niya ako bigla sa kamay at hindi na ako makatakas sa kanya.



"Spouting nonsense? Saang banda sa sinabi ko?" Tanong niyang muli at humakbang palapit saakin.



"Hmmm. You said you want to court me."
Naiilang na sagot ko sa kanya at humakbang palikod.



"Yes, I want to court you." At humakbang na naman sila palapit saakin.



Para akong kakapusan ng hininga sa mga ginagawa niya at sinasabi niya. Hindi ako naiinform na may tinatagong ugali palang ganito si Miguel.



"Then you're spouting nonsense." Naiilang na sabi sa kanya habang nakatingin sa ibang direksyon.



"And why is that?" Tanong niyang muli at pilit na hinuhuli ang tingin ko.



"Well, it doesn't make sense. Why do you even want to court me?" At humakbang na naman ako paatras. Palapit ng palapit kasi ang katawan ni Miguel saakin.




"Do I need a reason to court you?" Takang tanong niya saakin.




"Duh, of course!" Sagot ko sa kanya. Bakit niya ako liligawan kung ganon? Trip niya lang?



"Oh, is that so? Then if I say I like you, will that count as reason?" Napahinto ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa kanya at seryoso ang expression niya.



"What did you just said?" Gulat na tanong ko sa kanya. I wasn't expecting that words from him.



"I said, If I say I like you, will that count as a reason?" Ulit niya. Sinabi talaga niyang gusto niya ako.



"What.......?" Parang walang gustong lumabas na boses ko. I can't believe it.



"I.like.you."



"But why?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.



"Do I need to explain that too?" Hindi makapaniwalang tanong niya saakin.




"Well, yeah." Mahinang sagot ko sa kanya at humakbang ulit paatras pero parang wala akong maatrasan dahil pader na yung nasa likod ko.



"Is that so? Then, I like you the moment I saw you." He said put his hands beside me. Parang wala na akong kawala rito.




Dead end.




"Ahhhhhh. SPG." Napatingin kaming dalawa ni Miguel sa nagsalita.




Si Cibrina pala ang nagsalita kasama niya ang Boss niya. Nakatakip ang mata ni Cibrina dahil mukhang tinakpan ng Boss niya pero tinanggal din niya.




"Ibang kainan ata ang nangyayari ah." Tukso ni Cibrina saamin pero hindi nalang pinansin ito.




Tinanggal na ni Miguel ang mga kamay niya sa pader bagkus ay hinawakan niya ang kamay ko.





"How about a double date, Aaron?"


-----------

BS#7: The Billionaire's First Love -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon